BABALA!! MAY KONTING KUWAN!! Ashley Sa totoo lang ay hindi ko maintindihan si Carl. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang pumayag at malaking palaisipan sa akin iyon. Nang tanungin ko siya kung dahil kay Zach ay iniwanan niya naman ako. Ano yun? Nagseselos siya? Kung nagseselos siya, does that mean importante ako sa kanya? Does he feel the same way I feel for him? Nakaka excite pero nakakatakot, paano kung mali ako? Hindi kaya masyado na akong nagiging assuming? Hay naku Carl, hindi kita maintindihan. Teka, paano kung pansamantala lang ang nararamdaman niya? Na na o-overwhelmed lang siya sa nangyayari sa amin. Gusto kong malaman tuloy kung ano ba talaga? Why can't he just say it kung nagsisimula na siyang makaramdam ng pagkagusto sa akin? Mahirap ba iyon? Sa akin siguro ay oo, babae ako

