Ashley Hala! Anong nangyari? Pagkatapos ay naghiwalay na kami ng landas. I mean, umuwi na ako syempre. Ayaw niya sana at ang gusto ay magdamag kaming magkasama. Pero nahihiya ako. Gusto niya akong ihatid ngunit hindi din ako pumayag dahil na rin sa hiya. Nagdahilan na lang ako na may kasama akong friend sa apartment. Tinanong pa nga nya ako kung lalaki daw ba o babae ang friend ko at sinabi kong babae. Kahit na sa totoo ay mag-isa lang ako. Ano ba naman kasing pakiramdam iyon? Hindi ko akalain na ganun pala. Bakit hindi ko man lang iyon naramdaman sa ibang lalaki? Paano bukas? Paano ko siya haharapin? Inay ko po… Ano ba naman ang naisipan ko at nagpatangay ako sa kaya? Pwede namang magsabi ng Sir, huwag po. Pero ano? Anong ginawa ko? Inaral ko pa talaga kung paano ko tutugunin ang kanya

