Carl
Ang lambot ng kanyang mga labi at dahil sa ginawa ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko din. Ano ba meron ang babaeng iyon at nakuha niya agad ang atensyon na kailan man ay wala pa bang babaeng nakagawa matapos ang nag-iisa kong seryosong relasyon?
I didn’t stop her when she decided to leave my room, ayaw kong isipin nya na sinasamantala ko siya kahit na nga ganun na ang nangyari. Naiinis akong isipin na iba ang tingin niya sa akin at kay Matthew at kita kong humahanga din ang kaibigan ko sa kanya. Alam ko namang hindi ako dapat mabahala sa lalaking iyon dahil pakiramdam ko ay ang ex pa rin niya ang nasa puso niya, kaya nga hindi niya magawang tumingin sa iba.
Pero si Ashley ay hindi ko alam. She praises men easily like they were kids, that’s how I see my friends are. They looked excited sa kung ano ang sasabihin niya sa mga ito. Naaliw siguro ang mga ito sa kanya dahil napaka game nito pero hindi mo iisiping bastusin siya. Basta ang alam ko lang ay iba siya sa lahat.
Kahapon ay kumakain na siya ng breakfast ng bumaba ako ng hotel at makita siyang kasabay na ng iba. Ako lang ang kulang at naiinis ako dahil hindi man lang niya ako tinawag. Naalala ko pa ang naging pag-uusap namin, “Why didn’t you wait for me?” ang tanong ko sa kanya.
“Hindi mo naman hawak ang kaldero,” ang sagot niya na parang wala lang. I can’t believe this, pagkatapos ng nangyari kagabi ay ganyan na siya umasta sa akin.
“I am the one who will be paying for your stay here.” ang sagot ko naman. “Paano kung hindi ko bayaran ang meal mo?” ang tanong ko pa na ikinatingin ng mga kasama namin sa table matapos kong maupo at sabihin ang aking order sa waiter na nasa tabi ko lang din.
“I am going to ask Matthew to pay, or the others.” sagot din naman niya.
“What if I told them not to help you?”
“Then I will call a friend?” sagot niya na patanong na tila nang-aasar. “I think he can afford to pay for my stay here too, if you’re not going to pay for it.” dagdag pa niya. At teka lang, tama ba ang narinig ko? HE? As in lalaki? Phone a friend pero lalaki?
“So you have someone you can ask for help just in case,” sabi naman ni Jace.
“Syempre naman, lahat naman tayo meron non.” mabilis niyang sagot, “And I’m sure that he is not going to say no. Masyado niya akong bine-baby at ayaw niya akong nahihirapan.” dagdag pa niya.
“Then why are you working? Why can’t you just ask him to take care of you?” I asked, feeling annoyed. Para kasing pinapamukha niya sa akin na hindi niya ako kailangan.
“Ang kapal ko naman kung ganun eh ang lakas lakas ko, tsaka you don’t know him. He’s over protective of me, kaya nga hindi ako pumapayag magtrabaho sa kanya.”
“Has your mother met him already?” tanong naman ni Mav at tumango naman ito. “And what did she think about him?” dagdag pa niya.
“Oh, she loves him so much. Pinipilit na nga niya akong doon magtrabaho, ayaw ko lang. And she will believe him more than me. That’s how close they are.” ang sagot niya, “We have known each other since I was 8 if I remember correctly.”
Shit! Ganon na sila katagal magkakilala so talaga ngang sobrang close na sila. Nakita kong nakatingin sa akin si Matthew ng makahulugan at parang may idea na ako kung bakit. Halata na siguro ang pagiging interesado ko sa aking assistant.
Pagkatapos non ay niyaya ko ng umuwi si Ashley pero pinigilan kami ni Matthew, hayaan ko daw munang makapaglibot ito na sinang-ayunan naman ng lahat. Kaya naman ganun na nga ang nangyari. Buong maghapon ay magkakasama kami at talagang enjoy naman din siyang kasama dahil wala itong kaarte arte sa katawan.
Ngayon ay hindi ko alam kung isasama ko pa siya sa Solitude sa susunod o hindi na. Para kasing ayaw kong mapalapit siya kay Matthew lalo na at sinabi nito na sabihan siya ni Ashley na itext siya kung isasama ko siya pag nagpunta ulit ako doon. Kailanman ay walang pinagbigyan ng numero niya ang lalaking iyon at para gawin niya iyon kay Ashley ay parang may something.
Naipilig ko ang aking ulo sa kaisipang iyon, ayaw kong isipin na talagang mahuhulog ang loob ng isang Matthew Cleeve kay Ashley, hindi dahil sa hindi kagustugusto ang babae kung hindi dahil alam kong may napupusuan na ito.
“Sir, are you alright?” ang narinig kong tanong ng isang tinig na kahit isang linggo ko palang naririnig ay hindi ko na yata makakalimutan.
“What is it?” ang tanong ko naman, ayaw kong isipin niya na nawawala ako sa aking sarili during our meeting. Kaharap ko ngayon ang ilang architect para sa township project namin at may mga pinapabago ako.
“Jayson just asked you if you have time to go to the site this coming wednesday.” ang sabi ni Ashley.
“Check my schedule and try mo na maisingit iyon.” ang sagot ko.
“OK, Sir.” ang sagot niya. Hindi man lang nagsulat, talaga sigurong matalas ang memory niya kaya ganun. Tapos ay nag patuloy na ang aming meeting.
Madami akong nakaschedule na meeting para sa araw na ito at alam kong magiging busy kami dahil sunud sunod iyon. Hindi ko din tuloy maiwasang mag-aalala kung kakayanin ba niya since isang linggo palang siyang nakakapagtrabaho under me.
“What’s next?” ang tanong ko sa kaya habang palabas na kami ng conference room.
“You have to meet Matthew,” sabi niya na ikinabaling ng tingin ko sa kanya at nakita kong ngiting ngiti siya.
“Are you that happy to see him? Kahapon lang kayo huling magkasama.” ang sabi ko sa tonong naiinis.
“Masaya akong makikita ko siya pero ganon lang. May masama ba doon?” ang tanong niya. Hilig talagang sumagot ng babaeng ito,
“Oo, ayaw kong maging masaya kang makita siya o kahit na sino sa mga kaibigan ko!” ang singhal ko sa kanya na ikipatda niya at ako na rin. Hindi ko akalaing masasabi ko yon sa harapan niya. Ano nga naman ang karapatan kong sabihin iyon?
“Sir, I have no intention of seducing any of your friends if that’s what you are thinking.” ang sabi niya. Hindi ako nakasagot kaya siguro nagpatuloy pa siya. “This meeting with Mr. Cleeve is important since you are the one who requested it. Now, you can tell me if you want to cancel this appointment and I am going to call his secretary to inform him about it. Ava gave me your schedule on my first day and I am only following what was written on it.”