BABALA!!! MAY KONTING KUWAN!!! Carl I wanted to get close to Ashley pero parang ayaw niya. Masyado na niya akong iniiwasan na sa palagay ko naman hindi na makatarungan since may nangyari na nga sa amin. Pero teka, hindi kaya dahil doon kaya naman ganun na siya sa akin? Maigi pa noong wala pa kaming malisya sa isa’t isa ay nagkakausap kami ng maayos at nasasabi niya ang mga bagay na gusto niyang sabihin. Nakakapag stay din siya sa aking opisina at hindi naiilang kahit na nga sobrang palasagot talaga siya. Naisipan ko na dalhin siya sa estate sa Solitude sa susunod na linggo at tinawagan ko ang country club para ipagbigay alam na kailangan ko ng duplicate ng aking susi. Kaya naman nagulat ako ng paglingon ko ay nakita ko siya dahil nag-alala ako na baka narinig niya ang pakikipag-usap ko.

