Nakahiga na kami dito sa couch. Nakatagilid kami pareho at nakaharap sa isa’t isa upang magkasya kaming dalawa. Nakapatong ang ulo niya sa armrest ng couch at nakaunan naman ako sa isang braso niya.
We took each other’s time looking and feeling each other. Parang dito kami bumabawi. Hindi na kami nakapag lambingan kagabi dahil kulang sa oras.
He’s caressing my lower lip. I naughtily bit it. Tumawa naman siya kaya natawa din ako. Muli kaming nagkatitigan. Ipinatong ko ang kamay ko sa ibabaw ng kanyang dibdib. Gumalaw ang panga niya kasabay ng pagtaas baba ng kanyang adams apple.
Nag iba ang anyo ng titig niya. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil para niya akong hinuhubaran sa klase ng kanyang titig. Hindi ko kaya.
Napalunok ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Tumingin ako sa kisame ng kwarto upang makapag isip ng mapag uusapan.
“Kaninong room ‘to?” tanong ko upang madistract siya sa kakatitig sa akin.
“Sa mga magulang ni John…” he answered huskily.
Tumaas ang balahibo ko. Ang init ng hininga niya. Ang sarap sa pakiramdam ng mababa niyang boses na parang bagong gising lamang.
Nanlaki ang mga mata. “Is it o-okay if we did t-things here?” nakangiwi kong tanong.
Tumango siya. “Don’t worry. It’s fine as long as we clean up…”
He smirked and embraced me tighter. Napangiti na ako. Siniksik ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Paminsan minsan ay inaamoy ko ang kanyang leeg. Ang bango niya. I wish I could smell him forever.
We cuddled for another hour. Gusto ko pa sana siya mayakap ng ganito pero nagrereklamo na ang tiyan ko sa gutom. Kaya wala kaming choice kundi tumayo at mag ayos.
The lights are already turned on. Umikot ang mga mata ko sa buong room habang nag aayos na kami ni Marcus.
Bago kami lumabas ng kwarto ay nabasa ko ang text ni Audrey. I received it before she was out of my sight earlier at the built-in-bar.
Audrey:
Let’s meet up later. Enjoy your time! No more kissing in the parking lot… or just close the damn door!
Napatawa ako ng mahina. This is the first time I had a serious boyfriend. That's why she is so damn supportive. And I love her for that.
Magkahawak kamay kami ni Marcus patungong cafeteria. Napakagat ako ng labi. I blushed when I realized that this is our first time will be seen together as a couple.
Pero kaagad ding pumutok ang happy bubble ko ng maramdaman ang mga matang nakatingin sa amin. Marcus is kinda famous here in the university. Naramdaman ko na ‘yon ng minsan siyang maglaro ng basketball at nanood ako. Noong una ay hindi naman sila ganito. Pero kalaunan ay narealize yata nilang seryoso si Marcus sa akin kaya umasim ang kanilang mga timpla.
He’s a basketball player, a scholar and a handsome man. So it’s not that questionable na maraming humahanga sa kanya at nakatingin sa mga galaw niya.
Hinigpitan ko ang hawak niya sa akin. Naramdaman niya ito. Nilingon niya ako at marahang nginitian. Gumaan naman ang pakiramdam ko pero hindi natanggal ang mga matang ng i-intriga.
May mga babaeng bitter at may mga babae naman na parang nangingisay sa kilig sa aming dalawa. May lalaki din naman na mayabang kung makatingin.
At hindi mawala sa isip ko ang narinig ko bago kami makapasok ng cafeteria.
“This is the first time that he held a girl like that. This is getting serious ha?” sabi nu’ng babaeng maganda at chinita.
“It is so shocking for all of us na mga kabatch niya! Kaya pala wala tayong epekto sa kanya dahil mas tipo pala niya ang mas bata,” sabi naman ng isang morena na maganda din.
Nilingon ko ang grupo nila. Ngayon ko lang napansin na Mechanical Engineering Seniors sila dahil sa kulay ng ID. Inirapan lang nila ako ng mapansin nila na nakatingin ako sa kanila. They all laughed bitterly. Napa-buntong hininga na lang ako.
Hindi narinig ni Marcus ang sinabi nila dahil patuloy lang siyang nakikipagbatian sa mga kilala niya. Pero ako dinig na dinig ko iyon.
Inilingan ko na lamang ‘yon. Hindi ako sanay sa ganyan. Noong high school ay iniiwasan kong makipag away dahil wala akong palanong maglaan ng oras para sa kanila. Kapag nagkaka-initan na kami ng mga kagrupo ko ay ako na lang ang nagpapakumbaba.
They are seniors for f**k sake. Papatulan nila ang isang freshmen na kagaya ko? Magpaparinig na parang mga bata? Wala ba silang magawa?
Hindi na namin kailangan na pumila ni Marcus dahil past lunch time na. Kaya mabilis kaming nakakuha ng pagkain.
Siya ang nagbitbit ng pagkain naming dalawa hanggang sa makapili kami ng lamesa malapit sa bintana. Hindi niya ako pinagbayad dahil unang lunch date namin ito. Pinayagan ko na siya para hindi na kami magtalo.
Nakaupo na kami at tinatanggal niya na ang pagkain sa tray ng mapansin niya na tahimik ako.
“What’s wrong?”
I breathe loudly. “I didn’t realize that you were famous here?”
“Huh?” He didn’t get it. Obviously.
Umiling na lang ako at uminom ng tubig. “Wala, kumain na tayo.”
He kissed my temple. “I’m sorry. Gutom ka na siguro…” Gamit ang kanyang kutsara at tinidor ay hiniwa niya ng bite sized ang pork cutlet ko.
Nagulat ako sa ginagawa niya. I’m not comfortable when someone is feeding me or making my meal easy for me. Lumaki ako sa karangyaan but my father taught me to be independent at the very young age. Sanay na ako na nakahain na ang pagkain namin pero hindi darating sa punto na nakahiwa na sa malilit na parte ang karne na kakainin ko.
But when that someone is Marcus… I feel like this is a natural thing for me.
Napatawa ako ng malakas ng sinusubuan niya na ako. “Ako na…”
Napanguso siya. Tuluyan ng nawala sa isip ko ang mga narinig ko kanina. Tahimik kaming kumain ni Marcus.
I bit my spoon. Pinigilan kong matawa ng halos tatlong subo niya lang ang isang cup ng kanin. Nagpaalam siya sa akin dahil oorder lang daw ulit siya ng extra rice.
Gutom na gutom na din pala siya. Pareho pala kami na nagpipigil ng gutom dahil ayaw naming lumabas sa room.
Nakatatlo siyang rice ng matapos na ako sa pagkain ko. Nakasandal na kaming pareho sa upuan. Umiinom ako ng soda at siya naman ay nakatingin sa akin.
Napahinto ako sa paginom pa ng makita ko si John at isa pang lalaki na pamilyar dahil nakita ko siya sa picture na nasa kwarto ni Marcus.
Napalingon si Marcus sa tinitignan ko. Napaayos siya ng pag upo ng makita niya na seryosong nakatunghay sa amin ang dalawa.
“John, Azrael…” bati niya sa mga ito.
Azrael cleared his throat. “I’m sorry for disturbing you both. Ali’s having a problem with his group. I think he needs our help.”
Si kuya? Napanganga ako. Pabalik balik ang tingin ko sa kanilang tatlo.
Napakamot ng sintido si Marcus. “Hindi pa rin ba siya bumabalik?”
Umiling is Azrael.
“Ilang beses na namin siyang tinatawagan pero ayaw yata magpaistorbo,” kibit balikat na sabi ni John.
Malakas na bumuntong hininga si Marcus bago siya napipilitan na tumango. “Mauna na kayo, susunod na lang ako.”
Nagkatingin ang dalawa bago sila sabay na tumango. “Okay.”
Umalis na sila. Marcus looked at me apologetically.
“Bakit? Anong meron? May problema ba sa grades niya? Nasaan ba siya?” taranta kong tanong sa kanya.
“Don’t worry. He’s… with Seleena right now,” nagdadalawang isip niyang sagot
“Oh…” iyon lang ang nasabi ko dahil kaagad kong naintindihan ang sinasabi niya.
Napatawa ako at napasuklay ng aking buhok. Naiintindihan ko siya dahil kung ako iyon ay hindi din ako magpapaistirbo. Hell! Magkapatid nga kami! Umiling na lang ako na parang baliw.
Niyakap ako ni Marcus at hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo. “Ayos lang ba?”
Tumango ako. “Pasensya ka na kay kuya…”
“This is nothing. We help each other a lot. Maliit na bagay lang ‘to.”
Niyakap ko siya. “Thank you…”
Hinatid niya ako kung nasaang booth si Audrey pagkatapos ay umalis na siya. Ihahatid niya daw ako pauwi kaya binilin niya sa akin na hintayin ko siya.
Palabas na kami ng Audrey sa booth ng mga business ad ng nakasalubong namin ni Diether.
“Ellory!”
“Oh, Diether. Booth niyo ba ito?”
Tumingin muna si Diether sa kasama ko bago siya tumango sa akin. Malawak ang ngiti niya habang ang kasama ko naman ay namumula at hindi mapakali.
“Anyway, this is my best friend Audrey. And, Audrey, this is my childhood friend Diether.”
“H-hi…” Audrey said awkwardly.
Napataas ang kilay ko ng tumaas ang sulok ng labi ni Diether.
“Hi, miss ganda…”
Mas lalo tuloy na namula ang pisngi ng aking kaibigan.
They awkwardly shake their hands. Kaagad na binitawan ni Audrey ang kamay ni Diether na para bang napaso siya. Napahalakhak naman ang lalaki at natutuwa ang tingin niya sa kaibigan ko.
Okaaay… There's definitely something fishy going around here.
“Aalis na kayo?”
“Yes, magpupunta pa kami sa ibang booth. You want to join us?”
Natatawa suyang umiling. “Hindi na… maybe next time?”
“Okay! See you around!”
“Bye, Ellory! Bye Ellory’s best friend!”
Nang makalayo na kami ay saka ko hinarap si Audrey. “Okay… what was that?”
Audrey nervously cleared her throat. “Tara sa course natin! I heard that our seniors have some robotic stints on their booths!”
I rolled my eyes and pretended that was nothing. Napalitan ng excitement ang nararamdaman ko dahil masisilip ko si Marcus sa booth nila.
Nakarating na kami doon pero nawalan ako ng gana na magpatuloy ng makita ko ang mga seniors kanina na nag uusap kanina tungkol sa amin ni Marcus.
Nakalimutan ko na sama-sama pala sila sa iisang booth.
As usual, their bitter eyes are on me now. Nakita ko pa silang nagbubulungan. The hell?
Pinilit kong mag enjoy sa pinapanood namin pero naiirita talaga ako sa titig nila. Hindi ko na maitago ang pait ng nararamdaman ko.
May humawak sa braso ko at pumihit sa akin. Nakasimangot kong hinarap ang humila sa akin pero si Marcus pala.
Tinignan ko lang siya. Hindi ako makangiti.
“Hey…” nawala ang malawak na ngiti niya ng makita niya ang mukha kong nakasimangot.
“What?” maarte kong sagot.
Napalunok siya. Pumungay ang mga mata niya na naka-sulyap sa akin. “Something wrong?”
Umiling ako at hinawi ang buhok ko. “Pagod lang ako. Gusto ko ng umuwi…”
He licked his lower lip. Nakakaintindi siyang tumango. “Magpapaalam lang ako sa mga kagrupo ko.”
Lalo pang kumunot ang noo ko. “Bakit? Babalik ka pa dito?”
“Oo, may kailangan pa kaming gawin mamaya. Is that okay?”
Napairap ako at humalukipkip. “May magagawa ba ako?”
“Mahal ko…” mas lalo siyang lumapit sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko.
Tinanggal ko ang kamay niya sa aking pisngi. Nakita ko na may dumaang sakit sa mga mata niya pero inignora ko iyon.
Kinalabit ko si Audrey na busy sa panonood. “Audrey, mauuna na akong umuwi.”
Humarap siya sa akin at yumakap. “Okay! I’ll just stay here for a bit. See you tomorrow?”
Tumango ako at mahinang ngumiti. “See you tomorrow.”
Hinintay ko siya sa labas ng room habang nagpapaalam siya sa mga classmates niya.
Habang naglalakad kami ay naririnig ko ang buntong hininga ni Marcus. Magkahawak kami ng kamay pero hindi kami nag uusap dahil wala ako sa mood.
“Bakit ba hindi ka nagkaroon ng girlfriend ng ilang taon?”
Nakasakay na ako sa passenger seat. Nakalabas na kami ng school. Nakatingin lang ako sa labas habang patuloy siya sa mabagal na pag-drive.
“I already told you about this. I don't have time to have a relationship.”
“Pero nagkaroon ka ngayon?”
“You're different. You made me fall for you in a short period of time.”
Humaba ang nguso ko. “But… They said that I am too young for you.” Hindi ko man gusto ang tono ng pagkasabi ko pero para akong nagsusumbong sa kanya.
Suminghap siya. “Who said that?”
Umiling ako at tumingin sa bintana. “Narinig ko lang…”
Mabigat siyang bumuntong hininga. Nang tumigil kami sa red light ay kinuha niya ang kamay ko at ipinatong niya sa kanyang hita. Nagkatinginan kami.
“Ikaw ang mahal ko, hindi dahil mas bata ka at mas maganda. Ikaw ang nagpatibok ng puso ko Ellory kaya wala na silang magagawa pa doon. Please, don’t listen to them. They’re just gonna ruin your day. I don’t want that. I don’t want my baby to ruin her day…”
Nag init ang magkabila kong mata. Lumambot ang puso ko sa sinabi niya. Nakonsensya ako dahil sa kanya ko naibuntong ang galit ko sa mga kabatch niya.
Nagkatitigan kami hanggang sa mag green light na.
“I’m sorry…” halos pabulong kong sambit sa kanya.
Ngumiti lang siya ng marahan at pinisil ang aking kamay. “Smile at me first…” humalakhak siya at umiling. “Natatakot ako sayo kapag galit ka…”