Jerome’s POV Dumating kame ni Ren sa meeting place ng team niya. Nandun na ang mga kasamahan neto at hinihintay na lang si Greg at Boss Richard. Pinakilala ako ni Ren sa mga katrabaho. “Si Chino, yung sinasabe ko sa ‘yo kahapon. Tapos eto si Oliver, si Shiela, Crissa, at Arlene. Si Jerome guys, ahm, ano, boyfriend ko.” Nagulat ako sa sinabe ni Ren, pero okay na rin yun para alam nila, lalo na ni Chino na mukhang may balak sa boyfriend ko. “Hello pare, Oliver!” Bati neto sabay abot ng kamay ko. Si Chino naman ay tumango lang at yung tatlong babae ay kumaway lang. “Pwede pala plus one e, sana sumama na rin sila Nat at Apple.” Dagdag pa ni Oliver. “Hahaha. Sinabe naman naten diba?” Sagot ni Ren dito. Maya-maya ay dumating na nga si Boss Richard. “Uy Jerome! You’re coming.” Bungad n

