HINDI NA ALAM NI JOHN ang mga sumunod na nangyari. Nagising na lang siya sa isang lumang silid. Dahan-dahan na siyang bumangon, at bahagya na siyang dumaing nang maramdaman niya ang pagkirot ng kanyang ulo. Nang mahimasmasan na siya ay saka siya nagpalinga-linga. Madilim na, at tanging nag-iisang lampshade na naroroon ang nagsisilbing liwanag sa lugar na iyon. Pero biglang natigilan si John dahil parang pamilyar sa kanya ang lugar na ito, "Ano’ng ginagawa ko rito?” tanong niya sa kanyang sarili. Muli niyang ginala ang kanyang paningin. Wala siyang ideya kung paano nga ba siya napunta sa lugar na iyon. Sinubukan ni John na magtungo sa pintuan. Pero bigla siyang natigilan nang bumungad sa kanyang paningin ang rehas na bakal. Sinubukan niyang alugin pero sadyang nakalock ito. Nilakasan pa

