Chapter 3

1043 Words
MAY PAGDUDUDANG TINITIGAN ni Aimee si Danica. Oo, kilala niya ang Madz na tinutukoy nito, at isa sa mga kabarkada ni John. Pero hindi naman ugali ng binata ang magkwento ng mga ganoong bagay lalo na sa mga kaibigan nito. Sa kanya nga, nagawa pa nitong maglihim tungkol sa arrange marriage nila James at Kathleen, eh. "Ay! Sige na, Aimee!" Pagtataboy na ni Danica, "Gora na! Baka naghihintay na si James sa'yo!" "Sige," ngumiti na si Aimee. Saka na siya tumayo sa kanyang kinauupuan, at nagmamadali siyang tumakbo palabas ng kanilang classroom. May ideya na si Aimee kung ano pag-uusapan nila ni James. Ayaw pa sana niyang kausapin ito pero tama ang sinabi ni Danica. Kailangan rin nitong malaman ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Halos ramdam na ramdam ni Aimee ang pagkabog ng kanyang d!bd!b hanggang sa marating na niya ang rooftop. Naabutan niya roon si James na nakatayo, at parang napakalalim ng iniisip habang pinagmamasdan ang nagtataasang gusali, "Nandito na ako," sabi niya. Lumingon naman si James. Wala na ang ngiti sa mga labi nito, hindi katulad dati na kapag nakikita nito ang dalaga ay abot hanggang tenga ang ngiti labas pati gilagid. Bakas sa mukha nito na may dinadala itong mabigat na problema, "Magbreak na tayo," seryoso at walang prenong sabi nito. "Ha?" para namang nabingi si Aimee. Pagkaraan ay parang binuhusan na siya ng malamig na tubig matapos nang magsink-in sa vt4k niya ang mga katagang lumabas sa bibig nito. Hindi niya inaasahan ang kanyang mga narinig. Ang buong akala niya ay magagawa nitong ipaliwanag sa kanya kung ano nga ba talaga ang nangyayari. Kung totoo nga ba ang tungkol sa arranged marriage nito kay Katleen. "I'm sorry..." Dagdag pa ni James. Tinangka pa nitong hawakan ang kamay ng dalaga. Pero nagawang iiwas ni Aimee ang kanyang kamay. Pagkaaran ay mabilis ring dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay bigla ring umurong ang dila niya. At halos wala siyang salitang mahalungkat ang kanyang bibig. "Sorry, Aimee..." muling sabi ni James, at umaktong tatalikod. "Buntis ako!" pag-amin na ni Aimee na siya namang kinagulat ng binata. Pagkaraan ay hinalungkat na niya sa loob ng kanyang bag ang pregnancy test, "Ito, tignan mo!" hamon pa niyang sabi saka inabot sa binata ang naturang bagay. Kinuha naman iyon ni James. At ilang saglit pa ay bumakas sa mukha nito ang matinding pagkagulat. Mabilis rin itong pinagpawisan samantalang mahangin naman sa kinaroroonan nila. Ilang saglit pa ay bigla na itong napamura. Nagkunot ng noo si Aimee dahil ito ang unang beses na marinig niyang magmura ang binata, "Ngayon sabihin mo, ano ang plano mong gawin?" seryosong tanong niya. "H-Hindi ito pwedeng mangyari. H-Hahanap ako ng taong pwedeng makatulong sa atin para ipalaglag ang bata," wala pa ring prenong mungkahi ni James. Para namang nagpintig ang dulo ng tenga ni Aimee sa kanyang narinig. Para na ring may matatalim na kvts!lyo ang biglang isinaksak sa d!bd!b niya at dumiretso ito sa kanyang pvso. At dala na rin ng pagkabigla, wala sa loob na nabigyan niya ito ng isang malutong sampal, "Hindi mo ako kayang panindigan?" hinanakit niyang tanong. "Alam mo naman na hindi pwede! Sorry, kung hindi ko sinabi sa'yo na... Aimee, matagal na akong engage kay Kath! Malaki ang mawawala sa kumpanya ng Family ko sa oras na hindi ko pakasalan si Kath!" Pagtatapat na ni James. "Matagal ka na palang engage kay Kath, bakit niligawan mo pa ako?!" umiiyak na tanong ni Aimee, at minsan pa niyang hinampas ang braso ng binata, "Bakit hinayaan mong..." "I'm sorry..." tanging nasambit ni James. "I'm sorry?" Natigilan si Aimee. Para na siyang unti-unting p!n4p4t4y sa bawat pagbitaw nito ng salitang 'sorry'. Lalo lang nitong pinamukha sa kanya na wala itong balak na panagutan ang dinadala niya. Hindi niya akalain na handa nitong isakripisyo ang magiging anak nila para sa kapakanan ng pamilya nito. "Sorry, hindi talaga puwede!" diin ni James. "Hindi ko kayang gawin ang gusto mo!" mariin na tinitigan ni Aimee ang binata, "Ibang klase ka rin, noh? Hindi ko akalain na kaya mong p4t4y!n ang anak natin para lang sa kapakanan ng pamilya mo? Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa'yo! Hindi ganyan ang kilala kong James!" "Oo ganito ako! Ito ang totoo'ng ako!" Singhal ng binata. Natigilan naman si Aimee, "Nagsisisi ako kung bakit nagkagusto ako sa'yo!" maingiyak-ngiyak niyang sabi. Nagpakawala ng marahas na hininga si James, "Magsisi ka hangga't gusto mo. Kahit anong sabihin mo, itutuloy ko ang plano ko! Ipapalaglag natin ang batang iyan!" diin pa rin nito. Sa muling pagkakataon ay muling binigyan ni Aimee ng malutong na sampal ang binata. Wala nang salita pang lumabas sa kanyang bibig, at umiiyak na niyang tinalikuran ito. Hindi na niya kayang kausapin ito. 'Ni hindi na niya kayang tignan pa ito. Para na itong isang d3m0ny0 sa kanyang paningin na kaya siyang p4t4y!n anumang oras. Oo, problema ang dala ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Pero hindi niya kayang ipal4gl4g ito. Hindi niya kayang p4t4y!n ang sarili niyang anak. Patakbo nang umalis sa lugar na iyon si Aimee. Malalaking hakbang kanyang nilaan patungo sa Ladies' Comfront Room. At doon ay ibinuhos niya ang lahat ng kanyang sama ng loob. Wala na siyang pakialam kung may makarinig sa kanya, o di kaya ay pagkamalan siyang multo na umiiyak sa loob ng CR. Halos ilang minuto rin ang tinagal ni Aimee sa loob ng cubicle bago na siya nagpasyang lumabas na. Patungo na sana siya sa next class niya nang masalubong naman niya si Miss Barbara, ang tumatayong principal sa kanilang eskwelahan. "May I talk to you, Miss Acidera?" tanong nito, at bumakas ang pagkaistrikto sa mga mata. "S-Sure, Ma'am!" magalang namang tugon ni Aimee saka na siya sumunod rito patungo sa opisina nito. Pagkaraan ay hindi niya maiwasan ang kabahan ng inilabas nito ang isang folder kung saan nakarecord roon ang mga naging resulta ng nagdaan niyang exam. "What happened, Miss Acidera? Habang tumatagal ay hindi na nagiging maganda ang nakukuha mong mga grades! Kakatapos lang ng Periodical Exam. At kung magpapatuloy ang ganito, posibleng mawala ang scholarship mo! At hindi ikaw ang mapipiling Valedictorian. Hindi excuse na under ka sa Foundation ni Atty. Lucas Ramos, ija! May mga patakaran tayong sinusunod sa eskwelahan na 'to!" Mataray na sabi ni Miss Barbara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD