RAMDAM NA RAMDAM NA ni Samuel ang matinding takot ni Ike sa mga sandaling iyon. Hindi rin ito ang unang pagkakataon na mag-away silang dalawa pero ito ang unang beses na magalit ito sa kanya ng ganito, “Nagkakaganyan ka, eh, representative ka lang naman ni John!” mapang-insulto niyang ganti.
Natigilan naman si Ike. Parang bigla itong natauhan sa narinig.
“Whoah, easy!” mabilis na awat ni Madz, at dahil doon ay nagawa nang bitawan ni Ike si Samuel.
“Hindi ko na kayang tapusin ‘to!!” pagsuko na rin ni James saka itinapon ang p4t4y nitong kandila sa kung saan, “I’m out!”
Nagkuyom ng kamao si Samuel dahil sa inis. Kung siya lang ang masusunod ay gusto niyang tapusin ang larong ito. Pero wala na siyang magagawa pa kungdi ang napabuntong-hininga na lang. Sa mga ganitong sitwasyon, hindi na niya pwedeng pilitin ang mga kasamahan. Ganoong ramdam rin niyang mas delikado kung mananatili pa sila sa lugar na iyon. Kaya naman, nagdesisyon na silang magback-out.
Halos walang sinuman ang nagsasalita sa kanilang lima habang nasa biyahe na sila pabalik sa kanilang mga tirahan. Kahit walang sinasabi ang lahat, ramdam ng mga ito ang tensyon na namamagitan kina Samuel at Ike.
"Kaya kong iedit ang video, at ipamukha itong naging successful!" Biglang sabi ni Madz habang pinapanuod nito ang ilang clip na nakuhanan nito sa camera.
Hindi kumibo si Samuel. Malaki ang pagkadismaya niya dahil sa nangyari. Kahit pa sinabi ni Madz na kaya nitong iedit ang video para ipalabas na successful ang ginawa nilang challenge, alam naman niya sa kanyang sarili na naging palpak ang lahat.
Walang ideya si Samuel kung ano ang mangyayari sa kanya ganoong alam niya sa kanyang sarili na nabigo siya sa Stranger’s Challenge. Dumagdag pa sa kanyang isipin ang pagdating ng kanyang Daddy sa bahay. At tulad ng kanyang inaasahan ay tinadtad na naman siya ng sermon nito dahil nagsumbong si Jazz na nagdala siya ng babae.
"Dad, girlfriend ko naman si Christine. Kaya ano'ng masama doon?" Inis na tanong ni Samuel sa ama.
"Ang masama doon, hindi pa kayo kasal!" Singhal ni Joshua na halos kumulog sa bawat sulok ng bahay ang malaki nitong boses, "Ano'ng gagawin mo kapag nabuntis mo siya? Papakasalan mo ba siya? Handa ka na bang maging ama? Ni hindi mo nga magampanan ng maayos ang responsibilidad mo bilang anak eh, ama pa kaya?"
Nagkuyom ng kamao si Samuel.
"Ano'ng ipapakain mo sa pamangkin ni Congressman Tan? Ang mga vlog mong walang k4kw3nta-kw3nt4?" May halong pang-iinsulto nang sabi ni Joshua.
Hindi na nakapagpigil pa si Samuel kaya naman kahit ama niya ito ay nagawa na niya itong suntukin.
Nagulat naman si Joshua at mabilis ring ginantihan ng suntok ang anak.
Napasubsob si Samuel sa sahig. At kaagad niyang nalasahan ang pvlang l!k!dong lumabas sa kanyang labi dahil pumutok ito. Aktong susugod siya ulit nang mamagitan na sa kanila ang kanyang Pia, ang madastra niya.
"Please, stop! Stop it!" Singhal ng Ginang.
"Get out of my house!" Singhal ni Joshua sa anak.
"Talagang aalis na ako sa bulok mong bahay!" Singhal na ganti na rin ni Samuel sa kanyang ama, "Sa tingin mo gustong-gusto kong pakisamahan iyang babae mo? Akala mo ba hindi ko alam na anak mo talaga si Jazz? At pinapalabas n'yo lang na anak siya sa unang asawa ng babaeng iyan?"
Natigilan naman ang mag-asawa.
"Tama diba?" Hinanakit na tanong ni Samuel, "Meaning buhay pa si Mommy, may relasyon na kayong dalawa! At hinintay n'yo lang siyang m4m4t4y para maiuwi iyang babae mo rito sa bahay!"
Aktong susugurin pa sana ni Joshua ang binata nang pinigilan ito ng asawa, "Please, huminto na kayong dalawa!" Mangiyak-ngiyak na awat nito.
"Ayoko nang makita ang pagmumukha mo rito sa pamamahay ko! Masyado kang mapagmalaki d'yan sa pagiging vlogger mo! Tingnan natin kung hanggang saan ka pupulutin ng mga video mong iyan!" May pagbabantang ganti ng lalaki habang dinuduro-duro nito ang anak.
Halos hindi na maipinta ang mukha ni Samuel nang talikuran niya ang ama at ang kanyang madastra. Patakbo na rin siyang umakyat ng hagdanan. Patungo na siya sa kanyang kuwarto nang masalubong niya si Jazz. Nandidilim ang mukha niyang nilapitan ito, "I hate you!" Duro pa niya, "Mabigyan lang ako ng pagkakataon, p4p4tay!n kita!"
Natigilan si Jazz. Nanlaki ang mga mata, at mabilis na dinapuan ng takot. Kaya naman dali-dali na itong tumakbo patungo sa ina.
Nagsimula nang mag-impake ng kanyang mga gamit si Samuel. Ilang pirasong damit, at mga importanteng gamit niya sa pagpaba-vlog. Abala na siya sa kanyang ginagawa nang makita niya ang mystery box sa ibabaw ng kanyang study table. Dala na rin ng galit, nagawa niyang ihagis ito sa kung saang parte ng kanyang kuwarto. Pagkaraan ay galit na galit na siyang lumabas ng kanyang kuwarto bitbit ang ilang gamit niya.
"Samuel, please.... Pag-usapan natin ito!" Nagmamakaawang paki-usap ni Pia, at nakuha pa nitong sundan ang binata sa garahe kung saan nakaparada doon ang kotse nito.
Pinilit ni Samuel na hindi pansinin ang babae. Pero sadyang napakakulit nito kaya naman nagalit na niyang hinawakan ito sa braso, "Mal4nd! kang babae! At kahit kailan hindi kita ituturing na ina!" Sabi niya at pabalang na binitawan ito.
Muntik nang mapasubsob ang babae.
Pero hindi iyon pinansin ni Samuel. Nandidilim pa rin ang mukha niya nang sumakay sa kanyang kotse. At nang buksan ng kanilang kasambahay ang gate ay pinaharurot na niya ito palayo sa lugar na iyon.
Malayo na sa kanilang bahay si Samuel nang maisipan muna niyang iparada ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada. Pinakalma muna niya saglit ang kanyang sarili hanggang magdesisyon na muli niyang paandarin ang sasakyan.
Nilakasan niya ang volume ng stereo ng kanyang sasakyan. Para kahit papaano ay mabago ng music ang mood niya.
Dumaan muna siya sa isang ATM machine para magwirhdraw. Pagkaraan ay sa isang grocery store para bumili ng mga pagkain niya. Balak niya ngayong pumunta sa resthouse na pagmamay-ari ng kanyang Lolo at Lola sa mother's Side. Alam niyang sa lugar na iyon ay hindi siya magagawang pakealam ng kanyang Daddy dahil sa kanya na nakapangalan abg titolo ng lupa roon.
Halos apat na oras din ang naging biyahe ni Samuel mula Manila hanggang sa Bayan ng Nasugbo, Batangas. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya sa ganda ng mga tanawing nadaraan niya.
Bago pa nakarating sa mismong resthouse si Samuel ay tinawagan niya ang kanilang caretaker na si Mang Yul na darating siya ng araw na iyon. Kaya naman nang dumating na siya sa naturang lugar ay masaya siyang sinalubong ng lalaki kasama ang misis nitong si Aling Margen, at anak nitong babae na si Harlene.
"Masaya po kaming ligtas kayong nakarating, Sir Samuel!" Masayang salubong ni Mang Yul.
"Matagal-tagal na rin po akong hindi nakakauwi!" Nakangiting sabi naman ni Samuel saka siya napatingin sa dalagang anak ng mag-asawa. Hindi na rin niya maiwasan ang mapakunot ng noo dahil halos ang laki na ng pinagbago nito, "Ito na po ba si Harlene? Aba, ang laki mo na ah!" Puri niya pero sa mga dibdib ng dalaga siya nakatingin.
"Magandang hapon po, Sir Samuel!" Magalang at mahinhin na bati ng dalaga.
Ngumiti naman si Samuel bilang ganti sa dalaga.