Chapter 4

1045 Words
MARIIN NA PUMIKIT SI AIMEE. Hindi niya alam kung binabangungot ba siya ngayon. Daig pa kasi niya ang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa sunod-sunod na kamalasang nangyayari sa buhay niya. Isa-isa niyang sinasaksak sa kanyang isipan kung saan nga ba siya nagsimulang magkamali. Masyado lang ba niyang inikot ang mundo niya kay James? At napabayaan na niya ang pangakong binitawan niya sa kanyang Nanay? Ang Nanay niyang si Aling Lupe. Hindi alam ni Aimee kung papaano ipapaliwanag ang lahat ng ito sa Nanay niya. Ganoong inaasahan nitong makakapagtapos siya ng pag-aaral ngayong taon. At kung sakaling malaman nito ang tungkol sa pagdadalang-tao niya, saan sila pupulutin? Siguradong malaking eskandalo ito sa pamilya niya lalo na sa pamilya ni James. At madadamay rito pati ang pamilya ni Kathleen. Matapos ang pag-uusap nila ni Miss Barbara ay dumiretso na lang si Aimee sa basketball court. Nawalan na rin siya ng gana para pumasok sa klase ngayong araw. Ang Basketball Court na iyon, ang nagsisilbing tambayan nila ni Danica kapag nagpapalipas sila ng oras. Iyon na rin ang pagkakataon niya para makapag-isip ng mabuti. Tulad ng inaasahan ni Aimee, halos lumipas din ang isang oras nang dumating ang kaibigan niyang si Danica, "Ano'ng nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong nito, "Nakapag-usap na ba kayo ni James? Nasabi mo na sa kanya?" "Danica..." para nang batang yumakap si Aimee sa kanyang kaibigan, at doon umiyak. "Bakit? Ano'ng nangyari?" Nag-aalalang tanong na naman nito. Sa kabila ng kanyang pag-iyak ay nagawa pa rin ni Aimee na isalaysay kay Danica ang naging pag-uusap nila ni James. Naikuwento na rin niya maski ang tungkol sa kanyang scholarship. Nagkawala ng marahas na hininga si Danica, at may awa itong tumingin sa kaibigan, "Ano'ng plano mo ngayon? Kapag nalaman n'yan ng Nanay ni James, mas malaking eskandalo 'yan!" nag-aalalang turan nito. Umiling-iling naman si Aimee, "H-Hindi ko alam. Naisip ko ngayon lang, tama si James. Kailangang mawala ang bata sa sinapupunan ko!" "Gagawin mo?" Nanlaki ang mga mata ni Danica sa gulat. "Pero hindi ko kaya," umiling muli si Aimee saka niya sinubutan ang sarili niyang buhok dahil sa sobrang pagkalito, "Hindi ko na alam ang gagawin ko! Parang ngayon palang ay gusto ko nang umalis rito! Pero hindi pwede! Ang Nanay ko at si Meeya. Paano na sila kapag umalis ako?" Muling nagpakawala ng marahas na hininga si Danica, maski ito ay parang naguluhang bigla. "Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, Danica? Ano'ng gagawin mo?" Usisa na ni Aimee. "Kung ako ang nasa kalagayan mo, hindi ko na hinayaan pa ang sarili kong mahulog sa lalaking katulad ni James," tugon ni Danica, "Hangga't maaga pa sana, pinigilan mo na ang nararamdaman mo. Binusted mo siya! At hindi mo na hinayaan pang lumagpas sa pagiging magkababata ninyong dalawa." Hindi kumibo si Aimee. "Hindi mo ba inisip? Hindi lang naman si James ang may kasalanan ng lahat, eh! Naging marupok ka rin kaya ganyan," diretsong sabi na ni Danica na may halong paninisi sa kaibigan, "Pero alam kong nagmahal ka lang naman. Pero pag-isipan mong mabuti kung ano ang plano mo sa anak ninyong dalawa." "Tama ka nga, kasalanan ko rin!" napayuko si Aimee. Aktong magsasalita pa sana si Danica nang biglang may tumawag ritong isang lalaki. Si Madz, ang masugid nitong manliligaw. "There you are!" masayang bungad ng binata at kaagad itong tumabi kay Danica, "Kanina pa kita hinahanap!" "Bakit na naman?" may pagkainis na tanong ni Danica, at saka naningkit ang mga mata nito nang makitang kasunod lang ni Madz ang mga barkada nitong silang Samuel, Christine, Ike at John. Nang makita naman ni Aimee si John ay kaagad niyang pinunasan ang kanyang luha. Mabilis na rin niyang inayos ang kanyang sarili. Ayaw niyang ipalahata sa binata ang bigat na nararamdaman niya. Kahit pa napapansin na niya ang panay na pagsulyap nito sa kanya. "Kung plano n'yo ulit na i-prank kaming dalawa ni Aimee, please huwag ngayon!" may pagkainis na sabi ni Danica. Hindi naman lingid sa kanilang kaalaman ang pagiging famous ng grupong kinabibilangan nila John, Madz, Samuel, Ike, at Christine. Mahilig ang grupong ito na mag-prank ng kapwa istudyanteng katulad nila, pagkatapos ay ipopost ng mga ito sa isang sikat na website. Kabilang sila Aimee at Nikki sa madalas na nagiging biktima ng mga kalokohan ng mga ito. Kaya hindi rin masisi ni Aimee, kung bakit nagbitaw ng ganoong salita si Danica. "Hindi kami lumapit para mag-prank!" depensa ni Samuel na siyang tumatayong leader ng grupo, "Iimbitahan lang namin kayo sa Halloween Party namin mamayang gabi!" Pagkasabing iyon ni Samuel ay may inabot na flyers si Ike sa kanilang dalawa. "Magse-celebrate kami ng first anniversary ng Channel namin. And thanks giving na rin ito dahil umabot na kami ng one million subscribers!" excited pa ring sabi ni Samuel habang nakaakbay pa ito sa maala-modelo nitong girlfriend na si Christine. "Sa abandunadong mansyon ito malapit sa kapitolyo, ah!" sabi ni Aimee nang mabasa niya ang address kung saan gaganapin ang naturang Halloween Party, "Diba, private property iyon? Buti pinayagan kayo 'dun?" "Actually," tumikhim ang morenong si Ike, "Nakakuha na kami ng permit sa owner ng bahay!" "Oh?" react na lang ni Danica. Hindi naman na kumibo si Aimee. Nakalimutan niyang mga maimpluwesyang pamilya pala ang pinanggalingan ng mga ito. Kaya madali na lang gawan ng paraan ang mga bagay na trip ng mga ito. "Don't worry free naman ang entrance, eh!" maarteng sabi ni Christine, at pumilintik pa ang mga daliri nito sa kamay kaya hindi na rin nawala sa kanilang paningin ang makulay nitong mga kuko, "Wala kayong babayaran!" dagdag pa nito. Nagkatinginan sina Aimee at Danica. "Siguraduhin n'yong walang prank na magaganap dito ah!" paniniguradong saad ni Danica, at kay Madz pa talaga ito mariin na nakatingin. "Promise! Walang prank! Magpa-party lang!" nagtaas pa ng kamay ang binata na parang lubos na nangangako kay Danica. "Okay, sige..." pagpayag na ni Danica, "...Pupunta kami ni Aimee!" "Wai-" tatanggi pa sana si Aimee. "Nice!" tuwa ni Samuel. Wala nang nagawa pa si Aimee nang tanggapin ni Danica ang imbitasyon ng grupo nila Samuel. Kaya kahit ayaw niya ay nagawa na rin niyang sumama sa mga ito. Saka wala na rin naman siyang nakikitang masama kung pansamantalang kalimutan niya ang kanyang problema. At saka minsan lang din niya i-enjoy ang buhay niya, diba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD