...kinabukasan ay nagmamadali siyang naghanda ng pagkain nang mag-anak para sa umagahan, pagkatapos ay naligo na rin siya hindi na siya nag abalang kumain dahil gahol na rin siya sa oras nang pagpasok.
Mga 30mins. niyang tatahakin ang daan patungo sa eskwelahang pinapasukan, masyado niyang tinitipid ang budget niya para incase na may importanteng dapat pagkagastusan ay may madudukot siya.
Agaw dilim at liwanag ang umagang iyon. Feeling niya ay naglalakad siya sa kasukalan ng kagubatan,halos wala pang katao tao sa daan.
Nang makarating siya sa eskinita ay niyakap niya ang sarili sa takot na di niya mawari kung bakit ba siya kinakabahan sa tuwing maglalakad siyang mag isa.
Feeling niya kasi ay palaging may nakamasid sakanya. Ramdam niyang bawat kilos niya ay may nakatingin ngunit di niya ito nakikita.
Pagsapit sa university na pinapasukan ay unti unting dumarami ang tao.
Ito ang university na unang kinatatakutan sa lugar sa dami na ng kababalaghan dito at mga student na sangkot sa mga krimen at kasali pa sa mga gang at praternity.
Habang naglalakad sa hallway ay nakayuko lang siya at hindi tumitingin sa mga nakakasalubong.
Ayaw kasi niyang maging center of attention. Di gaya ng iba na nagpapapansin para lang sumikat at makilala ng marami.
Siya ay simple lang at umiiwas sa lahat ng pwede niyang ikapahamak.
Ngunit sadyang may mga taong mapangtrip kaya kahit anong gawing pag iwas ay binubuntutan naman siya ng kaguluhan.
"kamusta friendship! nagpaalila ka na naman ba sa pamilya ng kuya mo? grabe! sabi ko naman sayo umalis ka na lang doon,may mapupuntahan ka naman ah! di ka man lang maawa sa sarili mo." sabi ng kaklase at kaibigan niyang si Roxy.
"okay lang ako Rox.." sabay ngiti.
"ngiting hindi abot sa tenga! tsk! ewan ko ba sayo!" irap nito sakanya.
"wag mo na kasi akong problemahin okay lang naman ako." sabi pa ni Hanie sa kaibigan.
"ano pa nga ba? tara! breakfast tayo?" aya sakanya nito sabay hawak sa kamay niya pagiya sa canteen.
"naku! naku! hindi na! busog pa ako." sagot ni hanie.
"ay! style mo bulok! masyado kang nagtitipid alam ko naman di ka pa kumain..libre na kita!" sabi ni Roxy na hindi binibitiwan ang kamay niya.
"naman Rox okay naman talaga ako.." reklamo niya.
"tigilan mo nga ako! halika na!" sabay hila sakanya na wala naman na siyang nagawa,dahil alam niyang di siya nito tatantanan.
Nasalubong nila yung mga senior na maangas!
"uy! miss pwede bang magpakilala?" harang ng isa sakanila.
Iniwasan naman iyon ni Roxy habang hila si Hanie.
"ay! isnabera! g**o ka ahh!" sabi ng lalaki na humawak sa braso ni Roxy.
"aw! bitawan mo nga ako! mas g**o ka!" asik naman ni Rox.
"sapukin kita eh,ikaw ba ha? ayang magandang kasama mo hindi ikaw! masyado kang papansin!" sabay amba ng suntok kay Rox.
"wag! a..a..ano bang kailangan nyo samin?" si Hanie.
"makikipagkilala lang naman. masama ba yun?nakakabastos tong kasama mo eh!" sagot ng lalaki,yung ibang kasama ng mga ito ay tahimik lang na pinanonood sila.
"Ha..hanie,ako si hanie siya si Roxy. okay na ba? gutom na kasi kami baka pwedeng bitiwan mo na kaibigan ko please?" sabi ni hanie dito.
"uhmm ganda ng name nyo ah,Ronan ang pangalan ko. Sige kita tayo mamaya!" sabi nito sabay bitaw kay Roxy na halos mamasa sa higpit ng pagkakahawak ni Ronan sakanya.
"pwe!" sabi ni Rox.
"abat!" aambang susuntok uli si Ronan ng pumagitna si Hanie.
"sorry! please?" pakiusap ni Hanie dito at giniya na niya si Roxy palayo sa mga ito.
"bakit ba ang bait bait mo ha? bwisit yung mga yun mga tara***do! ang sakit ng braso ko oh namasa pa!" angal ni Rox.
"hayaan mo na,iwasan na lang natin." sagot ni Hanie. Nang may makabunggo sila.