Sa bilis ng araw at sobrang abala sa eskwelahan at trabaho, preliminary exam na pala next week. Naghahanap pa ako ng papasukang on-the-job training para sa second semester. They changed our curriculum. Thesis for first semester and OJT for the second semester. Isang linggo na ang nakalipas mula nung nangyari sa condo ni Asher. Mas naging abala siya at bihira na kaming magkita. Sinabi niya rin na kailangan niyang mag-switch ng ilang subjects sa online para mas ma-manage niya ang oras. Hinayaan ko na lang kasi alam kong kailangan niya iyon. Habang busy ako sa pagpunas ng mga upuan sa kapehan, napatingin ako sa telebisyon nang biglang lumapit si Raven. Nakikisawsaw siya sa panonood dahil halos nagbubulungan ang mga tao sa paligid. "Asher Ramirez? Myembro ng banda ‘yan, di ba?" tanong niya

