Chapter 12

3174 Words
Within 2 years, I got promoted as TL to Assistant Manager and lastly to Manager. Ewan ko kung magaling at kaagad ako na-accept talaga bawat interview for promotion o baka kasi anak ako ng may ari ng kumpanya. I can't deny na nakakapagtaka na ang bilis ng promotion ko. 'Yung iba ay ilang taon pa aabutin bago maging TL at mas lalo na ang manager! Eventually, everyone knew that I'm the heir of the company so since then they treated me like a boss na talaga. So ang ginawa ni daddy ay linagay na rin ako as President of the company. "Ah, finally! Seeing you here where you really belong. Actually, it should be your dad's office but you really fit here, anak." I smiled at mama. S'ya ang pinaka-excited dahil 'di raw niya itatanggi itong skills ko sa business at pag manage dahil manang-mana raw ako kay papa. Umupo si mama sa sofa ng office ko. Parang may gusto siyang sabihin pero 'di n'ya masabi? I can sense that she's really nervous. "What is it that you wanna tell me, mama?" "HA? A-ah! Nothing, dear. I'll just go to your father na!" Pagmamadali naman n'ya bigla umalis. Now that's weird. Tinignan ko muna ginagawa ko at hinold ko muna saglit para masundan si mama. Nang makarating sa floor ng office ni papa ay ngumiti sa'kin ang sekretarya n'ya. "Good Morning, Miss Cruz! Your parents are inside." She smiled and I smiled, too. "Thank you, Johanna." Dahan-dahan ako umano sa pintuan. It's not locked. "Ah, kinabahan ako, darling!" 'Yun ang huli kong narinig bago tuluyan makapasok. Si mama ay nagulat sa'kin at si papa naman ay kalmado lang. "Mama, papa," Bati ko at umupo sa sofa. My mom immediately fixed your posture like a queen and remained her fierce expression. "Lia, we have something to tell you..." Panimula ni papa. Kinabahan na 'ko. "First..." Tinignan ni papa si mama. "We would like to ask you about what's your opinion in marriage for convenience..." What??? Oh, s**t. Oh my, ito na ba? Sasabihin na ba nila na may nahanap silang husband para sa'kin? "I mean... If you don't want to do it..." Mabagal at nag-iingat na sabi ni papa. "What are the benefits of marriage for convenience?" Kabadong tanong ko. Mama's eyes darted nervously at papa. "Well, merging of companies through marriage is a big opportunity for both companies especially when your company is on the top and that company too is one of the biggest then it's a win-win." "It's okay if you don't like it especially you don't have experience with..." Nagsalita na rin si mama. "Who am I going to marry? As long as he's a great and respectful man." "Y-You're agreeing?" Kabadong tanong ni mama at si papa ay nanlaki rin ang mata habang nakatingin sa'kin. I know I've made my parents proud ever since but if this is going to boost our company and even though they respect my decision which is great and that makes me even love my parents more. If they can do everything for me then I'll do everything for them, too. I will accept their decision for once and will not disappoint them. "But in case I didn't like the man I'm with after years or such can I have a divorce?" "Sure, darling!" Agree kaagad ni mama. "Are you sure about this, Adeline?" Nag-aalinlangan pa rin si papa sa biglang pagpayag ko. I nodded slowly and smiled. I went to the other couch to sit between them and mama and papa hugged me. I know they will respect my future decision. It's not bad to try. "WHAT?! YOU'LL BE ENGAGED?! ni wala kang jowa ta's engagement pa?!" Gulantang ni Kyla nang malaman ang balita. "It's an arranged marriage." I rolled my eyes. "So... Ayaw mo talaga?" "I just don't want to disappoint my parents but they said they'll respect my future decision about this." "Kailangan guwapo 'yan, ha?" Kyla snorted and I glared at her. Damn this woman! 'Yun kaagad, eh! Hindi ba puwede attitude muna? "Ibalita natin kina Adrian." Tumawa si Kyla pero pinigilan ko kaagad. "What?" "'Huwag muna. Surprise na lang." I winked. Tinawagan ako ni mama at sinabing punta raw ako sa bahay mamaya at may dinner kasama ang family ng... pakakasalan ko. "Wear something sexy!" Kyla got a stunning red dress na backless din. S'ya na rin ang nag make-up sa'kin. "There! You look stunning! Perfect!" Pumalakpak si Kyla. Sinundo na 'ko ng driver namin sa condo at dumiretso sa bahay. I saw two cars outside so I guess they're here already? "Adeline!" Bati ni mama sa'kin at hinalikan ang pisngi ko. "Mama, nandiyan na po?" Mahinang tanong ko at tumango si mama. "Ganda mo!" Puri ni mama kaya natawa ako. Sinalubong na rin kami ni papa at sinabing nasa dining area na sila. Pagdating ay nakita namin na nakaupo na sila at tumayo lang nang makita kami. Nagmano ako sa kanila at nakita na ang nag-iisang lalaki. I guess s'ya ang maggiging asawa ko? Umupo na rin kami at nagsimulang kumain. "You probably don't remember me but I'm Vermont Collins, your father's best friend." The man smiled. I smiled, too. Sorry po, hindi ko nga po kayo matandaan. "Adeline Thania..." Mahinang sabi ko at natawa lang sila nang bahagya. "Son, she's Adeline Thania Cruz, your fiancé." Sambit ng tatay n'ya sa lalaking... guwapo pero suplado. "Vermone Louisse Collins." Sambit n'ya. Tumango ako. "Adeline Thania Cruz." Sambit ko lang din sa pangalan ko at tumango lang din s'ya. There's something I feel that he doesn't like this marriage, too. After that awkward moment for both of us except our parents, we started eating. "Should we have an engagement party?" Tanong ni Mr. Collins. "Hm, no na." Sagot naman ni Mrs. Collins. "I think we should ask the two." Sambit ni Papa at tumingin sila saamin. "It's up to your decision po. With or without an engagement party is fine with me." Sagot kaagad ni Vermone. "I agree po. With or without the party is also fine with me po. Kailan po ba ang kasal?" Sagot ko. "Ah, nice question, darling!" Sambit ni Mrs. Collins. "I'm thinking that you two should decide on the dates since dapat kami mag-aadjust para sa wedding ninyo." "What about March, mama?" Sagot ni Vermone at nakita kong lumiwanag mukha ng mga magulang namin. March? That's so soon! It'll be March 2 weeks from now! "March what?" Tanong ko kay Vermone. Tinignan n'ya 'ko. His cold eyes just staring at me. "Your decision." Sagot lang n'ya at nagpatuloy kumain. My what? Decision? Nakita kong nag-aabang na mga magulang namin kaya kinuha ko ang phone ko. March 7... 'Yun kaagad pumasok sa utak ko. "Is March 7 fine?" Tanong ko. Tumango si Vermone at masayang tumango ang mga magulang namin. "Sa States natin gagawin ang wedding!" Agap ni mama and I totally agree. Para hindi pahirapan ng divorce or annullment. After the dinner ay naiwan kami bigla ni Vermone. For some reason ay kinakabahan ako. "Let's meet before the flight. Starbucks 'yung malapit sa company ninyo." Bilin lang n'ya at umalis na sa tabi ko. We met before the flight and I really find him so f*****g rude! That bastard. "I hate him so much! Hindi 'yun ang gusto kong mapangasawa! Guwapo nga pero ang pangit ng ugali!!!" I ranted. Kyla was just eating her snack as she listen to my rants. "What's his name again?" Tanong ni Kyla. "Vermone Collins" I snorted. "Sounds like a prince." Kyla chuckled and I glared at her. "Don't, Ky, please, he's not as kind of a prince as he could be. He's a rude bastard. I get it that we both don't like each other but at least respect! I will not treat him rudely or badly just because I don't want him!" I ranted more. Kyla just listened to my rants again and again until It's time to go to bed and end that freaking day! The next day ay naisipan na namin sabihin kina Adrian. Si Eduard lang wala dahil nasa Paris kaya we didn't bother to tell him anymore. "ANO?! KANINO?" "Ikakasal?!" "Nagkajowa ka?" "Bakit ang biglaan?" "Kailan?" "Type mo ba? Ano itsura?" "Ano pangalan?" "SANDALI LANG!" Sigaw ko. Natigilan na ang mga boys. Gulat na gulat talaga sila nang malaman na ikakasal ako. Well, sino ba naman ang hindi magugulat? Wala akong interes magjowa at kahit kailan 'di pa 'ko nagkajowa. Ta's bigla mababalitaan mo ikakasal na 'ko. oh, 'di ba? Bullshit. "His name is Vermone Collins." Panimula ko at kaagad nila kinuha ang phone nila panigurado ay se-search nila. "Wait? Collins?" Tanong ni Jake. "They're the biggest and powerful family now." Bulong ni Walter. "They're called the business prodigy." Aaron chuckled. "Ilang kumpanya rin ang tinapos nila. They have no mercy." Adrian commented. "Well, Lia doesn't know them." Kyla chuckled at nagulat ang mga boys. "Kaya pala. Pero grabe, 'yung bunso nila ang pakakasalan mo. Mamaw 'yun sa business. He ended one empire because they tried to sabotage the Collins' company." What?! Nakapagpabagsak s'ya ng kumpanya? "S'ya ang nakapuwesto ngayon as CEO." Tumatangong sabi ni Jake. "Lia don't even like that man!" Tumawa si Kyla. "Women kneel to beg for his attention and love yet ikaw 'tong pakakasalan at matic na nakalapit kay Vermone Collins na 'Hindi mo kilala' pero ayaw mo!" Tumawa silang lahat. "Ganiyan si Lia, eh!" Tumawa si Walter. "Mayro'n ka ba nagustuhan?" "S'ya 'tong walang jowa or hindi 'man lang nagkajowa pero s'ya ang mau-unang maikakasal saating lahat." Aaron laughed. "'Di ba!! Amazing." Tumawa rin si Kyla. "And she's even marrying a Collins! The biggest family in business!" Napasapo na lang ako sa noo ko. Iba rin, ah. Iba rin ang pagpapakasal. Hay, basta bahala na. Whatever comes or whatever what happens ay bahala na! Just like that here I am making love to Vermone over and over again. Making love, huh? Does he even love you? No. "So you don't know our family?" Tanong ni Vermone habang nakayakap sa'kin. "No..." Nanghihinang sagot ko. He's so hardcore tonight! I can't even move my legs! "Tomorrow morning is our flight back to the Philippines." I just nodded. Tinignan ako ni Vermone at natawa s'ya nang bahagya. "Sorry, baby..." Malambing na sabi n'ya. "You're kind of addicting and I love every bit of you." He whispered and kissed my cheek. "I just want you mine. All of your assets... are... mine." He just showered me sweet words until I fell asleep in his arms. Nagising kaming dalawa sa alarm n'ya at bumangon kami kaagad para makapagready. I'm still tired from last night dahil sobrang horny talaga namin kagabi na para bang first time namin! "Bawi ka na lang ng sleep sa flight." Malambing na sabi ni Vermone at yinakap ako. Sometimes he's giving me mixed signals. I don't know if it's my body he wants or he loves me for real like real... Nagugulahan ako sa mga kinikilos n'ya. Pero ako naman ay sumasakay sa paggiging sweet and clingy kasi... Gusto ko rin naman. "Balik pinas here we go." Sambit ko at ngumiti kay Vermone. Gamit namin ulit 'yung private plane na bigay sa'min kaya less hassle na lang din. It was a long flight at pagdating ay sinalubong kami ng mga kaibigan ko at kaibigan n'ya. "What the?" Gulat din ni Vermone. Hm? I guess he didn't know, too. "Lia!" Takbo ni Kyla saakin at yinakap ako. "Bro! Uy, bango ah! Amoy Paris!" Napaghiwalay kami kaagad dahil sa mga kaibigan namin. "Dapat sinama mo na si Eduard, ah!" Biro ni Aaron. Tumawa kami. Oo nga pala, nandoon din s'ya sa Paris. While laughing an arm snaked my waist kaya natigilan kaming lahat. Si Kyla ay nakangisi lang sa'kin. "Vermone, meet my friends. Aaron, Jake, Walter, Gerald, Adrian and you know her, Kyla." Ngumiti lang si Vermone sa kanila. "Nice to meet you all." Nakipagkamayan ang mga boys kay Vermone. Mamaya na raw ipapakilala ni Vermone ang mga barkada n'ya at tumango naman ako dahil kailangan na namin umalis sa airport. "Paano n'yo nga pala nalaman?" Tanong ko sa kanila. "Both of your parents told us!" Sagot ni Kyla. Dalawang van ang dala nila. Isa para sa mga kaibigan ni Vermone at isa para sa mga kaibigan ko. Hindi kami kakasya kaya no choice na maghiwalay kami ni Vermone sa biyahe. Napansin kong inaasar s'ya ng mga barkada n'ya at ayaw niyang mahiwalay kaming dalawa pero ang kulit ng mga barkada n'ya kaya natatawa ako at nakikisakay sa pang-aasar. "Louisse! Tanginga nito! 'Di mo ba kami miss?! Hoy, Adeline! Clingy n'ya 'no?" Sambit ni Ethan at tumawa kaming lahat. Tinutulak ko na rin si Vermone papunta sa kanila. Alam kong mas malakas s'ya sa'kin pero sinasadya n'ya na maitulak ko s'ya. He looked at me and he pouted. What a baby! "Magkikita pa tayo mamaya!" Tumawa ang mga kaibigan ni Vermone kaya sinamaan n'ya ng tingin. "Inlababo si pareh." "Bigyan mo ng sabon." "Hugasan natin kalat n'ya?" "Kadiri gago!" Natawa rin ako sa kalokohan ng mga barkada n'ya. Didiretso naman kami niyan sa bahay ko. Umalis na rin kami at kahit kita ko na labag sa kalooban ni Vermone na mahiwalay kami ay wala lang s'ya nagawa. For sure maaasar s'ya ng mga kaibigan n'ya. I smirked at that thought. "Hoy, Lia! May hindi ka sinasabi sa'kin." Panimula ni Kyla. "Hm? Spill the tea nga mga sis." Chismoso ni Walter. "She's in love!!!" Sigaw ni Kyla at nagpalakpakan mga kaibigan ko. Hindi nila alam na may balak kaming mag divorce. Except for Kyla. "Ibang klase ang Vermone Collins, ah? Bakit? Ano ba ginawa at ba't nainlove ang walang pakiramdam na si Adeline Thania?" Sambit ni Jake. Just thinking about the moments back in Paris na parang mag-asawa kami... Wait... He's really my husband! Oh my gosh! I immediately blushed at nakakainis na nakita ni Kyla 'yon!!! Buong biyahe ay inasar lang nila 'ko at hula ko pati si Vermone sa mga barkada n'ya. From: Vermone I miss you Damn this man! Pinipigilan ko ang ngiti ko at mabuti na lang ay busy si Kyla sa pakikipagkuwentuhan. To: Vermone Clingy. Hindi ko pa naipapatay phone ko ay nagreply na s'ya! From: Vermone Can't wait to go home with you. I bit my lower lip. Not knowing what to reply. Pinatay ko na lang ang phone ko at nakita ko bigla si Kyla na ang lapad ng ngiti habang tinitignan ako. Si Aaron na nakatingin mula sa tabing upuan namin ni Kyla at si Jake and Walter na nakasilip mula sa itaas ng upuan. "ANO BA!" Asar kong sabi. "AYIEEEEE!!!!" Sabay-sabay nilang sabi at tinakpan ko ang tenga ko. "Ang cute ni Adeline kiligin!" Asar ni Jake. Tumawa si Walter. "Ta's hindi 'man kinilig ng ganiyan si Adeline kay Adrian." "Luh," Kumento bigla ni Adrian at tumawa kaming lahat. Dumating na rin kami sa bahay. Nauna ang Van nina Vermone. Nagulat ako na parang nagmamadaling bumaba si Vermone sa Van at dinig kaagad ang tawanan ng mga kaibigan n'ya. Sa itsura ni Vermone na mukhang napipikon ay halatang inaasar s'ya. Sobrang sama lang ng tingin n'ya sa mga kaibigan n'ya. "There's your husband." Turo ni Kyla at asar ko lang siyang tinignan. Bumaba na rin ako ng van at kaagad napunta ang tingin ni Vermone at mga barkada n'ya sa'kin. "Dang," Kumento ni Ethan nang lumapit kaagad si Vermone. "Naasar ka?" Pang-aasar ko rin at ngumisi. Vermone looked at me with his dagger looks. He's hot with those looks! I raised both my brows na parang nang-aasar. "Hello, guys! Mga anak, Vermone! Adeline!" Bati ni Mama sa'min. Pumasok na rin kami sa loob at ang daming pagkain! Natakam naman ako bigla at parang nagutom na para bang 'di ako kumain ng isang linggo! "So, how's Paris?" Tanong saamin ni mama. "It was fine po. We both enjoyed, mama." I answered. Kumuha ulit ako ng pizza at napansin ko na nakatingin lang si Vermone sa'kin kaya tinaas ko ang isang kilay. "Why?" Pabulong na tanong ko. "That's your fifth slice." Bulong din n'ya. Really? I don't care! Gutom ako at masarap naman. Nagkibit balikat lang ako. "What's your plan?" Tanong ni papa. "If it's fine po ay magstay po kami for 2 weeks and a half sa Palawan po." Sagot ni Vermone. Palawan? Napatingin ako sa kaniya. "Thank you for asking permission but it's fine and go ahead do whatever you both want. Mag-asawa naman na kayo." Papa chuckled and my mom is smiling. Pareho kaming napainom ni Vermone sa tubig dahil ang tahimik. Ang mga barkada namin ay halatang nakikinig lang. "Are we expecting a grandchild though?" Tanong bigla ni mama. Pareho kaming nasamid dahil saktong umiinom kami ng tubig. Ang kamay ni Vermone ay kaagad napunta sa likod ko para himasin ng kaunti ang likod ko habang ako'y inuubo pa at pati s'ya pero mahina lang. "MAMA!" I glared at mama. I saw papa smirking and my mom with a shocked expression. "I told you not to pressure them." Sambit ni Papa. Dahan-dahan kong tinignan ang mga kaibigan namin at nakita kong pareho silang nag-iwas tingin at halatang lahat sila ay nagpipigil ng ngiti. Damn it! Nawalan ako bigla ng gana kumain kaya napatigil na lang ako. "So when's your flight to Palawan?" Pag-iiba ni papa sa topic. "Maybe on Monday po." "Do you both have a place to stay? We have spare rooms or you can both stay in Adeline's room-" "Darling, let them be." Putol ni mama kay papa. "I'm sure they have a place to stay tonight. Right, Vermone?" Tumingin ako kay Vermone. Tumingin din s'ya saglit sa'kin bago sagutin si mama. "Yes po. We can stay in my condo while waiting for our flight to Palawan." He has a condo, too. "Well then, Adeline, pack your remaining clothes for your Palawan trip." Sambit ni mama sa'kin. Ah? Pinag-iisipan ko bigla saan ako kukuha ng gamit. Ah! Most of my things are in my condo. "Daan muna po ako sa condo ko para kuhanin ang iilang damit." Tinignan ko si Kyla na katabi ko at tumango s'ya sa'kin. "We can just buy, too-" "Ano sabi ko patungkol sa gastusin?" Sungit ko kay Vermone at napayuko na lang si Vermone. Dad and Vermone together with his friends and mine talked about business. The dinner ended and we all have to go. Gaya ng sabi ko ay pumunta muna kami ni Vermone sa condo ko para kuhanin ang ilang gamit bago dumiretso sa condo n'ya. Pagdating sa condo n'ya na halatang sa kaniya. In a gray and black accent wall. A minimalist vibe. He hugged me and snuggled on my neck. I chuckled at his movements. "Clingy." Sambit ko at yinakap din s'ya. "I missed you." "Magkasama lang tayo." Vermone groaned. "I still miss you." Bulong n'ya at hinalikan ako. Alam ko na saan patungo ito. My body doesn't even protest! Oh, Vermone is a death to my heart. I think I'm doomed. I just broke a rule... I think I'm in love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD