"Baby, wake up. We're going cliff diving! Maaga tayo." What? Kinusot ko saglit ang mga mata ko bago dumilat tuluyan. Nakita ko si Vermone sa tabi ko na may dalang tray. Nakapagluto na s'ya ng almusal! I was too stunned to react or even speak. Para pa 'kong tulog pero alam ko gising na 'ko. Inaantok pa 'ko sobra. I checked the time and saw it was already 9:00 in the morning. I heard Vermone chuckle kaya napatingin ako sa kaniya. "My wife's still sleepy, eh? Good mornin'" He smirked and kissed my cheek. "Here, eat breakfast." "Sorry... Hindi ako nagising kaagad." "Don't be sorry. There's nothing wrong with that. Napakadalang lang din na ako ang nauunang magising saating dalawa." Inayos na n'ya ang bed tray at napangiti naman ako nang makita ang bacon at pancakes sa plato ko.

