Chapter 15

2926 Words
I really feel like there's something missing. A part of me is missing. That a part of that's untamable. I don't feel the feeling that I'm looking for to Adrian. I think... this should really stop. "Adrian," Tawag ko sa kaniya. "This is the second time..." Pigil n'ya kaagad sa'kin. "Uh, I want to know... What do you want?" Why won't you give up on me? Awa na lang ang nararamdaman ko sa kaniya. Sinubukan ko naman, eh... Sinubukan ko... "Am I even still worth it?" I chuckled. "Sobra." He whispered. My heartbeat became faster but not fast enough to find what does my heart desire. "I feel like there's something missing in my heart. I hate to say this but no matter how hard I try to..." Tinignan ko s'ya. Nakaramdam ako ng awa lalo dahil nakita ko ang itsura niyang nakangiting nakikinig saakin pero ang mga mata n'ya ay puno ng sakit sa nadarama n'ya ngayon. I don't deserve this man. And he doesn't deserve me either. "Will you still give me a chance? Maybe you'll find it sooner?" Napalunok s'ya ng mariin. I want him to stop but making him more determined and stronger after my rejection... made me feel so special. Am I that worthy for a 'yes'? "So, how did you fall for him?" Tanong pa rin ni Vermone. "I did not fall for him!" Agap ko. "I almost... ALMOST fell for him. It's because... That time I can't even see my worth? Yet he doesn't give up on me? Get my point? Even if I push him away... He made me feel like I'm so worthy." Kuwento ko. Nang walang marinig na sagot mula kay Vermone ay napatingin ako sa kaniya. Nagtama kaagad paningin namin at iniwas n'ya kaagad 'yun pero binalik din kalaunan para pantayan na ang tingin ko. "You are worthy." Bulong ni Vermone. "You're very special, Adeline Thania." That made my heartbeat go wild. Ito ang tinutukoy ko noon. Kay Vermone ko lang naramdaman kahit wala siyang ideya sa ginagawa n'ya ngayon sa sistema ko. Kahit walang kaeffort effort niyang pinapatibok ng ganito ang puso ko. "Let's go? Build a sandcastle? It's our second day." Aya na n'ya. Mamaya na raw s'ya maghuhugas ng pinggan pero hindi ko pinayagan dahil marami na kami gagawin mamaya. Kaya habang hinuhugasan n'ya ang mga plato ay nagpalit ako sa off-shoulder beach dress ko. It's a color white beach dress. Naisipan ko na rin mag matchy kami ng asawa ko. I got him a beach polo which is in color white and a black short. "Ver, ito suot mo." Bilin ko kaagad nang pumasok s'ya sa kwarto. Hindi na s'ya nag-abala na pumasok pa sa banyo para magpalit pero wala na rin naman kaso saakin 'yon. Lahat-lahat sa kaniya ay nakita ko na. "E'di ayos. Matchy tayo!" I winked. I wore my hat and sunglasses before I go out. "Should we build our sandcastle?" Tanong na kaagad ni Vermone. "No. Mamaya na. 'Pag 'di gano'n kainit." Bilin ko. As always, pictorial na naman. We spent half an hour taking pictures. "Ganda, oh!' Turo ko sa shell na nasa sand. Kinuha ko kaagad 'yun. Ibang klase ang ganda n'ya sa mga common sa shell. "Name it." Sambit ni Vermone nang makatabi sa'kin. "Name?" "Uh-huh." "Why?" "I just think that beautiful shell that was found by a beautiful woman deserves a name." What? "What's up with you and names?" I chuckled. Nakita kong natigilan si Vermone at tumingin sa'kin. He smiled a bit. "Just name it." He whispered. "Let's think about it later. We will decide a name for it pagbalik sa room." I smiled, too. "We?" "We." I smiled and tiptoed to reach his cheek for a kiss. Kahit simpleng paglapat ng labi ko sa pisngi n'ya ay nakita ko siyang napapikit tila damang dama 'to. He hugged and snuggled his face over my neck kaya natawa ako sa paggiging clingy n'ya. See? He's clingy! "Let's play chess." Aya ko at tumango lang s'ya. S'ya na kumuha ng chess board at naupo kami sa may sand. I'm the white one. Confident ako kasi never akong natalo sa chess game. Kahit 'di ako professional player like palaro-laro lang ay hindi pa ako natalo ng mga kaibigan at kilala ko. "You look confident." He smirked. "I never lose to this game," I smirked back. "Really? That's interesting." Upon remembering ay may nakipag pustahan pa saakin noon. "Kapag natalo ka, Adeline, liligawan kita." Sambit ng ka-batch ko. Tumawa si Kyla at ilang barkada ko. "Sige lang, para 'di na makampante si Adrian." Tumawa sila lalo. I smirked. "Sige, pero 'pag talo ka, lubayan mo 'ko." "OHHH!!!" "Pusta ko si Adeline mananalo! Sorry, bro!" Pangta-traydor ng mga kaibigan n'ya sa kaniya. The game started. It was an intense battle. Pero malapit ko na s'ya ma-check mate nang 'di n'ya napapansin na ang dalawang horse ko ay nasa tamang puwesto dahil kaninang simula ko sila inilagay doon at 'di na sila ginalaw for the rest of the game. Ang bishop ko ay nag karoon ng opening para makain ang queen n'ya. 'Pag nakain ko ang queen n'ya ay makakain naman bishop ko dahil katabi pa rin ng queen n'ya ang king. Pero... maigagalaw ko no'n ang queen ko sa tapat ng king dahilan para i-move n'ya pero check mate na 'to sa isang horse at kahit anong sulok... makakain ang king. Checkmate. Ang akin ay rook na lang nagbabantay sa king ko. I shall my protect my king. "Kinakabahan ka na ata, Adeline?" Mayabang na tanong n'ya. I smirked. Too much confidence, huh? Kinain ko ang queen n'ya at tama ang prediction ko. Kakainin n'ya ang bishop. I smirked on my mind and moved my queen. He moved it to the right at checkmate ulit sa horse ko. I moved my rook para kapag nag diagonal move s'ya it's over. He moved it again, and I moved my last pawn... CheckMate. Lahat ng move n'ya ay makakain na. Back ward, forward, sideward, diagonally. "Checkmate," I smirked. "P-Pano?" Nagulat s'ya. "Ops, sorry, Joshua! Adeline won." Anunsyo ni Kyla. "Good game, Joshua." I smiled and stood up to get out of that place. Too much confidence and here I am stressing out sa asawa ko. Ang galing n'ya. He thought out of the box! Kahit saan ko galawin ang queen ko ay makakain 'to! Ang queen ko na lang natira para maprotektahan ang king. I have no choice but to sacrifice my queen! In the end... CheckMate. It's my first time... losing. "I won." He smirked devilishly. "I won our bet..." Sa 'di alam na dahilan ay namangha at kinabahan ako. With one swift, natumba lahat ng chess pieces at lumapit s'ya saakin. Napahiga ako dahil pumatong s'ya sa'kin. "A king... will eat his queen." He said, dangerously. I bit my lower lip. "Here?" I smirked. "Here." Nag-aalab na ang mga katawan namin at hinalikan na n'ya 'ko. That was our bet. We're both so hyped up when we made that bet. "If I won this game... I'll be in charge tonight." Pusta ko at ngumisi lang si Vermone. "If I won and you lose my queen... We'll do it now... And I'm... in charge." We made love here in the sand. We decided to take a quick dip, too. "You're a wild husband." Pagod ko pa rin sabi. Hindi namin napansin ang oras kaya baka bukas na lang kami mag build ng sandcastle. Umahon na kaming dalawa dahil padilim na ng padilim. Iniisip ko naman ang pwede lutuin for dinner. "Ver, what do you want to eat?" Tanong ko habang nakatingin sa freezer. "You." I glared at him and he's smiling mockingly. "You're very dangerous." Mabagal kong sabi. "Layo na ata akong kaunti sa'yo dahil kawawa na 'ko." Biro ko pero sumeryoso itsura n'ya. Lumapit s'ya sa'kin at yinakap ako mula sa likod. "No. Hindi ako payag." He whispered and kissed my neck softly. No? Hindi ka payag? Saan? "So, what do you want for dinner?" Tanong ko ulit dahil naliliyo na 'ko sa paghalik n'ya sa leeg ko. "Hm? Ano ba puwede?" He faced me and looked at the freezer. "Want sea food or chicken? Baboy? Adobo? Nilaga?" I suggested. "Adobo..." Sagot na n'ya. Adobong manok na lang siguro lulutuin ko. "I have a question." Sambit n'ya at tumingin ako sa kaniya. "You know how to cook bulalo?" Bulalo? Keri ko naman. Tumango ako at lumiwanag mukha ni Vermone. "That's your favorite?" I asked in a small voice. "Yeah, and roast beef." Tumatangong sabi n'ya. "Let me guess yours... Shrimp." Natawa ako nang bahagya. "Yeah, pati nilagang manok ko. Linalagyan ko kasi ng cream of mushroom sabaw ko kaya nagustuhan ko." "Let me taste that." He pouted. Tumango ako. Lahat ng alam kong lutuin ay ipapatikim ko sa'yo, Vermone. Sa loob ng dalawang linggo at kalahati. Nagsimula na 'kong magluto ng adobong manok and as always ay nanonood lang si Vermone sa'kin. Kumain na kami nang natapos at dumiretso na 'ko sa kwarto namin dahil tumawag din si Kyla. "Why? Why are you crying?" Tarantang tanong ko dahil bumungad sa'kin sa call ang mga hikbi ni Kyla. "Remember our business na milk tea?" She asked at kinabahan ako bigla. Naghati kami ni Kyla sa pag franchise ng milk tea shop gamit ang mga perang binigay ng magulang namin at dahil noon ay 'di pa talaga sakto ang sweldo namin sa trabaho ay doon kami nakakaipon. "Napano? May nangyari ba?" "Nakakainis! May kumukuha kasi sa branch natin na mag provide ng milk tea para sa isang event. I just gave their bonus and now ayaw na nila magsipasok dahil nakakuha na ng pera! And worse? Nagkalat pa sila ng rumors na masama raw tayo!" Kumunot noo ko. Saktong pumasok naman si Vermone sa kwarto pero tahimik lang dahil napansin kaagad na may kausap ako. "Ano ba 'yan? Sino na lang mga natira?" Tanong ko. Si Vermone ay umupo sa kama at tinitignan lang ako tila nakikinig sa usapan namin. "Si Jeim na lang at Marcus talaga. From the start sila lang!" "Ano ba naman 'yan. Binibigay mo na nga 'yung gusto at sobra pa sa sobra pero ba't naman ganito..." Napahilot ako sa sentido ko. "Wala na bang kakilala sina Jeim at Marcus na puwede pumalit sa mga 'di pumapasok?" "Wala na raw. Paano 'yung mga rumors?" "Don't mind the rumors-" "Sanay ka na kasi!" Agap ni Kyla at naiyak na naman. Napabuntong hininga ako. "No. I'm not saying na hayaan lang natin sila. Sige, sabihan nilang masungit o pangit tayo as boss nila pero alam nila mismo na hindi natin sila minaltrato." Sambit ko at nakita ko na napakunot ang noo ni Vermone sa sinabi ko. "Okay okay... Tanggapin ko ba 'yung sa event?" "Try ko magtanong kay Adrian ng mga tauhan o kina Jake. Tanong ka rin sa iba mong kakilala." Bilin ko at nagpaalam na rin si Kyla. "What happened?" Tanong kaagad ni Vermone. Pagod ako naupo sa kama. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat n'ya at yinakap naman n'ya 'ko. "'Yung sideline business namin ni Kyla na milk tea shop... 'Yung mga tauhan namin na tuwing nakakakuha ng bonus ay iniiwan na 'yung trabaho." Iling kong sabi. "Ikaw na nga 'tong binibigay lahat ta's..." Napabuntong hininga ako. "Sisiraan ka rin." "Ano 'yung itatanong mo kay Adrian?" Tanong ulit ni Vermone at napangisi lang ako pero nawala rin kaagad. "Marami kasing connection si Adrian. Minsan sa kaniya kami nakakakuha ng tauhan para maging staff." Bilin ko. "You can ask me instead. How many people do you need?" Napatingin ako bigla kay Vermone. "May kakilala ka? 'Yung ano ha... loyal sana sa trabaho n'ya." Nakakahiya sa sarili kong asawa but he insisted. He called someone regarding this one at nagulat ako na wala pang kalahating oras ay may sampung tauhan na nakuha si Vermone. "Is 10 enough?" Tanong n'ya. "Uh, it actually depends kasi... 'Yung milk tea shop kasi may mga food din so I need people na puwede sa kitchen, waiters, cashier, manager, and stuff." "I know, love. Okay, I'll call someone for more people. Rest now, your husband got this." He winked at natawa na lang ako. Dahil sa pagod mula sa araw na 'yon ay 'di ko namalayan na nakatulog ako. Nagising na lang ako sa tawag ni Kyla sa'kin pero 'di ko nasagot kaya nag message na lang si Ky. Kyla: There are 15 people here now na ipinadala ng asawa mo?! Ano gagawin ko? Hala ka. Kyla: MAGTATRABAHO RAW SILA RITO?! Kyla: b***h ANSWER THE PHONE WHAT THE f**k Adeline: Yup, forgot to tell you sila na bagong tauhan natin from now on. Fire the ones who left without say Kaagad nag online si Kyla nang magreply na 'ko. Kyla: Yeah kanina ko pa pinasimula and alam nila puwesto nila mismo. Dumami na tao natin sa kitchen kaya di na mahihirapan si Marcus! OMG LAKING PASALAMAT SA ASAWA MO ay teka sure ba na loyal tong mga to? Tinignan ko si Vermone na natutulog pa. I trust him. Adeline: Trust his people. I trust my husband so please, trust him, too. Kyla: "MY HUSBAND" pa nga HAHAHAHAHAHAHA pero pasabi thank you! Hihi. Balitaan na lang kita ulit Nagpaalam na kami ni Kyla sa isa't isa. It's 7 o'clock in the morning. Binaba ko muna phone ko sa bed side table ko at nakita ko na nandoon pala 'yung bucket list namin kaya tinignan ko muna.  Our Bucket List 1. Free Diving 2. Snorkeling 3. Island Hopping  ̶4̶.̶ ̶W̶a̶t̶c̶h̶ ̶S̶u̶n̶s̶e̶t̶ 5. Watch Sunrise 6. Build Sand Castle 7. Picture on top of the mountain 8. Go to waterfalls 9. Go fishing 10. Grill Fish  ̶1̶1̶.̶ ̶P̶l̶a̶y̶ ̶c̶h̶e̶s̶s̶ ̶o̶n̶ ̶t̶h̶e̶ ̶b̶e̶a̶c̶h̶ ̶s̶a̶n̶d̶ ̶ 12. Engrave name initials on a stone 13. Late night beach walk 14. Go to Tabon Caves 15. Go to Underground River 16. Wreck diving in Busanga Island 17. Night dancing on beach 18. Morning dancing on beach 19. Cliff dive 20. Make love on every corner of the beach I should cook breakfast! I tried my very best to not wake him up while going out of bed and I think I successfully did it. Pinalitan ko kaagad ng unan ang kayakap para 'di n'ya mapansin. I did not waste another minute at kaagad na 'ko lumabas ng kwarto. Sa labas na lang ng kwarto ako nag banyo para 'di s'ya magising. I will cook... hotdogs, bacon, scrambled egg. I will also prepare coffee for him. He likes any kind of coffee but prefers black coffee more. Nakapagluto na 'ko ay 'di pa rin s'ya nagigising kaya naisipan kong i-serve sa kaniya sa bed. Breakfast in bed for my hubby! Sinangag ko na rin ang tirang kanin kagabi kaya hindi na 'ko nag-saing ng panibago. Pagdating sa kwarto ay tulog na tulog pa rin si Vermone. Ilinapag ko muna sa table ang food tray at dahan-dahan binuksan ang kurtina. Paunti-unti nang tumama ang araw sa kwarto namin and I heard Vermone grunted a little. "Ver," Tawag ko na sa kaniya at binuksan n'ya isang mata n'ya. Nahihirapan pa siyang buksan ang mata n'ya dahil sa muta kaya kinusot n'ya muna. "Good morning!" Masiglang bati ko at dinaganan s'ya. Natawa ako dahil pinalo ni Vermone bigla puwet ko. "I made you breakfast!" I said, excitedly and got out on top of him. He's shirtless. He looks so hot. "Hilamos muna 'ko." Paalam n'ya bago tumayo at dumiretso sa cr. Paglabas ay humiga na s'ya ulit. Tinititigan lang ang gawa kong breakfast kaya kinabahan ako bigla. Ayaw ba n'ya? "A-ayaw mo ba?" Kinakabahan kong tanong. "I love it. Come here." Pinapatabi n'ya 'ko sa kaniya at sinunod ko naman kaagad 'yun. Pagkaupo ko sa tabi n'ya ay hinalikan n'ya ang noo at pisngi ko. "Thank you, baby. Good morning," He smiled. I smiled. "Dali na. Mag island hopping tayo!" Suhestiyon ko at tumango s'ya. "Did you eat?" Tanong n'ya habang hinihiwa na ang mga hotdog. Umiling ako. "Mamaya na 'ko." Hindi s'ya sumagot. Bigla ay sinubuan n'ya 'ko. Sabi n'ya sabayan ko na rin s'ya kaya ayon hati kami sa hinanda kong breakfast para sa kaniya. "What time did you wake up?" Tanong ni Vermone habang naghuhugas ng pinggan. "Around seven o'clock." "You did not wake me up." He faced me. He pouted. I chuckled softly. "Hayaan mo na. Tulog na tulog ka, eh." I smiled. Pinag-prepare na n'ya 'ko ng mga gamit na puwede dalhin. Sabi n'ya puwede na rin kami mag free dive habang nag i-island hopping kami. Sariling yatch din gamit nila kaya may privacy din kami. While preparing for our things, iisang bag lang naman palagi kaming dalawa which is my bag. Nakita ko ang shell na nakita ko kahapon. "Let's name it." Pinakita ko sa kaniya ang shell. "I can see that this shell is... very pretty!" Lumapit s'ya sa'kin at kinuha ang shell. "All I can say about this shell is... rare and beautiful." "Mei? It means beautiful in Chinese ang alam ko." Sambit ko. "Adeline Thania's shell." Natigilan ako at napatitig sa kaniya. What?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD