"That son of a b***h!" Napanganga ako kay Kyla. Kinuwento ko kasi ang nangyari at ngayon ay galit na galit s'ya. May alam s'ya pero hindi ang buong detalye kaya galit na galit pa rin s'ya. Ang alam ko lang ay... makukulong si Gerald. "Dapat lang na makulong s'ya forever!" "Hay, basta. Hayaan na natin sila roon." "Hanggang ngayon ay ang bait mo pa rin?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Kyla. "Ugh! But anyway... I'm happy for you." Sambit n'ya. Nakuwento ko na rin na ikakasal ako ulit at excited naman s'ya at 'yung about saamin ni Vermone at siyempre sa anak namin. "Basta ninang ako. Friendship over 'pag hindi ako ninang niyan!" "Kuwento mo muna paano kayo nagkakilala ni Ethan." I smirked at nakita ko ang pamumula bigla ni Kyla. Malanjot na 'to! "S'ya... 'yung Ethan na naging crus

