Chapter 03
Amelia POV
PATUNGO na ako sa pinto nang biglang humabol si Adrian at hinarangan ang dinaanan ko.
Napahinto ako, agad napataas ang kilay ko sa kanya. "Ano na naman, Andrie? May kailangan ka ba?" malamig kong tanong, pilit pinipigilan ang inis at kaba na sabay na gumugulo sa dibdib ko.
Nakakunot ang noo niya, halatang may gustong sabihin pero hindi makabuo ng salita. "I–I...I..." paulit-ulit lang ang lumalabas sa bibig niya.
Mas lalo akong napataas ng kilay. "You what?" diretsong tanong ko, pero imbes na sagutin ako, bigla siyang humakbang palapit.
Bago pa ako makailag, naramdaman ko na lang ang braso niya na mariing yumakap sa akin. Mahigpit. Para bang ayaw akong pakawalan.
Nanlaki ang mga mata ko. "Andrie..." halos pabulong kong sambit,, gulat na gulat sa init ng katawan niyang nakadikit ngayon sa akin.
Noong bata pa kami, sanay ako sa mga yakap niya. Walang malisya, walang ibang ibig sabihin kundi comfort lang talaga. Pero ngayon...we're not kids anymore. At sa puso ko, hindi na simpleng yakap lang ang kayang magpatahimik sa akin.
Mariin akong napakagat labi, ramdam kong nanginginig ang kamay ko habang nakadikit sa dibdib niya. Gusto ko siyang itulak palayo, pero mas nanaig yung matinding pangungulila. Dahan-dahan, ibinalik ko ang yakap. Mahigpit din. Para bang sa ilang segundo, gusto kong paniwalain ang sarili ko na pwede siyang maging akin.
Nakabaon ang mukha ko sa balikat niya, at doon ko naramdaman ang mabilis na t***k ng puso niya. Halos sumabay sa t***k ng puso ko—magulo, mabilis, hindi mapigilan.
At sa loob-loob ko, masakit man tanggapin, alam kong hanggang dito na lang. Hanggang yakap lang ang kaya naming ipaglaban.
Patuloy ang init na bumabalot sa leeg ko, ramdam ko ang hininga ni Adrian na dumadampi sa balat ko. Para bang may gumagapang na kiliti sa bawat himaymay ng katawan ko—nakakayanig, nakakawala ng ulirat. Napapikit ako nang maramdaman ko ang labi niya na bahagyang dumampi sa balat ko.
"Andrie..." mahina kong sambit, sabay tukod ng kamay ko sa dibdib niya para itulak siya palayo. Pero bago pa ako makagalaw ng tuluyan, isang boses ang umalingawngaw sa likuran namin.
"What's going on here?"
Napaigtad ako at mabilis na kumawala mula sa pagkakayakap ni Andrie. Sabay kaming napalingon at nakita namin si Glecel, nakatayo sa may pinto. Matalim ang tingin niya, mariing nakakunot ang noo, at halatang hindi niya nagustuhan ang nasaksihan.
"Explain, Andrie. What's the meaning of that?" matigas niyang tanong, ang boses niya'y puno ng disappointment at galit.
Napapikit si Andrie, saka marahang humugot ng malalim na buntong-hininga. "Mom..." bumigat ang tono niya, halatang nag-iingat sa bawat salita. "She was upset, I was only trying to comfort her. Nothing more. Please don't take it the wrong way."
Hindi gumalaw si Glecel, nakataas ang kilay at halatang hindi kumbinsido. "Comfort?" may halong panunuya ang boses niya. Saglit siyang natahimik, bago marahang tumikhim at muling nagsalita, mas malamig ngayon ang tinig.
"Bumaba ka na, Andrie. Camilla is waiting. She's the one you should be giving your attention to, not someone else. Amelia is not a kid anymore na kailangan ng comfort. Hindi na kayo mga bata, Andrian Bradley. You should know better."
Bahagyang yumuko si Andrie, kita ko ang bigat sa mga mata niya bago siya dahan-dahang tumango. "Yes, Mom." At tumalikod siya, lumabas ng opisina ko, iniwan kaming dalawa ni Glecel sa loob.
Nakakabingi ang katahimikan ng ilang segundo. Ramdam ko ang tensyon, parang ang bigat ng hangin sa pagitan naming dalawa. Si Glecel ang unang bumasag nito.
"Amelia," malamig niyang tawag sa akin, diretso ang tingin niya. "I'm warning you. Don't do anything that will bring shame to this family. Matuto kang lumayo. 'Wag mong hayaang masanay kang tatanggapin ang yakap niya dahil hindi iyon para sa'yo. More than your feelings, it's the name of this family that matters."
Naramdaman ko ang kurot sa dibdib ko sa bawat salita niya, pero pinilit kong manatiling matatag. Hindi ako pwedeng basta na lang manahimik, hindi ako bata na pwede lang pagsabihan nang walang sagot.
"Tita, Glecel..." mahina pero malinaw ang boses ko, at diretso ang tingin ko sa kanya. "I respect your words, and I understand where you're coming from. Pero, I'm not the type who will intentionally bring shame to anyone, lalo na sa pamilya natin. I may not have much, but I still have my dignity. And I will never beg for anyone's attention, not even Adrian's."
Bahagya siyang natahimik, kita ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya. Hindi ko alam kung nagustuhan niya o lalo siyang nainis sa sagot ko, pero hindi ko pinagsisihan na sinagot ko siya.
Then, tumaas ang kilay ni Glecel, mahigpit ang titig niya sa akin. "Siguraduhin mo lang, Amelia, Andrie will be a future CEO, he has a reputation to protect, a life we've carefully built for him. Wag mong sirain ang mga plano namin sa kanya. Hindi pwedeng basta may makialam at guluhin iyon."
Humigpit ang hawak ko sa mesa, pero pinanatili kong diretso ang likod ko. Hindi ako nagpatinag. Itinaas ko ang ulo ko, hinayaan kong makita niya na hindi ako matitinag ng mga banta niya.
"With all due respect, Tita," marahan kong sambit, kontrolado ang tono pero may diin kahit may kirot ito sa dibdib ko, "you don't have to worry. Makakaasa kayo na kapatid lang ang turing ko kay Andrie. I know my place. And I won't let anyone think otherwise." Huminga ako ng malalim at itinuloy, "Now, if you'll excuse me... I have work to be done. You may leave my office."
Kita ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya. For a moment, parang gusto pa niyang magsalita, pero pinili niyang hindi. Tumikhim siya, nakataas pa rin ang baba, proud at matigas ang tindig.
"Good. Keep it that way," malamig niyang sagot, bago siya marahang lumakad palabas ng opisina. Hindi na niya nilingon pa.
Naiwan akong nakahawak pa rin sa mesa, mahigpit, ramdam ko ang pwersa ng sariling t***k ng puso ko. Kahit tinawag ko siyang Tita, kahit ngumiti ako ng bahagya bago siya tuluyang makalabas, sa loob-loob ko, alam kong hindi matatapos doon ang laban na ito.
I took a deep breath, parang kailangan kong ilabas lahat ng bigat na iniwan ni Tita Glecel. Akala ko noon, mabait siya, lalo na't lagi siyang sweet sa Mommy ko, parang laging concern at supportive. Pero mali ako. She's not what she shows to everyone. Habang tumatagal, mas nakikita ko yung tunay na kulay niya.
Minsan naiisip ko, baka hindi nakikita ni Daddy Ethan at ni Lola Adelaida yung side niya na 'yun, or maybe pinipili nilang ipikit ang mga mata nila. Pero ako, hindi. I won't let her step on me. Hindi ako papayag na basta na lang niya akong tapak-tapakan.
Napatingin ako sa paligid ng opisina, papers everywhere, schedules piling up. Parang unti-unti na rin akong nasasakal. I need a break. Hindi pwedeng puro trabaho at puro laban kay Tita Glecel ang araw-araw ko.
Siguro, I should go home. Uuwi muna ako sa manggahan namin, o di kaya sa flower farm. At least doon may hangin, may space. I can breathe without people watching my every move. Without her sharp eyes judging me.
At higit sa lahat, para makalayo rin kay Andrie. Kasi habang andito ako, habang lagi ko siyang nakikita, lalo lang akong masasaktan. Ang hirap itago ng feelings ko. Ang hirap ngumiti na parang okay lang, kahit sa loob ko, unti-unti na akong nauupos.
Humugot ulit ako ng hangin at pinilit ngumiti nang mahina. Yes, a vacation. I need that. I deserve that.
PAGKALIPAS ng ilang oras, binuhos ko lahat sa trabaho. Meeting, reports, calls, lahat ginawa ko para lang hindi ko maisip ang mga nangyari kanina. Pero nang bumigay na rin ang katawan ko sa pagod, nagdesisyon akong umuwi.
Gabi na nang makarating ako sa mansiyon dahil sa traffic sa EDSA. Pagkaparada ko sa driveway, ibinigay ko agad ang susi sa guard para siya na ang magpasok sa garahe. Gusto ko na lang makapasok at makapagpahinga.
Pero natigilan ako sa pintuan pa lamang.
Nandito si Camilla. Nakaupo sa tabi ni Adrian, at sa kabilang side nila, si Lola Adelaida. Parang ang saya ng eksena, matamis ang ngiti ni Camilla habang kausap ang Lola ko, as if she belonged there. Too comfortable. Too close.
Nakakairita. Pati ba naman dito, sa lola ko, kailangan pa niyang agawin ang atensyon? Hindi ba sapat na kay Andrie na siya nakadikit?
Narinig siguro nila ang pagdating ko dahil sabay silang napalingon. Agad na kumislap ang mga mata ni Lola nang makita ako.
"Amelia, apo ko..." lambing ng boses niya na agad nagpatunaw sa inis na nararamdaman ko. "Halika, come sit beside me."
Hindi ko pinagtagal ang sarili ko. Agad akong lumapit at naupo sa tabi niya, marahang hinawakan ang kamay niyang mainit at pamilyar. Yumuko ako at hinalikan ang pisngi niya bago bumulong, I love you, greatgrandmother."
Napangiti siya nang malalim, ramdam kong sincere, hindi pilit. At sa isang iglap, kahit pa nakaupo roon si Camilla na todo ngiti at feeling close, alam kong sa tabi ni Lola, ako ang tahanan niya.
Hinawakan ni Lola ang kamay ko, malambot pero ramdam ko ang lakas ng pagkakahawak niya. "Kumusta ang araw mo, apo?" tanong niya, ramdam ko ang tunay na concern sa boses niya.
"Medyo pagod po, La, but I'm fine," sagot ko, pinisil ko rin ang kamay niya pabalik.
Ngumiti siya, tapos bigla niyang hinawakan ang kamay ni Andrie at pinagdikit ang mga palad namin. Pinagsalikop niya iyon na para bang may ibig sabihin.
"Andrie," seryosong sambit ni Lola, sabay sulyap kay Andrie. "Binantayan mo ba si Amelia buong araw?"
Bahagyang natawa si Andrie, parang nahihiya pero pilit din na hindi gawing big deal. "Lola, hindi na po bata si Amelia para bantayan ko. She can handle herself."
Sumimangot si Lola, halatang hindi natuwa. "You should take care of her, Andrie. Mga mahal ko kayong mga apo ko sa tuhod. Kahit matigas ang ulo ni Khail, you are all precious to me." May tampo ang tono ng matanda, at tumagos iyon diretso sa puso ko.
Tahimik na tumango si Andrie, parang batang napagsabihan. Pero sa gilid ng mga mata ko, napansin ko ang ekspresyon ni Camilla. Para bang may bahid ng selos na hindi niya maitago, kahit anong pilit ng ngiti niya.
Biglang sumabat si Camilla malakas at masigla ang boses na parang sinasadya para maagaw ang atensyon. "Lola Adelaida, alam n'yo po ba,, Andrie, was so helpful today. He even accompanied me earlier, and he never let me feel alone. He's always so thoughtful."
Nag–effort talaga siya na gawing bida si Andrie sa harap ng lahat, lalo na kay Lola. Habang nagsasalita siya, ramdam kong lalong humigpit ang kapit ni Lola sa kamay ko, parang pinapaalala na kahit anong gawin ni Camilla, iba pa rin ang lugar ko sa puso niya.
"Lola Adelaida," dagdag ni Camilla, halos kasing tamis ng ngiti niya ang tono ng boses. "Can I ask for your suggestion po, what motif do you think would be perfect sa kasal? You know, if ever ikasal na kami ni Andrie?"
Parang biglang natigilan ang paligid. Ako mismo napakagat labi para hindi mapahalata ang reaksyon. Si Lola naman, dahan-dahang tinaas ang kilay, hindi agad sumagot.
"Kasal?" ulit ng matanda, diretso ang tingin kay Camilla. "Kayo na ba ni Adrian? Boyfriend mo ba siya?"
Halos marinig ko ang biglang pagtigil ng hininga ni Camilla. Kitang-kita ko kung paano bahagyang nanlaki ang mga mata niya, at kung paano nag-crack ang ngiti niya, kahit pilit pa rin niya itong ini-straighten.
"Ah...we're close po, very close," mabilis niyang sagot, medyo nanginginig ang tawa niya. "And, I just thought, if ever lang naman, diba? Wala namang masama to ask for ideas."
Pero hindi kumurap si Lola, malamig pero malinaw ang tinig niya. "Ang marriage, Camilla, ay hindi pinaglalaruan. Hindi rin minamadali. It's something you think through, with the right person. Hindi ito simpleng motif lang ang dapat inaalala."
Nakita ko kung paano bahagyang namula ang pisngi ni Camilla, at kung paano siya napalunok habang pilit na nakangiti pa rin. Obvious na napahiya siya, lalo na dahil nandito si Andrie at ako mismo nakakarinig.
Pero kilala ko si Camilla, hindi siya basta susuko. Agad niyang inayos ang sarili, nag–flip pa ng buhok niya at ngumisi ulit.
"I understand po, Lola," sagot niya, pero halata ang pwersa sa likod ng boses niya. "Of course I know marriage is serious. Kaya nga po, when the right time comes, I'm sure it will be with Andrie. Because who else, diba?"
Nagpumilit pa siyang tumawa, pero ramdam ko ang kirot sa pride niya.
At ako naman, pinilit kong manatiling tahimik, pero sa loob-loob ko, nakaramdam ako ng kakaibang satisfaction. Not because napahiya siya, but because for once, may sumupalpal sa pagiging entitled niya.