Chapter 10
Hello mga langga. Pasensiya na at hindi ko ito lagi ma–update may PTR ang iyong lingkod at naka–focus talaga ako roon pero i–update ko pa rin ito at hindi nga lang daily. Free story po ito until the end. Salamat sa inyong lahat. Pa add naman po ako sa story nina; Malia at Doc Mckenzie yan po ang aking PTR at ang story nina Veda at Jojo.
Third Person POV
PATULOY ang tawanan at sigawan sa pagitan nina Amelia at Andrie habang nagsasabuyan sila ng tubig. Basang-basa na ang kanilang mga damit, ngunit wala na silang pakialam, parang bumalik sila sa panahong walang iniisip, walang iniindang problema.
“Andrie, stop! Ang lamig!” sigaw ni Amelia habang tinatakpan ang mukha, pero lalo lang siyang binuhusan ni Andrie ng tubig.
“Like old times, right?” tawa nito, sabay lapit para yakapin siya mula sa likod. Hindi pa siya nakaka-react nang bigla siyang buhatin nito, at pinaikot-ikot sa gitna ng ilog.
“Andrie! Stop it! You’re crazy!” halos matili siya sa tawa, sabay kapit sa leeg nito.
“Crazy for you,” bulong nito, halos hindi niya marinig sa gitna ng tawanan.
Isang maling hakbang, at pareho silang nadulas. Bumagsak sila sa mababaw na bahagi ng ilog—nasa ilalim si Amelia, at nasa ibabaw si Andrie. Pareho silang natahimik. Tanging agos ng tubig at t***k ng puso nila ang naririnig.
Maingat na inangat ni Andrie ang kamay, sinapo ang likod ni Amelia para hindi ito masaktan. Their eyes met, close enough to feel each other’s breath. Seconds passed, pero parang oras ang lumipas sa pagitan nila.
“Andrie…” mahina niyang tawag, hindi sigurado kung gusto niyang ituloy o pigilan ito.
Pero hindi na siya hinayaang matapos pa ni Andrie. Dahan-dahan itong yumuko, at bago pa siya makaiwas, naramdaman na niya ang labi nito sa labi niya. Mainit. Mabagal. Parang sinasabi ng bawat paggalaw na this might be wrong, but it feels right.
Tinulak niya ito ng marahan, pero hindi niya nagawang ituloy. Wala siyang lakas na lumayo. Nalunod siya sa sensasyon ng bawat halik, bawat hinga na magkasabay nilang pinakawalan.
For once, she wanted to forget the world—forget what’s right or wrong. For once, gusto niyang maging masaya.
Sa ilalim ng araw, sa gitna ng ilog, at sa presensiya ng taong hindi niya dapat mahalin… hinalikan niya si Andrie pabalik.
Naging masidhi ang halikan nila—parang wala nang bukas. Bawat galaw ni Andrie ay puno ng pananabik, bawat haplos ay tila pag-angkin. Nahulog si Amelia sa sandaling iyon, sa init ng mga labi nitong paulit-ulit na hinahanap ang kanya, pero sa likod ng kanyang isip, may boses na pilit siyang binabalik sa realidad.
Hindi pwede. Hindi dapat.
Marahan niyang itinukod ang mga kamay sa dibdib ni Andrie at itinulak ito nang bahagya. Hiningal silang pareho, halos sabay na naghahabol ng hininga. Yumuko siya, hindi magawang tingnan si Andrie sa mata.
“Andrie… we should stop,” mahina niyang sabi, halos pabulong. “It’s getting late. Let’s go home. We can… continue the walk tomorrow.”
Tahimik lang si Andrie sa ilang segundo. Kita sa mukha nito ang bahagyang pagkadismaya, pero mabilis din itong napalitan ng isang ngiti—yung pamilyar na ngiting matagal niyang hindi nakita.
“Alright,” sagot nito sa wakas, pilit na ginawang magaan ang tono. “Tomorrow it is.”
Tumango siya at tinanggap ang kamay na inilahad ni Andrie para tulungan siyang tumayo. Nang makatayo na siya, agad niyang niyugyog ang buhok na basa pa at lumayo nang kaunti. Nilalamig na siya, pero mas nilalamig ang damdamin niyang pilit niyang pinipigilan.
Pagkarating nila sa gilid ng ilog kung saan nakatali ang kabayo, mabilis siyang sumakay rito. Tumingin siya kay Andrie at ngumiti nang mapang-akit, para pagtakpan ang bigat sa loob.
“Come and get me,” aniya sabay kindat.
Bahagyang natawa si Andrie, saka sumigaw ng, “Prize if I can get you?”
She grinned, playing along. “Maybe.”
And just like that, parang nabura ang bigat ng sandali. Tumakbo siya palayo sakay ng kabayo, habang si Andrie naman ay mabilis na sumakay sa kanya at hinabol siya—katulad ng dati, dalawang pusong nagtatakbuhan sa ilalim ng araw, sinusubukang kalimutan na may mga bagay sa pagitan nila na hindi kailanman pwedeng ipaglaban.
Malakas ang kabog ng puso ni Amelia habang humahampas ang hangin sa mukha niya. Ramdam niya ang bilis ng kabayo, ang t***k ng lupa sa bawat yapak nito. Sa di kalayuan, naririnig niya ang boses ni Andrie na tumatawa at sumisigaw, “I’m coming for you, Amelia!”
Napangiti siya. Kahit seryoso ang tono ni Andrie, halata sa boses nito ang tuwa—yung saya ng dati, bago sila nagbago. Pero hindi siya papahuli, hindi pa ngayon. “Catch me if you can!” sigaw niya pabalik, sabay hampas sa renda ng kabayo para pabilisin pa ito.
Ang problema lang, wala siyang naisip na prize kung sakaling mahuli siya. Napapaisip siya habang tinatahak ang malawak na damuhan—Maybe I’ll cook for him… just like before. Bago pa man matapos ang iniisip niya, biglang lumitaw si Andrie sa gilid niya, mabilis at tiyak, saka siya hinila palapit.
“Ayan, nahuli na kita!” sabi nito, halos sabay sa tawa niyang may halong gulat. Napasigaw siya, “Hey! That’s cheating!”
Tumawa si Andrie, masayang-masaya, habang mahigpit siyang hawak para hindi matumba. “You said catch you. You didn’t say how,” sagot nito, malapad ang ngiti.
Natawa rin siya sa huli, kahit pilit niyang pinipigilan. “Fine, fine! I’ll cook for you while we’re here. That’s your prize,” sabi niya sabay sabog ng tawa, halos hindi makapaniwala sa sarili.
“Deal,” mabilis na sagot ni Andrie, tumango-tango pa. “But you have to promise—it’ll be something you’ll make just for me.”
“Of course,” sagot niya, bahagyang ngumiti, pero sa loob niya, may kung anong kumislot—isang emosyon na pilit niyang itinatago.
Pagkatapos ng ilang sandali ng tawanan at habulan, pareho silang natahimik. Habang unti-unting lumulubog ang araw, nagsimula na silang bumalik sa mansiyon. Ang liwanag ng dapithapon ay dahan-dahang lumalambot, at ang lamig ng hangin ay unti-unting bumabalot sa kanilang basang katawan.
Tahimik silang magkasabay, parehong basa, parehong pagod, pero magaan ang pakiramdam—parang kahit isang araw lang, nakalimutan nila ang mga pagitan.
At sa likod ng lahat ng tawa, parehong alam nilang may mga salitang hindi nila masabi.
BASANG-BASA pa sila ni Andrie nang sabay silang pumasok sa mansiyon, pareho pang hingal at nagtatawanan. Ang tunog ng kanilang tawanan ay umalingawngaw sa malawak na sala, at agad nilang naagaw ang pansin ni Donya Adelaida na nakaupo sa antigong sofa, may hawak na tasa ng tsaa.
Napataas ang kilay ng matanda, ang mga mata’y kumikislap sa pagitan ng pagtataka at amusement. “Ano na namang kalokohan ‘yan, Amelia? Andrie?” tanong nito, bahagyang kunot ang noo habang pinagmamasdan ang mga patak ng tubig na tumutulo mula sa kanilang mga damit papunta sa marmol na sahig.
Napangiti si Amelia, halos hindi makatingin nang diretso. “We just... went for a short ride, Lola. Naglakad lang po kami sa tabing-ilog,” sagot niya, pilit pinipigil ang tawa.
“Ride, huh?” balik ni Donya Adelaida, pero halata sa tono na hindi siya talaga galit. Tumikhim ito bago ngumiti nang bahagya. “It’s been a while since I’ve seen you both smiling like that. But go on now—magbihis na kayo bago kayo magkasipon.”
“Yes, Lola,” sabay nilang sagot, halos sabay pa ang ngiti bago tumakbo papunta sa hagdanan.
Habang umaakyat, napatingin pa si Amelia kay Andrie—nasa likuran ito, tumatawang parang bata. “You look like a drenched puppy,” biro ni Amelia, sabay turo sa basang buhok nito.
“At least cute pa rin,” sagot ni Andrie, nakangisi habang iniling ang ulo para ipatalsik ang tubig.
“Ew, stop that!” sigaw niya sabay tawa, bago tuluyang pumasok sa kanyang silid.
Pagkasara ng pinto, saglit siyang natigilan. Ramdam pa rin niya ang kilig at saya mula sa mga nangyari kanina. Dumiretso siya sa banyo at naligo, binabalikan sa isip ang mga tawa, habulan, at ang ngiti ni Andrie.
Paglabas niya, nakasuot na siya ng simpleng dress at tuyo na ang buhok. Tumayo siya sa harap ng salamin, bahagyang ngumiti sa sarili. “I promised him I’ll cook,” mahinang sabi niya.
Sa isip niya, dumaloy ang mga ideya—adobo, sinigang, o baka ‘yung isa pang paborito ni Andrie noon: ginataang hipon. Napabuntong-hininga siya at napangiti ulit.
For tonight, sabi ng isip niya, I’ll make something special... maybe for both of us. No. Umiling siya ang lulutoin niya ay para sa lahat.
Pagkatapos niyang mag-ayos, agad na dumiretso si Amelia sa kusina. Tahimik pero buhay ang paligid—may amoy ng bagong lutong tinapay at kape na kanina pa siguro ginawa ng mga kasambahay. Pagpasok niya, agad siyang sinalubong ng isa sa mga katulong.
"Señyorita Amelia, kayo po pala,” bati nito, halatang nagulat pero masaya.
Ngumiti si Amelia. “Yes, gusto kong magluto for dinner. Can you please prepare the ingredients? Pork belly, chicken, shrimp, and some veggies for sinigang.”
“Opo, Señyorita,” mabilis na sagot ng kasambahay bago tinawag ang dalawa pang kasama para tulungan siya.
Habang inilalabas ng mga ito ang mga rekado, nagsimula nang gumalaw si Amelia—sanay at mahinahon. Kinuha niya ang chopping board at sinimulang hiwain ang sibuyas, bawang, at luya. “Ingat lang ha, finely chopped ‘to,” paalala niya sa isa habang nakangiti.
“Ang bango po agad, Señyorita,” sabi ng isa habang inaabot ang hiniwang kamatis.
“Wait ‘til the soy sauce hits the pan,” natatawang sagot niya. “That’s when the magic starts.”
Makalipas ang ilang minuto, narinig ang sizzle ng karne nang sumayad ito sa mainit na kawali. Kumalat sa buong kusina ang aroma ng bawang at toyo, habang marahang hinahalo ni Amelia ang adobo. May kakaibang saya sa mga mata niya—parang bumalik ang dati, ‘yung mga panahong nagluluto siya para sa buong pamilya, habang pinapanood siya ni Andrie sa gilid ng kusina, nakangiting parang batang sabik tikman ang niluluto niya. Tapos makikipag–agawan si Khail. Si Khail na laging kulang sa pansin at laging inaaway si Andrie.
Sa kabilang kalan, pinakukuluan naman niya ang sinigang na isda, maingat na tinikman ang sabaw. “Needs a little more salt,” bulong niya bago muling naglagay.
Pagkatapos ay lumipat siya sa huling ulam—ang ginataang hipon. Piniga niya ang kakang gata, saka marahang ibinuhos sa kaserola. Habang naglalambot ang hipon sa makremang sabaw, napangiti siya. Paborito mo ‘to, Andrie.
Hindi man niya binabanggit, alam ng puso niya kung para kanino ang bawat halong ginagawa niya. Hindi lang ito hapunan—ito ang paraan niya para ipadama sa kanya ang hindi na niya kayang sabihin.
“Ma’am, tapos na po lahat?” tanong ng isa.
Ngumiti si Amelia, pinatay ang kalan, at tumango. “Yes. I’ll plate them later. Let’s make this dinner special.”
Habang nag-aayos ng mesa, ramdam niya ang kakaibang excitement sa dibdib—halo ng kaba, saya, at kaunting takot. Maybe tonight... we can forget the world for a while.
Nang maayos na ang lahat sa mesa, tinawag niya ang isa sa mga katulong. “Pakisabihan nga sila Lola, si Nanay Eva, at si… Señorito Andrie na kakain na tayo,” mahinahong utos niya habang inaayos ang mga kubyertos.
“Opo, Señyorita Amelia,” mabilis na sagot ng katulong bago ito tumakbo palabas ng kusina.
Patuloy lang si Amelia sa pag-aayos ng mesa—inaayos niya ang bawat plato, maingat na inilalagay ang adobo sa gitna, sinigang sa tabi, at ginataang hipon sa tapat. Amoy pa lang, nakakaengganyo na. Napangiti siya nang bahagya, proud sa sariling gawa.
“Wow.”
Napatigil siya. Dahan-dahan siyang lumingon at bumungad si Andrie, papasok sa may pinto ng dining area, tulak-tulak ang wheelchair ni Lola Adelaida. Nakangiti ito, may halong gulat at paghanga sa mukha.
“Did you really cook all these?” tanong ni Andrie, sabay lakad papasok habang pinapwesto si Lola sa dulo ng mesa.
Ngumiti lang si Amelia. “Of course. You thought I forgot how to cook?”
Tumawa si Andrie. “No, but… damn, the smell alone can make me fall in love all over again.”
Mabilis siyang umiwas ng tingin, pinilit huwag mag-react, pero naramdaman niyang uminit ang pisngi niya. Mabuti na lang at biglang nagsalita si Lola Adelaida.
“Amelia, hija, ang bango naman nito. Amoy palang, ulam na!” sabi ng matanda habang humahagod ng ngiti. “Parang noong bata ka pa, luto ka rin nang luto kasama si Eva.”
Sumabat naman si Nanay Eva habang nakangiti. “Aba, ako nga yata ang natutong muli dahil kay Amelia. Look at this spread! Adobo, sinigang, ginataan—kompleto!”
Tumawa silang lahat habang nagsimula nang maghain si Amelia. Habang kumakain, puro papuri ang maririnig sa dalawang matanda.
“Ang sarap, hija,” sabi ni Lola Adelaida habang kumukuha pa ng sinigang. “Hindi mo lang pinagmanahan ng ganda, pati sa kusina.”
Ngumiti siya at magalang na sumagot. “Thank you po, La.”
Pero higit sa lahat, iba ang tingin ni Andrie. Tahimik lang ito habang kumakain, pero bawat tingin niya, puno ng paghanga.
“You’ve outdone yourself,” bulong nito, sapat para marinig lang niya. “I missed your cooking… and this, us—like this.”
Pinilit niyang ngumiti, kahit may kung anong bigat sa dibdib. “It’s just dinner, Andrie,” sabi niya, pero mahina lang, halos pabulong.
Andrie’s eyes softened. “Then I wish dinner would last a little longer.”
At sa gitna ng tawanan ng dalawang matanda at ng mainit na ilaw ng kusina, nagtagpo ang mga mata nilang dalawa—at sa titig na iyon, walang salita pero puno ng damdamin na matagal na nilang itinatago.