Chapter 1

1705 Words
Chapter one Rafi pov " I've been there wife, since the day you left.... Kaya isasama lang kita..." " I've been there wife, since the day you left.... Kaya isasama lang kita..." " I've been there wife, since the day you left.... Kaya isasama lang kita..." Napatingin ako sa kanya, the way he said that punung puno yun ng galit. Oo nga at nakangiti siya pero mas nakakatakot siya kapag ganoon. " Its not going to happen."sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin... " It will, kaya kung ako sayo ihahanda ko na ang sarili ko. Susunduin kita dito bukas, we'll have dinner. We will discuss the future. " utos niya sa akin. " Kung akala mo susunod ako sa pinag uutos mo, nagkakamali ka dahil wala ka sa palasyo mo para gawin mo yan sa akin... Andito tayo sa pilipinas iba ang rules dito lahat ng tao dito pantay pantay... Hindi mo ako utusan!!! At para sabihin ko sayo hindi pa ako nasisisraan ng bait para pumayag at bumalik sa mala impyernong buhay mo!!! " Tumawa lang siya sa mga sinabi ko....na lalo kong ikinainis at ikinagalit... " Huwag mo akong subukan..... Prinsesa Rafi..... Hanggang ngayon ba hindi mo pa ako kilala?..... Hmmmmm... Let me think... Hindi ba boss mo at fiancee mo si rigo almonte montenegro? Gusto mo bang magsara at ma bankrupt ang insurance company niya?? Madali naman akong kausap eh, isang tawag ko lang lahat lahat ng kliyente nyo, mawawala parang bula.... Mawawalan lahat ng trabaho ang mga ka opisina mo.... So gusto mo pa bang umabot tayo sa ganun? " " How dare you!! Wag na wag mo akong tatawaging .... Prinsesa.... Dahil matagal ko ng kinalimutan ang pinanggalingan ko..... Lalong lalo na ang lugar na iyon.... Kasama ka na doon... At nasisisraan ka na ba talga ng bait bakit kailangan mo pang mandamay ng ibang tao??? Hindi ka pa rin talaga nagbabago.... Selfish ka pa rin.... Gagawin mo ang kahit na ano basta masunod lang ang kagustuhan mo!!! I wonder kung bakit nirerespeto ka pa nila ... Sa klase ng ugali mo!!! Pinagsisihan ko talagang nagpakasal ako sa lalaking kagaya mo!!! Wag mong dalhin dito ang pagka hari mo dahil nasa teritoryo kita!!!" Halos magulat ako ng hablutin niya ang mga braso ko at halos mapayakap na ako sa kanya... "Shut up!!!! Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin yan.... Prinsesa rafi..... Kahit anong gawin mo baliktarin mo man ang mundo... Asawa kita.... At dahil asawa kita matuto kang igalang ako dahil... Pag aari kita at ang taong sinisigawan mo ay hindi ordinaryong tao.... Dahil isa akong hari....at yung lugar na kinasusuklaman mo.... Ay ang palasyo ko... Ibabalik kita doon kahit anong mangyari.... Kaya sa ayaw at sa gusto mo... Sasama ka sa akin bukas at pag uusapan natin ang ating kinabukasan.. " "Oo, na matigil ka lang sasama ako sa yo bukas para makapag usap tayo... Pero wag kang umasa na papayag ako sa mga hihilingin mo... Baka hindi mo rin alam kung sino ang kausap mo.... Hindi lang ikaw ang dugong bughaw dito.... " " Its settle then.... 6 o clock sharp andito na ako... Oo nga pala sa four seasons hotel ako nag stay at hindi ako aalis dito, hanggat hindi natin naaayos ang lahat sa pagitan nating dalawa.... Your going to be mine again wife..." and then he dropped a kiss on my parted lips.. " Oh, by the way... You look lovely on that wedding dress.... Too bad at hindi mo yan magagamit.." pahabol niyang sabi bago tuluyang umalis. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nakita at nakausap ko si gael... Ang lalaking tinakasan at tinaguan ko ng 5 taon.. Were still married, i cant believe it. Bakit nga ba hindi ko naisip na pwedeng mangyari ito? Sa laki at lawak ng impluwensya niya lahat kaya niyang gawin... Kung tutuusin kayang kaya kong tumira sa isang exclusive subdivision... Mamuhay ng marangya.... Pero hindi ko ginawa dahil gusto kong maranasan ang mamuhay ng simple... Gaya ng sabi sa akin ng yaya ko na si manang lucing... Dahil sa tulong niya kaya ako nakatakas at napunta dito... Lahat yun utang ko sa kanya... Sa kanya rin ako natutong magtagalog pati si gael... Tinuruan ko... Kaya ang laki laki ng pasasalamat ko sa kanya... Mabuti na lang friday ngayon... Wala ang anak ko dito na si gabe... Kasama siya no danica sa baguio...bukas pa sila ng gabi makakauwi... Mas magiging komplikado ang lahat kapag nalaman niyang may anak kaming dalawa... Kaya dapat mapabilis ang pagpapaalis ko sa kanya dito sa pilipinas... Hindi ko tuloy mapigilan na balikan ang pangyayaring iyon na naging sanhi na pag alis ko. ............ Flashback 5 years ago... " Prinsesa rafi.... Please... Gumising po kayo... Wag na po kayong mag alala ligtas na po kayo..."sabi ni nanay lucing sa akin... Nanginginig ako sa takot ...halos hindi ako makagalaw dahil sa sobrang panghihina ko, naubos ang lakas ko sa paglaban kay luke... Si luke hindi ako makapaniwalang magagawa niya sa akin ito... Pinagkatiwalaan ko siya dahil akala ko ay kaibigan ko siya... Hindi ko akalain na makakaya niya akong saktan at pagtangkaan na halayin... Nandidiri ako sa sarili ko... Pakiramdam ko ang dumi dumi ko.... Halos nararamdaman ko pa ang mga haplos niya sa balat ko, ang mga marahas niya halik sa katawan ko.... Napaiyak ako ng malakas at yumakap kay nanay lucing... Hindi ko alam kung ano pang mukha ang maihaharap ko sa asawa ko.... Matapos ang pangyayaring ito... Natatakot ako sa maaaring gawin ni luke kay gael... Gusto kong magsumbong sa asawa ko pero... Paano kung baliktarin ni luke ang lahat ng pangyayari.. ? Paano kung mas paniwalaan ni gael ang kapatid niya kaysa sa akin..? Hindi ko makalimutan ang mga binitawan salita ni luke... inakit mo ako... Kaya napilitan akong gawin ito sayo... inakit mo ako... Kaya napilitan akong gawin ito sayo... inakit mo ako... Kaya napilitan akong gawin ito sayo... Paulit ulit kong naririnig sa isip ko ang mga salitang iyan.... Nakita kong walang malay si luke na nakadapa sa kama.... Pinukpok ito ng flower vase ni nanay lucing ng makita at marinig niya akong sumisigaw kanina dito sa kwarto ko... Kailangan kong makaalis dito... Kailangan hindi ako makita at maabutan dito ng asawa ko... Ni gael... Gagawin ko ito para sa kaligtasan ko.... Hindi ko alam kung mapapatawad niya ako pero aalis ako sa lugar na ito at kakalimutan ko na ang mga taong nandito... " Nanay lucing... Tulungan niyo po akong makaalis dito... Please po, kailangan makaalis na ako bago dumating ang asawa ko..." pagmamakaawa ko kay nanay lucing. " Bakit ka aalis? Bakit hindi mo sabihin sa asawa mo ang mga nangyari.. Na muntikan ka ng halayin ng kapatid niya... Ni luke.... Sigurado akong paniniwalaan ka niya.." " Hindi po nanay, baka baliktarin ni Luke ang mga pangyayari... At ayaw ko pong ma eskandalo ang asawa ko... Please po tulungan niyo akong mag empake aalis po ako ng bansang ito... Pupunta ako sa lugar na hindi ako makikilala at makikita ni Luke at ni Gael..." " Sa Pilipinas... Doon ka pumunta sa lugar na kinalakihan ko... Sige tutulungan kitang tumakas.. Ibibigay ko sayo ang address ng pamangkin kong si danica... Tutal matagal na kitang naikukwento sa kanya.. Doon ka na lang mag stay, ako na ang bahala makipag usap sa kanya na darating ka.. Halika na... Hindi naman ako mapapahamak dahil hindi naman nakita ni señor luke na ako ang pumukpok sa ulo niya ng flower vase... " " Maraming salamat po nanay lucing... Tatawagan ko na lang kayo kapag nakarating na ako doon.. Tulungan niyo na po akong mag empake..." Nang makapag empake ako ng mga damit na dadalhin... Kinuha ko yung mga alahas na bigay sa akin ng aking nana at dada... Yung lang ang dinala ko pati kaunting pera na sariling ipon ko.. Sa pilipinas doon ko na lang ibebenta ang mga alahas ko para may magamit akong pera na pang simula para mag bagong buhay... Hindi ko dinala ang mga credit card na iniwan ni gael... Dahil baka ma trace nila ako... Wala namang direct flight sa pilipinas.. Kaya mahihirapan silang i trace kung saan talaga ako nagpunta... Iniwan ko rin ang wedding ring namin ni gael... Pakiramdam ko kasi hindi na ako karapat dapat na magsuot nito... Hindi ko siya pinagtaksilan... Biktima lang ako... Ginawa ko ito para sa katahimikam ng buhay naming lahat.... Nakahinga lang ako ng maluwag ng makasakay na ako ng eroplano paalis sa lugar na kinalakihan ko... .............................. End of flashback........ Hindi ko naramdaman na patuloy na pala sa pagdaloy ang mga luha ko .... Biktima lang ako.... Hindi ko pinagtaksilan ang asawa ko... Hinding hindi ko magagawa sa kanya yun... Kahit ganun ang ugali niya.... Minahal ko siya.... Dati... Ginawa ko yon para sa ikatatahimik naming lahat.... Pero unti unting bumabalik ang mga taong matagal ko ng kinalimutan... Paano kung malaman ni gael ang katotohanan? Paano kung magkita kami ulit ni luke? Maraming tanong ang gumugulo sa isip ko.. Paano kung makita ni gael ang anak ko? Alam kong kapag nangyari iyon... Ilalayo niya ang anak ko sa akin... Kukunin niya ito... At yun ang hindi ko kaya... Ang mawala si gabe sa buhay ko... Ring...ring...ring... Danica calling Nagulat ako sa tunog na cp ko... Tiningnan ko ito at agad na sinagot ng makita kong si danica ang tumatawag... " Mamay, miss you na po..."bungad na salita ng anak ko.. " Gabe, its late... Di ba dapat tulog ka na? " " Matutulog na po ako pero gusto ko po marinig ang boses niyo...bago ako matulog..." " Miss you na rin anak.... Di bale bukas andito ka na, makakasama mo na ulit si mamay... O sige na masama sa bata ang nagpupuyat... Goodnight baby gabe... Love na love ka ni mamay.." " Hindi na po ako baby, 5 yrs old na nga po ako ehh... Love ko rin po kayo mamay... Goodnight din po... Tsup.... Tsup... Tsup.." " Brush your teeth and drink your milk ok... Pakisabi kay tita danica maaga kayo umuwi ha... Bye... Tsup...tsup.. Tsup." Nang maputol na ang tawag... Hindi ko mapigilang mangiti... Si gabe lang ang tamang nangyari sa buhay ko... Ang bunga ng pagmamahal ko kay Gael....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD