Chapter 4

1380 Words
dejar ir (letting go) " all of life is an act of letting go but what hurts the most is not taking a moment to say goodbye." - irrfan khan as pi patel in life of pi (2012) Chapter four Rafi pov Ang bilis lumipas ng dalawang araw, ang hirap magpaalam sa mga taong mahalaga sa buhay ko.... Lalong lalo na sa anak kong si gabe... Halos buong gabi siyang umiyak dahil ayaw niya akong paalisin, natatakot siyang hindi ko siya babalikan, kinailangan ko pang magsinungaling sa kanya para mawala ng dalawang linggo... Marami rin siyang tanong.... Ibinilin ko naman siya kay danica at nangako ako na tatawag ako sa kanila para hindi nila ako ma miss.. Nag file din ako ng vacation leave sa company ni rigo... Maraming nangyari sa loob ng dalawang araw na hiningi ko kay gael... ........ Flashback 2 days ago Office ni rigo Knock...knock...knock... " Come in.." " Good morning rigo. " bati ko sa kanya ng makapasok ako sa loob ng opisina niya. Ngumiti siya sa akin ng makita niya ako, lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit... Nakaramdam ako ng pagkailang... Pakiramdam ko kasi nagtataksil ako simula ng malaman ko na kasal pa rin ako... Na may asawa pa rin pala ako... Ng bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin... Iginiya at magkatabi kaming umupo sa couch ng opisina niya. Humarap siya sa akin at hinalikan niya ako sa noo ko... Napapikit ang mga mata ko... This is what i'm going to miss about rigo, he's sweetness... Sa loob ng isang taon na relasyon namin, iginalang niya ako.... We kissed, we hugged but... We never had sex... And he knows i am not ready... I dont know kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat ng hindi ko siya masasaktan... I cared for him... I love him ... Pero hindi gaya ng pagmamahal niya sa akin... Kasi isang tao lang naman ang minahal ko sa kabila ng lahat ng kapintasan niya... Minahal ko si gael... Naramdaman ko na lang na pumapatak na ang mga luha ko .... " Whats wrong, sera? Tell me, bakit ka umiiyak? " Tumingin ako sa mga mata niya, nakita kong nag aalala siya.... " Im sorry rigo, i dont know how to say this.... But... We cant.... We cant get married...." hirap na hirap kong sabi sa kanya. Kitang kita ko ang sakit na bumalatay sa mukha niya... Tiningnan niya akong mabuti at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi... " Why? What do you mean? 2 days na lang ikakasal na tayo... Anong problema? Cold feet, sera? Dont do this to me ... Please... You know how much i love you... And you know how much i want you in my life. " Napaiyak akong lalo ng makita kong pumatak na ang mga luha niya sa mata... " I know rigo, its not that... I just found out that .... That im still married to my husband... Hindi ko alam kung paano nangyari? Kung anong ginawa niya? But im telling you ... I am still married to that bastard..." " I thought you got divorse two years ago... " " Yeah, yun din ang akala ko.... Pero hindi pala dahil pinuntahan niya ako sa bahay ko nung thursday... Para ipakita ang ang marriage licence namin... And i cant believe its true.. " Tumahimik siya habang nakatingin siya sa mga mata ko... Huminga siya ng malalim.... " I love you sera, i really love you... Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon? Ready na ang lahat, 2 days na lang sana magiging asawa na kita... Pero ano nga bang laban ko sa lalaking ama ng anak mo at sa lalaking minahal mo... Sa simula pa lang naman alam kong talo na ako, ako lang naman ang mapilit, kaya wala akong dapat sisihin kundi ang sarili ko... Pero sera, ang sakit sakit lang kasi ngayon lang ako nagmahal ng ganito... Sayo lang ... Pero ano pa bang dapat kong gawin kundi itigil ang lahat, dahil alam kong mas nahihirapan ka ...nahihirapan ka sitwasyon... Dont worry, i'll cancel the wedding. " Niyakap ko siya ng mahigpit... Naramdaman ko na lang na umiiyak siya dahil sa pag galaw ng mga balikat niya.. " Im sorry rigo... If i could only change everything, ginawa ko na ... I dont wanna see you hurt, dahil alam ko ang pakiramdam na yan... Pero ano pang magagawa ko, ayaw ko man na maniwala sa mga sinabi niya kaso i had seen the marriage certificate na nagpapatunay na asawa ko pa rin siya, kaya kahit anong gawin ko, alam kong wala na akong magagawa..." " Why now? After all those years, bakit ngayon ka lang niya pinuntahan? Alam niya ba ang tungkol kay gabe?" " I dont know the answer to that... I dont know why, ngayon lang siya nagpakita... Pero hindi niya alam ang tungkol sa anak namin... Hindi niya alam... Rigo.. Dahil kung malalaman niya... Mas malaki ang magiging problema ko.. Hindi niya ako mapapatawad, i have reasons kung bakit ko itinago ang anak ko at alam kong hindi niya iyon maiintindihan.." " I guess this is the end... Sera, mahal na mahal kita... " " Rigo, sa buhay ng tao... Laging may dahilan kung bakit nangyayari ang isang bagay... One day, malalaman mo ang dahilan kung bakit hindi natuloy yung sa ating dalawa... One day may biglang kakatok sa pintuan mo at makikilala mo yung taong magmamahal sayo ng buong buo... Everything happens for a reason, rigo...tandaan mo yan... Hindi naman ako mawawala, andito lang naman ako palagi, anything you want, you can call me... Pupuntahan kita kung kailangan mo ako..." nakangiti kong pagkakasabi sa kanya. " Dapat lang.... Dahil mahal ang ginastos ko sa kasal natin na hindi na matutuloy..." pabirong sabi niya sa akin kahit halatang halata na nasasaktan siya. Inilapit ko sa kanya ang mukha ko at hinalikan ko siya sa mga labi niya... Sinapo niya ang pisngi ko at hinalikan niya ako ng buong ingat... I kiss him back with equal intensity... Hinayaan kong halikan niya ako sa huling pagkakataon, i will miss him, miss everything about him... He was setting me free... Hindi ko alam kung sino ang unang bumitaw pero nagtama ang mga mata namin at kitang kita ko ang sakit na nararamdaman niya.. Ngumiti ako sa kanya at kinuha ko ang kanang kamay niya at tinanggal ko ang singsing na ibinigay niya sa akin... " Take this... Ibigay mo yan sa babaeng karapat dapat sa pagmamahal mo... I dont deserve you, you deserve someone better than me... " " No... You deserve someone better than him, ang tanga tanga niya kung bakit hinayaan ka niyang mawala ng 5 taon... Your a gem sera... Dapat alam niya kung gaano ka kahalaga..." " Thank you.... You always make me feel special, rigo... Im really sorry..." " Because your special.... This is not goodbye ok, were friends right? Kahit anong mangyari kung may kailangan at problema kayo ni gabe, andito lang ako Sera.." Napangiti ako sa mga sinabi niya... He is indeed a good man in every way... I hope he will find his true love... Nagpaalam ako at humingi ako sa kanya ng two weeks vacation sinabi ko sa kanya ang lahat lahat ng napag usapan namin ni gael...pero hindi ko sinabi sa kanya ang tunay na katauhan ko.... He even offered me help but i refused it, dahil ayaw kong madamay pa siya sa problema ko ... Ayaw kong mapagbuntungan pa ni gael ang kompanya niya... Knowing him... He always play dirty.. Nangako siya na bibisitahin niya madalas ang anak ko na si gabe... Na mas lalong nakapag paguilty sa akin... But i know how much he love my son... ............................................... End of flashback Kung iisipin ko lang mabuti... Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag, hanggang ngayon kasi hindi ako makapaniwala na pumayag na siya sa divorse .... Alam kong may pinaplano siya... Yun ang dapat kong alamin at kailangan kong maging maingat.... Kinakabahan ako, 5 years hindi ko na alam kung paano ako tatanggapin ng mga tao sa nasasakupan ni gael, lalo na at maraming bali balita na hindi maganda tungkol sa pagkawala ko... Paano ako haharap sa kanila? Paano ko haharapin si luke? Dahil malakas ang pakiramdam ko na magkikita rin kami...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD