Hide and seek (las escondidas) Chapter twenty nine Gael pov "gael" Parang may tumawag ng pangalan ko.. Tumayo ang balahibo ko sa braso.. Parang may tumutusok na karayom sa batok ko... Napalinga ako sa direksyon kung saan nagtungo si rafi.. Kung nasaan ang powder room.. Am i imagining things? My heart start beating fast.. Pakiramdam ko gusto nitong lumabas sa dibdib ko.. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan.. Ilang minuto na ba ang nakalipas ng umalis si rafi at magtungo sa powder room? 5, 10, 15 minutes? Huminga ako ng malalim at tumayo ako mula sa kinauupuan ko. " gabe, dito ka lang muna ha, pupuntahan ko lang si mamay mo ha." pagpapaalam ko sa anak ko habang hinahaplos ko ang buhok niya ng marahan. Napatingin sa akin si kristoff, tumango lang ako at alam kong naintindihan niya

