I am Inara Xavier. I am an only child and the Heiress of Xavier Conglomerate. Ang tagapag mana ng mga negosyo mula sa mga bangko, hotels, agricultural exports, real estate, tech companies, hanggang fashion houses sa iba't ibang bansa. Mayaman kami, billionaire kung sabihin nila ngunit kung tutuusin ay hindi naman ako lumaki sa magarbo at magandang bahay na kagaya sa mga napapanood at nakikita natin sa mga social media. Alam kong marami kaming peth house, bahay bakasyunan at permanenteng mga bahay sa iba’t ibang lugar at bansa ngunit sa Sagada nila napiling manirahan. Lumaki ako sa Sagada, sa lupaing puro bundok ang iyong mapag mamasdan, puno ng sariwang hangin na malalanghap sa bawat umaga.
Ang Sagada ay hindi lang basta hometown ko. Ito ‘yung lugar na humubog sa pagkatao ko. Mataas ang lugar na ito, kung kaya’t malamig palagi. Sa umaga, laging may fog. Ang mga bundok dito, parang nakayakap sa mga bahay. Minsan nga, pag tumingin ka sa paligid, parang nasa painting ka. May rice terraces, may mga pine trees, may mga bato, at may mga kwento. Para siyang art kung titignan, at akala mo hindi makatotohanan.
Ang mga tao sa Sagada, tahimik pero mababait. Marunong silang rumespeto, marunong silang makinig, at alam nila kung paano alagaan ang kalikasan. Dito, hindi uso ang ingay ng syudad. Mas sanay kaming makinig sa tunog ng ilog, sa huni ng ibon, at sa yabag ng taong dumadaan. Sobrang payapa dito, disiplinado ang mga tao at mararamdaman mo ang pagiging welcoming nilang lahat.
Ang bahay namin sa Sagada, tinatawag nilang “Xavier’s”. Nasa taas ito ng isang burol, nakaharap sa mga palayan. At kapag nandoon ka sa terrace, makikita mo ang buong valley, parang ikaw ang bantay ng buong bayan dahil tanaw talaga.
Makaluma ang style ng bahay namin, gawa sa kahoy, malalapad ang mga haligi, at may mga ukit ng mga simbolo ng mga ninuno, mas gusto nila yun na palatandaan kaysa sa mga frame na isasabit sa loob ng bahay.. Ang bubong ay matarik at gawa sa pinaghalong local metal at kahoy. Sa labas, mukha siyang lumang bahay ng isang mayamang pamilya. Pero pagpasok mo sa loob, mapapansin mo agad na may halong modern design and bahay.
May mga solar panels na nakatago sa bubong. May smart lighting sa sala, pero ang lamps ay gawa sa rattan at local materials. May fireplace sa gitna ng bahay, at ito ay tunay na bato galing sa ilog, pero may hidden heater system rin na kontrolado ng remote. Yung kusina naman namin ay may lumang kalan na kahoy, pero may katabi ring induction stove at smart oven. May automated coffee machine, pero hindi na halos nagagamit dahil iba pa rin kapag ikaw mismp ang nagtitimpla ng kapeng barako sa kettle..
May library na puno ng lumang libro, pero may hidden panel na may tablet at e-library system. Pinagsama talaga namin ‘yung heritage at modern living. Hindi siya mukhang intimidating, pero kahit sinong bisita, taga-baryo man, middle class, o international guest ay komportable sa loob at nagagandahan.
Sabi nga ni Mama, “Yung bahay natin, hindi lang para ipagmalaki. Gawa ito para maging tahanan ng lahat at maramdaman nilang welcome sila sa atin.”
Hindi naman kami bumabase sa status o level ng tao sa buhay. Lahat ay welcome na pumunta o bumisita dito, may dala man, o wala.
Bata pa lang ako, alam ko na kung gaano kahalaga ang lupaing ito. Hindi dahil sa lawak ng lupain na minana namin mula pa sa mga ninuno, kundi dahil sa tahimik na buhay na ipinagkaloob sa amin dito, isang buhay at kasiyahan na hindi mabibili ng kahit gaano kalaking yaman.
Hindi ako lumaking spoiled, kahit puwedeng-puwede naman. Noong bata ako, wala akong Barbie doll na imported, hindi rin ako binibilhan ng mga mahahahaling gamit at mas lalong hindi nila ako hinahayaang makuha ang lahat ng gusto ko kahit pa umiyak ako.
Ang paborito kong laruan noon ay tirador na gawa ng kaibigan ko, turumpo, pogs, jolens at kung ano ano pang mga lumang laruan na madalas ay matatagpuan sa kalye. Hindi rin nila ako pinayagan mag gadgets kahit uso na noon, kaya madalas ay nasa labas ako at nakikipag laro ng mga patintero, tumbang preso, luksong baka at marami pang iba sa kalye.
Palagi akong walang suot na tsinelas. Laging madumi ang mga damit. Laging may gasgas sa tuhod kasi palagi akong tumatakbo sa damuhan, sa gilid ng palayan, sa ilalim ng ulan. Tuwing umaga, sabay kaming kakain ng almusal, pandesal, itlog, minsan kamote, minsan ininit na sinaing. Pero masarap kahit simple. Sanay ako sa hirap at hindi ako nag rereklamo sa ganun, imbis ay mas ineenjoy ko pa.
“Inara!” Rinig kong tawag sa akin ni Lola.
“Bakit po?” Naka ngiti kong sambit.
“Halika’t pupunta ako sa bayan para bumili, gusto mo bang sumama?” Naka ngiti niyang sambit kaya mabilis akong tumango.
Hilig ko rin ang palaging samahan si Lola sa pamimili niya ng mga kakailanganin sa bahay. Natutuwa rin kasi akong makita ang mga binebenta sa palengke at ang pakikipag usap sa amin ng mga tao roon. Lahat naman kasi dito ay pantay pantay, kahit sabihing kami ang pinakamayaman ay hindi nila kami ganun kung tratuhin madalas. Mas gusto rin kasi namin yun para hindi nila maramdaman na mahirap sila o hindi kami kayang abutin.
Habang nasa byahe ay naka tingin lang ako sa labas at pinag mamasdan ang paligid. Mas lalo kong na a appreciate ang lugar habang tumatagal.
Biruin mo yun at bata pa lamang ako ganito na siya, at ngayon ay mas gumanda pa.May ikagaganda pa pala ang Sagada lalo na kapag naalagaan ng tama.
“Halika na.” Naka ngiting sambit ni Lola kaya lumabas na ako sa aming sasakyan at sinundan na siya sa pag lalakad.
Sa sobrang sanay ko na sa palengke ay halos alam ko na rin kung ano ano ang mga kailangan ni Lola kaya tinutulungan ko na siya at kung minsan ay ako na rin ang nakikipag usap sa mga tao habang bitbit ang mga pinamili namin.
Bumili kami ng ampalaya, sitaw, talong, at kangkong. “Gagawa tayo ng ginisang gulay mamaya. Tulungan mo ako mag luto ha?” Nakangiting sabi ni Lola habang sinusuri ang bawat talbos kung malutong pa.
“Sige La, ikaw pa e malakas ka po sakin.” Tumatawa kong sambit.
Sunod naming pinuntahan ang tindahan ng karne. “Iho, pabili nga ng isang kilo ng baboy, kalahating kilo ng manok, at kaunting buto-buto pang sabaw,” seryosong sambit ni Lola habang sinusuri ang mga tindang karne sa aming harapan.
Nakakatuwa kasi kahit modern na ang palengke na pinupuntahan namin, si Lola, traditional pa rin ang hilig, ayaw niya sa plastic,at gusto ang eco bago o bayong.
Hindi kami pwedeng hindi dumaan sa prutasan. Bumili kami ng hinog na mangga, saging, at kaunting rambutan. “Masarap ‘to pang dessert mamaya La,” sambit ko habang tinuturo ang pinakamatingkad na prutas.
Tapos dumaan kami sa tindahan ng itlog at dairy products. Kumuha kami ng isang dosenang itlog, dalawang lata ng evaporada, all-purpose cream, at condensed milk dahil naisipan kong gumawa ng dessert mamaya sa mangga.
Nang matapos kami ay agad na akming pumunta sa parking lot at inilagay ko isa isa ang mga pinamili namin, hanggang sa makauwi kami.
“Ang aga mo naman ata nagising ngayon Nara?” Naka ngiting sambit ni Mama.
“Alam ko po kasing mamamalengke ang Lola kaya inagahan ko.” Kamot ulong sambit ko at bahagyang napa kagat sa aking labi.
“Talagang hilig mo sumama mamili.” Biro naman ni Papa.
“Hayaan niyo na at mas magaling pa nga sakin tumawad at makipag usap yan sa mga tao. Ang galing mambola kaya ang bilis bilis makabili.” Tuwang tuwang sambit ni Lola kaya napanguso ako.
Nakasanayan ko lang naman talaga yun dahil nga palagi kong nakikita at naririnig kay Lola yon. Nung minsan na tinry ko ay agad na pumayag sa akin ang babae, hindi ko alam kung dahil ba magaling ako mag salita at mang uto o dahil nadadala ng ganda at charms ko.
Mukha raw kasi akong hindi taga rito kahit na ang kutis ko naman ay morena. Hindi rin kasi ako halos makilala ng mga tao bilang isang Xavier dahil mas gusto ko na hindi ako kilala.