CHAPTER 28: WENDY PRIME “ALISIN mo na si Daro sa ilalim ng mahika mo,” Mula sa pagsambit ng kung anu- anong latin spell ay natigilan ito nang marinig ang boses ko. Literal na malapit na kami ngayon sa isa’t isa at tanging tatlong hakbang na lang ang distansya. Hindi ko na pinansin si Daro at ang ginagawa niya sa apat na magkakapatid... na kapatid niya rin yata sa labas, I don’t know, sinunod ko lang si Mira nang utusan niya akong pigilan ang matandang babaeng ‘to at kaya na nilang harapin ang clones ni Daro. “Ikaw na naman,” bungad niya sa ‘kin saka hinarap ako nang tuluyan. Naka- pwesto na sa mga oras na ‘to ang mga biktima niya sa loob ng ginawa niyang mga guhit sa ground. Bahagya na ring nagliliwanag ang mga guhit na ‘yon na may kasamang yellow- colored powder na inilagay niya bil

