CHAPTER 13: WENDY PRIME HALOS matalisod ako sa ginawang pagtulak sa ‘kin ng lalaking nasa likuran ko, I guess sila ang mga pinasamang tauhan noong tinatawag nilang Master dito sa ikatlong pangkat sa amin. In total ay walo kaming magkakasama ngayon. Apat na tauhan mula sa kampo ng ikatlong pangkat kasama si Samuel ang dalawa niya pang kapatid na lalaki, mga kuya I guess, kung hindi ako nagkakamali. “Bilisan mo ang kilos mo!” tinulak niya pa ulit ako sa balikat mula sa likuran kaya this time ay natalisod na talaga ako, mabuti na lang at nahawakan ko kaagad ang kahoy na hawakan noong hagdanan paakyat ng ship na sasakyan namin. Inaakyat namin ngayon ang hagdan na kahoy paakyat sa ship na sasakyan namin patungo sa bayan ng witch na si Veronica. Bayan niya ‘yon at hindi ko alam kung bakit n

