CHAPTER 30: WENDY PRIME HUMARANG si Samuel sa pagitan ko at ng mga tauhan nila Armando na dapat ay hihilahin na ang mga braso ko para igiya ako patungo sa selda kung saan ako matutulog magdamag ngayong gabi. Tama, narito na kami ngayon sa kampo nila, ng ikatlong pangkat na pinamumunuan ng ma- pride at mayabang na katulad ni Armando at ‘yong tinatawag nilang Master. “Anong ginagawa mo riyan, Samuel!” galit na asik ng tatay niya sa kaniya. “Umalis ka riyan,” “Pwede bang bigyan niyo naman ng kahit kaunting kaayusan ang trato sa kaniya, isa rin siya sa dahilan kung bakit naging matagumpay ang misyon sa bayan ng mangkukulam na Veronica na ‘yon,” Proud na kumibot ang aking mga labi. Well, sa totoo lang naman talaga. Kung wala ang special abiliy ko ay baka clueless pa rin kami ro’n at nahul

