Chapter 14

1416 Words
Tahimik lamang ako habang sumisimsim sa kape na hawak ko. Kasalukuyan akong nasa isang coffee shop malapit sa university. Napagpasyahan ko na dito na lamang mag-almusal dahil late na ako nagising kanina. Mukang sikat ang coffee shop na ito dahil marami silang customer kahit masyado pang maaga, karamihan sa mga customer ay mga naka-suit or naka-dress marahil ay papasok na sakanilang trabaho at dumaan lamang rito para bumili ng kape. Pinagmasdan ko lamang ang paligid ng mapadako ang aking tingin sa pintuan kung saan lumabas ang isang lalaki. Hindi ko nakita ang muka nito dahil nakatalikod ito saakin at mabilis na naglakad palayo. Akala ko ay kilala ko ito dahil pamilyar ang ayos nito ngunit mukang nagkakamali lamang ako kaya binalewala ko na lamang ito. Nang maubos ang kapeng iniinom tumayo na ako para umalis at umattend sa first class ko ngayong araw. Pagpasok ko sa silid ay agad na nag-silingunan saakin ang mga classmates ko, kitang kita ko ang mapang-husgang mga mata nila marahil ay sa pag sagot ko sa propesora kahapon. Binalewala ko na lamang ang mga tingin nila at nagtuloy-tuloy na nag-lakad para umupo na sa upuan ko. Wala pa si Professor Walton kaya naman isinubsob ko na lamang ang muka ko sa armchair. Pakiramdam ko ay nanghihina ako dahil kulang ako sa tulog, hindi kasi ako agad nakatulog kagabi dahil sa pinapanood ko. Naramdaman kong gumalaw ang upuan na katabi ko marahil ay may umupo, hindi ko ito pinansin at nanatili na lamang na nakayuko. Wala pa naman si Professor Walton kaya pwede pa naman siguro ako matulog. "Hi?" Rinig kong wika ng katabi ko ngunit nanatili pa ring nakasubsob ang muka ko sa aking braso habang nakayuko sa armchair. "Helloo?" Marahil hindi ito pinapansin ng kausap niya dahil muli itong nagsalita. May tono pa ang kanyang boses ng sabihin niya ang salitang 'hello'. "You're Avice right?" Rinig kong tanong nito na nagpadilat saakin ngunit nanatili pa ring nakayuko sa armchair. "I heard what you did yesterday. You're a brave woman, wala pang nagtangkang sumagot ng ganoon kay Professor Natasha." "Professor Natasha?" Nakuha na nito ang atensyon ko kaya naman inangat ko na ang aking ulo at humarap rito. Bumungad saakin ang nakangiting muka nito. Hindi pamilyar saakin ang kanyang muka dahil sa pagkakatanda ko ay hindi ko ito kaklase. Maikli ang buhok nitong itim, at singkit ang kanyang mga mata. Siya yung taong unang tingin pa lang masasabi mo ng masayahin dahil lagi itong nakangiti. "Yes! Si Professor Czaris Natasha Walton. I call her Professor Natasha kahit ayaw niya dahil dapat daw Miss Walton, but I like to call her using her second name kasi ang ganda pakinggan. " Napataas ang kilay ko ng marinig ang sinabi nito at umayos ng upo. Pinagmasdan ko ito, malapad ang ngiti niya na abot hanggang mata dahilan para hindi na makita masyado ang mga mata nito dahil singkit nga. Morena ito at maganda. Yes, maganda siya kahit simple lang ang kanyang ayos, wala rin itong mga kolorete sa muka hindi katulad ng iba na grabe ang kapal ng make up. "By the way I'm Ara, can we be friends? " Nakangiti pa ring wika nito habang inaabot ang kamay para makipag-shake hands. Tiningnan ko lamang ang kamay nito at tumingin na sa harap ng marinig ko na ang pag bukas ng pinto at kasunod ay ang tunog ng takong na nakapag patahimik sa lahat. Napatingin ako sa katabi ko, what is her name again? Tarah? Shara? Nevermind. Pinagmasdan ko lamang ito, kitang kita ko kung paano unti-unting sumilay ang matamis na ngiti nito sa labi at ang pag kislap ng kanyang mga mata habang nakatingin sa propesora na nasa harapan. Muli akong napatingin sa harapan ng marinig na magsalita ito. "Ms. Carter, what are you doing here? You're not part of this class." Wika ng propesora sa harapan habang mariing nakatitig sa puwesto namin. Nakangiting tumayo ang babaeng katabi ko. "Uhm, can I sit in ma'am? I don't have class right now." "I believe you are one of the students of Mr. Perez. I saw him a while ago on his way to his class." Nakataas kilay na wika ng propesora. Saglit na nagtama ang aming tingin ngunit agad din niya itong binawi ng marinig ang mahinang paghagikgik ng katabi ko. " So you know my schedule? " May mapaglaro ng ngiti ang namumutawi sa labi ng katabi ko. " I don't. But Mr. Perez has always been looking for you since last year, all of the faculty members know that you are always disappearing in his class. You are a graduating student Ms. Carter, I think it's time for you to grow up. " Mahabang litanya ng propesora sa babaeng may malaking ngiti na ngayon sa labi. " I will, but I think I'll just grow up kung ikaw na ang mag-aalaga saakin." Muli akong napatingin saaking katabi ng marinig ang sinabi nito. The audacity? "Enough with your nonsense, and go to your class Ms. Carter." Nauubusan na ng pasensyang wika ng propesora. "Aye aye Ma'am." Nakangiting sagot ng katabi ko bago tinapik ang balikat ko dahilan para mapatingin ako rito. "See you when I see you Avice." Paalam nito bago lumabas ng classroom, kita ko pa kung paano ito inirapan ng propesora ng dumaan ito sa harap niya at ang nakabibinging halakhak ng babae bago tuluyang makalabas ng silid. Muling nagtagpo ang tingin namin ni Miss Walton marahil ay naramdaman nyang kanina ko pa inoobserbahan ang bawat kilos niya ngunit agad ko namang binawi ang aking tingin at tumingin na lamang sa labas ng bintana. Nawalan na ako ng gana makinig, bahala siyang mag-discuss dyan. Nabalik lamang ang atensyon ko sa harap ng marinig ko na itong mag-dismiss. Ang bilis naman, parang lumutang lang yung utak ko ng ilang minuto habang nakatingin sa labas dismissal na agad. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa wall para tingnan kung napaaga ba ang dismiss niya ngunit sakto lang yung oras, marahil kanina pa nga akong lutang. Tumayo na ako at inayos ang gamit ko para makalabas na rin at makapunta sa susunod na klase ko. "Stay Ms. Forbes." Rinig kong wika ng propesora ngunit hindi ko ito pinansin at nagdire-diretso lamang. Malapit na akong makalabas ng silid ng maramdaman kong may humawak ng mariin sa braso ko kaya naman agad akong napaharap rito at bumungad saakin ang nakakunot na mukha ng propesora. "I told you to stay." Iginala ko ang tingin sa loob ng classroom at nakitang may iilan pang studyante sa loob, tumabi ako para makaraan sila dahil nahaharangan ko ang pintuan, ako pa ang humila sa propesora para lang tumabi dahil nanatili lamang itong nakatayo kanina habang mariing nakatitig saakin. Nang makitang kami na lamang ang nasa loob ng classroom ay hinarap ko na ito. "What? I still have class make it quick." Walang ganang wika ko rito. "You're not paying attention to my class." Binitawan na nito ang braso ko at tumayo ng tuwid sa harap ko. " I'm listening to your discussions." "Just listening, have you learned anything about the topics that I just discussed?" Hindi ako nakasagot sa tanong nito, kaya nag iwas na lamang ako ng tingin. "You're not even participating in my class. I believe that I already made myself clear yesterday that I don't like teaching bird brains." Kumuyom ang kamao ko ng marinig ang sinabi nito at muling napatingin sa propesorang nasa harapan ko. "You just discussed Managing production and service operations Miss. And if you will ask me what it is about then, it involves overseeing processes to ensure efficient and effective delivery of goods and services. The key elements of it include capacity planning, quality and inventory management, supply chain management, process improvement, lean management, and customer service. You also emphasize that a strong focus on efficiency, effectiveness, and customer satisfaction is required to achieve production and service goals and remain competitive." Dire-diretsong wika ko rito habang mariing nakatitig sa propesorang kaharap ko ngayon. " When I said I'm listening, I am listening Miss. " Mariing wika ko rito. Nag-iwas naman ito ng tingin at hindi na nagsalita pa. "If you don't have any questions, I'll take my leave now because I'm already 5 minutes late. You're just wasting my time just like how you waste our time before you started your discussion just to flirt around." " What---" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito dahil agad ko na itong tinalikuran at lumabas na ng classroom para pumunta sa susunod kong klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD