Sa isang malawak na silid nakatayo ang isang napakagandang babae, habang nakaharap sa isang malaking screen kung saan makikita ang litrato ng apat na magkakaibang babae.
"They are living a good life, huh." Wika nito bago sumilay ang isang ngisi sakanyang labi.
Umupo ito sa nagiisang upuan sa gitna ng silid bago nilipat ang slide, kung saan makikita ang isang babae na may mahabang blonde na buhok, asul na mga mata at may tipid na ngiti sa labi. Ang babaeng ito ay nakasuot ng uniporme ng isang propesor sa isang sikat na unibersidad.
"Czaris Natasha Walton." Tumatangong wika ng babaeng nakaupo, habang pinagmamasdan ang litrato ng isang propesora sa napakalaking screen.
“What a pretty face for a professor.” komento nito habang pinakatititigang mabuti ang mukha ng propesor sa malaking screen.
Sunod naman ang pag lipat niya ng slide kung saan makikita ang babaeng nakasuot ng isang puting coat at may gloves sa mga kamay habang ipinupusod ang mahaba nitong buhok. Sa itsura nito muka itong galing sa isang napakahabang operasyon ngunit makikita pa rin kung gaano ito kaganda.
Isang ngisi ang lumabas sa labi ng babaeng nakaupo at binigkas ang pangalang kanyang nababasa sa taas ng litrato.
"Ygritte Meyer, a doctor." kagat labing wika nito sa pangalan ng doktorang nasa litrato.
“She doesn’t looked that tired, huh. Still pretty..” komento nito at pinaikot sa daliri and hawak nitong sign pen.
Matapos pagmasdan ang litrato ng doktora, sunod naman ang litrato kung saan makikita ang babaeng naka suot ng isang formal na kasuotan sa loob ng isang korte. Makikita sa muka nito ang kaseryosohan sakanyang ginagawa, na kahit halos lahat ng tao sa loob ng court na iyon ay nakatingin sakanya,ngunit tila balewala lamang ito sa naturang babae dahil sa harap lamang ang tingin nito at tila nakikipag argumento.
"Tss, a lawyer. Alessia Armani, how should I start with you?" Tanong ng babaeng nakaupo sakanyang sarili habang pinakatitigan ang litrato ng babaeng lawyer, napapahilot pa ito sakanyang sintido at pawang napapaisip kung paano ang kanyang magiging unang hakbang para maging kaibigan ang babaeng lawyer. Dahil kung titingnan ay ang babaeng ito ang pinakamahirap lapitan kumpara sa naunang dalawang babae.
Ngunit isang ngisi na lamang angdahan dahang sumilay sakanyang labi ng may mapag tanto.
"I guess that wouldn't be so hard then." Wika nito habang may malaking ngisi sa kanyang labi bago nilipat sa pinakahuling slide kung saan agad naglaho ang kanyang mga ngisi at taimtim na lamang na pinagmasdan ang litrato ng isang babaeng napakaseryoso sa litrato wala manlang mababakas na mga ngiti.
Katabi ng babaeng nasa litrato ang isang lalaking may katandaan na ngunit mababakas pa rin ang kakisigan sa tindig nito. Isang tingin pa lamang malalaman na agad na hindi sila basta bastang tao, na galing sila sa isang prominenteng pamilya.
"The President." Mahinang wika ng babaeng nakaupo.
"And her daughter. Chiara Rea Ty." Matapos banggitin ang pangalan ng nasabing anak ng presidente ay isang nakakabinging tawa ang maririnig sa apat na sulok ng silid.
Tawa lamang ito ng tawa hanggang sa may pumasok sa silid at lumapit dito dahilan upang ito'y mapahinto at tumingin sa bagong dating.
"Young lady, your flight is ready. We need to go now." Wika ng bagong dating habang nakayuko at hindi manlang nagabalang mag taas ng tingin sa babaeng nakatitig sakanya ngayon.
"Oh, it's time already?" Tanong ng babae at agad tumayo sa kanyang inuupuan. Maglalakad na sana ito ng biglang may malakas na nagbukas ng pintuan ng silid at pumasok dito ang isang lalaking nagmamadali at mababakas ang inis sakanyang muka.
"Aviannah! Why didn't you tell me that it's your flight now?! " Galit na tanong nito sa babae.
"You never ask. " Tipid lang na sagot nito.
" You still have a month. Don't you think it's too early? "
Tila nagpantig ang kanyang tainga sa kanyang narinig at humarap sa lalaki.
“It’s never early, I’m actually 10 years late and I can’t wait to go back where it all started.” Malamig na wika nito habang nakatingin pa rin sa malaking screen na nasa kanyang harapan.
“But, does Inang knows anything about your early departure?”
“I already talked to Inang. We’ve been waiting for this Coven, don’t you dare stop me.” may pagbabantang wika.
Napayuko na lamang ang lalaki dahil sa lamig ng binitawang salita ng babaeng nagngangalang Aviannah.
" And…” pagdugtong nito sakanyang sasabihin , “no one has the right to question my decisions. Know your place Coven. " Malamig na wika nito dahilan para mapaatras ang lalaking nag ngangalang Coven.
" A-tleast use our private plane. It's dangerous Aviannah. " Nauutal na wika ni Coven, kasabay ng sinabi nito ay syang pagtingin nito sa malaking screen sa likod ng babaeng tinawag nitong Aviannah. Tila umusbong ang galit ng lalaking nag ngangalang Coven ng makita ang may katandaang lalaki sa litrato, napakuyom na lamang ito ng kanyang kamay bago humarap ulit sa babae.
“Let me come with you.” pagpepresinta nito ngunit mabilis rin nitong binawi ng salubungin ni Aviannah ang mga tingin nito pawang may pagbabanta ang tingin ng babae sakanya kaya naman napabuntong hininga na lamang ito bago yumuko at dahan dahang tumango.
" I guess, your decision is final. I'm sorry Aviannah, you can do whatever you want. You have the whole empire at your back. Just give the order and your people won't think twice to erase that f*****g country. "
" Not the country but just a few people Coven. I'm not that heartless. " Nakangising wika ng babae kay Coven at nag umpisa ng maglakad, napangisi nalang rin ang lalaki dahil sa narinig dahil alam nito na sa oras may mangyayaring hindi magugustuhan ng babae ay kayang kaya nitong burahin ang bansang Pilipinas sa mapa at habang buhay ng makakalimutan.
"Oh and Coven?" Tawag ng babae sa lalaki at huminto sa kanyang paglalakad bago humarap sa lalaking nag ngangalang Coven.
"Avice. It's Avice Zen Forbes from now on." Walang emosyong wika nito kasabay ng pagluhod ni Coven upang magbigay galang sa babaeng nasa kanyang harapan.
"Yes, Avice Zen Forbes, my Queen."
Pinanood nila ang nakatalikod na papalayong pigura ng babae sakanila, bawat lakad nito ay kakaiba ang nararamdamang pagkamangha ng lalaki sakanyang puso. Alam nya sakanyang sarili na hindi sila bibiguin ng babaeng nasa kanyang harapan, alam niya na hindi nito bibiguin ang imperyo.
“We rise through ruin.. we are built on wrath and now we shall seek revenge. The fallen do not forget.”
“This is my sweet vengeance.” huling wika ni Aviannah bago lumabas ng silid kasunod nun ay ang pagyukod muli ng lalaki tanda ng paggalang nito rito.
“Show them no mercy.”