Chapter 5

1959 Words
It's been weeks since I got here in the Philippines, and nothing much happened since my last encounter with the three women. Hindi ko pa sila nakikita muli dahil paano ko sila makikita kung hindi ako lumalabas ng mansion? Sinusulit ko lang ang aking bakasyon hanggang sa mag-umpisa na ang pasukan sa susunod na buwan, I'm taking up Bachelor of Science in Computer Engineering in Stanford University, transferee ako rito at kasalukuyang nasa 3rd year college na. Wala talaga akong balak na pumasok sa Isang sikat na paaralan rito sa Pilipinas ngunit kailangan. Mas mapapadali ang aking mga plano kung isa lamang akong regular na studyante. Regular na studyante? Tss, hindi nalang pala sana ako nag-enroll dahil nakita naman na ako nung dalawa sa lupain ng Sebroféì. Tanga na lang ang maniniwala na isa lamang akong normal na studyante matapos makita ang lahat ng nangyari nung unang gabi ko rito saaking lupain. Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko sila agad, dahil wala pa naman sa plano ko ang makita sila pero tadhana na nga talaga ang gumagawa ng paraan upang maisakatuparan ang aking mga plano, because Alessia Armani is my neighbor. Pag-aari niya ang kabilang lupain, kaya pala hindi ko mabili bili ang lupang iyon kahit triplihen ko pa ang halaga dahil siya ang may ari. After meeting her for the first time that day, I already know that she's not an easy woman. Oo pilya ito, but she knows what she's doing. Meeting those three isn't really my plan for my first month in staying here in the Philippines, kaya nga ko nagpa-aga ng isang buwan makapunta lang dito ay para magliwaliw muna, magsaya. Pero hindi pa man ako nakakatagal ng isang linggo binulabog na nila agad ang buhay ko. Isa nalang ang hindi ko pa nakikita, though I'm expecting na mas malala ang magiging encounter ko rito. It's been what? 3 years? How is she? Natigil ang aking pag-iisip ng may kumatok sa opisina ko. "Come in." Bumungad sa pintuan si Walter, agad naman itong pumasok, habang may dala dalang papeles. "Ma'am, I'm sorry but you can't enter Stanford University." "What?" Agad akong napalingon rito ng marinig ang kanyang sinabi. "Mr. Zoren Stanford refuse to accept you in his University." "Who the f**k is that?! I already made a deal with Mr. Henrich Stanford, all I need to do is wait for the start of class." "Mr. Zoren Stanford is the new owner of the university ma'am, and he's the son of Mr. Henrich." Napatawa ako ng pagak sa narinig. " And so? He should be pleasured that I'll enter his University. Who the f**k is he to refuse me? " Tanong ko rito, tila nauubusan na ng pasensya. Damn, Stanford University is my key. All I need to do is to enter that goddamn university and everything will go as planned. Napapahilot sa sintidong sumandal ako sa kinauupuang swivel chair. Nakapikit lamang ako habang kinakalma ang sarili. "I think it's because of this ma'am." Muli akong napadilat ng marinig si Walter at iharap saakin ang hawak niyang papeles, I think it's a newspaper, ngayong nakita ko na ito ng malapitan. Agad ko itong kinuha at binasa ang nasa headline. "Massive Merger: Stanford and Ty Combine Forces to Become Industry Powerhouse" Sa baba ng headline na iyon makikita ang litrato ng dalawang indibidwal na masayang nakangiti habang napapaligiran ng mga reporters sakanilang paligid. "Ma'am?" Rinig kong tawag saakin ni Walter ngunit nanatili ang mga mata ko sa babaeng nasa litrato. "Ma'am? Are you okay?" Ulit pa ni Walter, ngunit hindi ko pa rin ito binibigyang pansin. I can also sense na medyo kinakabahan na ang boses nito marahil nakikita niya kung paano unti unting nalulukot ang newspaper na hawak ko. "Ms. Sebroféì?" Tawag nito saakin na siyang nagpaangat ng tingin ko, dahilan para magtama ang mga mata namin. Kitang kita ko pa kung paano nagtaas baba ang lalamunan nito dahil sa pag lunok. "Forbes." Malamig na wika ko rito kasabay ng aking pag tayo palapit rito dahilan para humakbang ito paatras. "Avice Zen Forbes." Ulit ko rito at dahan dahang pinunit ang newspaper sakanyang harapan. "My apologies Ms. Forbes." Wika nito sabay yuko, tila ayaw salubungin ang titig ko at iniiwasan ang mapatingin saaking mga mata, kaya naman lumakad nako ulit pabalik sa swivel chair ko para umupo. "You can leave now." Tipid na wika ko rito habang nakapikit, narinig ko na lamang ang mga yabag nito paalis at ang pag bukas at sara ng pinto ng opisina ko. Nang makaalis na ito, kasabay ng pag mulat ng aking mata ay ang pag labas ng aking tawa. Tawa lamang ako ng tawa tila nababaliw dahil sa nakita sa newspaper na iyon. Halos ang mga tawa ko lamang ang maririnig sa kabuuan ng opisina. Kung may makakakita man saakin ngayon marahil ang iisipin ay nababaliw na ako dahil matapos saaking pag tawa ay ang pag tayo ko at paghagis ng vase na nasatabi ko lamang dahilan para ito ay mabasag. Rinig na rinig sa apat na sulok ng silid ang pagbagsak nito. "Chiara Rea Ty." Nakapikit na wika ko tila kinakalma ang sarili. "That girl." "She's really testing my patience." May pag titimping wika ko kasabay sa pag punas ko sa aking pisngi kung saan may malapot na likido akong nahawakan. Tiningnan ko ang dugo saaking kamay, marahil may lumipad na bubog matapos ang ginawa kong pag hagis kanina sa vase, napangisi na lamang ako ng dahil dito. "Now, I have reason to go see you my sweet doctor." *** Pagkababa sa aking sasakyan at sumalubong saakin ang napakataas na gusali kung saan makikita ang napakalaking letra na 'M' at sa baba nito mababasa ang "THE MEYERS HOSPITAL". Kahit gabi na tila umaga pa rin dahil sa mga ilaw ng naglalakihang gusali sa paligid at mga ilaw ng mga dumadaang sasakyan. Nang makalapit ako sa entrance may babaeng agad na lumapit saakin marahil nakita ang sugat ko saaking pisngi. Sasabihin ko pa lamang na kailangan kong makita ang CEO ng hospital na ito ng bigla itong magsalita. "Ms. Meyer is waiting for you in her office. This way ma'am." Sinundan ko lamang ito hanggang sa makapasok kami sa isang elevator, tila naiiba ang elevator na pinasukan namin dahil kulay ginto ito at pansin ko ring iniiwasan itong sakyan ng mga empleyado. Nakatayo lamang ako sa likod ng babae habang hinihintay na huminto ang elevator . This hospital is not only world-renowned for its medical expertise, but it also boasts the distinction of having the highest floor of any hospital in the world. Nang huminto ang elevator naunang lumabas ang babae kaya naman sinundan ko ito, nasa pinakadulo kaming palapag. At tila walang tao rito dahil napakatahimik ng paligid masyado rin itong malawak at napakahaba ng hallway kung saan makikita sa pinakadulo nito ang napakalaking double door na kulay ginto. Nang makalapit kami rito kusa itong bumukas, hinihintay ko na maunang pumasok ang babae ngunit nag umpisa na itong tumalikod at nag lakad paalis sinundan ko lamang ito ng tingin hanggang sa makasakay na ito ng elevator. Nabaling ang atensyon ko sa loob ng opisina ng marinig ko ang isang mahinhin na boses pero mababakas ang lamig rito. "Aren't you going to enter?" She asked kaya naman pumasok nako. Kusa namang sumara ang pintuan ng makapasok ako, ngayong nasa loob nako ng kanyang opisina kapansin pansin ang kulay ng paligid, napakalawak nito at halos mag kulay ginto na ang halos lahat ng kagamitan sa loob. "You may sit." Napatingin ako sa babaeng kasalukuyang nakatayo at nakasandal sa office table habang umiinom ng wine. May suot itong mahabang puting coat at sa loob nun makikita ang kulay itim na dress na hapit na hapit sakanyang katawan. Sinunod ko naman ito at umupo. "What are you doing here?" Tanong nito at lumapit na para umupo sa katapat kong upuan. Kitang kita ko pa kung paano umangat ang dress na suot nya when she crossed her legs. "Eyes up here Zen." Umangat naman agad ang tingin ko sakanya ng marinig ang itinawag nito saakin. "So, what are you doing here?" Ulit na tanong nito bago nilapag ang wine sa lamesa. "This is an hospital Ygritte." I said as I pointed my right cheek, kung saan may sugat dahil sa bubog na tumama rito. "You don't go to a hospital with just a simple scratch Zen." Wika nito sa malamig na tono bago tumayo at may kinuha sa likod ng kanyang table, nang makuha ito agad naman ito bumalik sa pwesto ngunit umupo na ito sa tabi ko. It's a first aid kit. Inumpisahan na nyang buksan ang first aid kit, nakatingin lamang ako sakanya habang inireready niya ang mga kailangan niya para gamutin ang sugat ko sa pisngi. Nang matapos iyo sa ginagawa iniangat na nya ang kanyang tingin dahilan para magtama ang mga mata namin, ngayon ko lang ulit nakita ng malapitan ang kanyang mga mata, hindi nako nasanay tila nahihipnotismo pa rin ako sa mga tingin niya matapos ang ilang taon. Dahan dahan niyang inangat ang kanyang kamay na may hawak na bulak at dahan dahang idinampi sa sugat ko habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa pisngi ko kaya ramdam na ramdam ko kung gaano kalambot ang palad nito. Nakatingin pa rin ito saaking mga mata imbis na sa sugat ko kaya naman iniwas ko nalang ang tingin ko sakanya, dahil hindi ko kayang tumagal na tingnan pa siya. I can see longing in her eyes. "I became successful Zen." Muli akong napatingin rito nang magsalita ito, may maliit na ngiti ito sakanyang mga labi. "I'm the owner of all the Meyer's properties now. They give me all the rights." Pinagmamasdan ko lamang kung paano napalitan ng malungkot na ngiti ang tipid na ngiti sa kanyang mga labi. "I work hard just to be on top Zen." Her lips are now trembling, I can see a tear already forming in her eyes. Napakuyom ang kamao ko sa nakikita, kaya naman iniwas ko na ang tingin ko rito. "Destroy me." Wika nito at hinawakan ang pisngi ko upang iharap sakanya at pag dikitin ang noo naming dalawa. Nakapikit ito habang may maliliit na butil ng luha ang dumadaloy sakanyang mga mata. Wala na ang malalamig na mga matang sumalubong saakin kanina, pati ang boses nito na sing lamig ng yelo tila biglang natunaw, her voice are trembling. "I'm giving you all the rights to destroy my name. I'm surrendering all myself to you now Zen. A-all of this are nothing." Muli nitong idinilat ang kanyang mga mata upang salubungin ang titig ko. "Just please. P-please, love me again." Wika nito. Pinagmasdan ko kung paano bumaba ang tingin niya saaking labi bago dahan dahan lumapit saakin. Pigil ang hiningang iniwas ko ang muka ko sakanya kaya naman sa pisngi ko dumapo ang mga labi niya. "Where are they?" I asked her coldly, I can see on my peripheral vision ang pag ayos niya ng kanyang pag upo at pag punas sakanyang luha. "Out of the country." Tipid na wika nito kaya humarap ako sakanya, may tipid itong ngiti sakanyang mga labi habang nakatingin sa malayo. "You know what I want Ygritte. And the thing you are offering right now isn't enough." Malamig na wika ko rito bago tuluyan ng tumayo saaking kinauupuan at talikuran ito upang mag umpisa ng umalis. "You're a hateful woman." She said almost a whisper, kaya napahinto ako saaking pag lalakad. "Because the world is unfair Ygritte." Wika ko rito habang nakatalikod, bago tuluyang nag umpisa na maglakad paalis. Nang makalabas sakanyang opisina napahawak na lamang ako saaking pisngi ng maramdamang basa ito. "Tears?" Napangiti na lamang ako ng tipid ng makitang basa ang palad ko. I guess I still have feelings after all.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD