HER: A Nightmarish Dream

2861 Words
Nagtatakang inilibot ni Faye ang tingin sa paligid. Kunot ang kanyang noo dahil pamilyar sa kanya ang lugar na nakikita. Mula sa mga buildings, ang mga benches, maging ang mga suot na uniform ng mga naglalakad na estudyante. It was in school. The school where Faye is currently studying. Dahan-dahang ibinaba ni Faye ang mga tingin sa kanyang kamay na may hawak-hawak na isang bouquet ng pulang rosas. Maingay din ang paligid dahil sa ibang mga estudyante na kung hindi namimigay ng bulaklak ay binibigyan naman ng bulaklak. Obviously, it was like a Valentine’s Day event before in the school, kung saan hinahayaan ng school na mamigay o tumanggap ang mga estudyante ng bulaklak. To celebrate the Valentine’s, the school would let the students do anything in relation with the Valentine’s itself. Basta h’wag lang lalabag sa school rules and regulations. This was a happy and joyous event. But Faye couldn’t act like she’s happy since this event had something bad like a nightmare in the memory of Faye. Or maybe, this same day, in the same occurrence, had the same memories in Faye in which she knew that it was the start of her nightmares. Kung tama ang pagkakaalala ni Faye, according to what happened in her past life before her rebirth, iyon ang parehong araw at parehong taon nang sagutin niya si Kirth na halos mag-iisang taon ring nanliligaw sa kanya. It was a very unforgettable memory for Faye, dahil sa dalawang dahilan. Kung para sa Faye noon, bago ang kanyang rebirth, this day is the most unforgettable event in her whole single life dahil iyon din ang huling araw niya bilang isang NBSB. Hindi lang iyon, dahil sa halos walong buwang panliligaw sa kanya ni Kirth ay ang surpresang ginawa niya sa araw na iyon para kay Faye ang pinakabongga sa lahat ng ginawa ng lalaki. Dahil sa harap ng maraming tao ginawa ni Kirth ang surpresa nito. And that’s the reason why for the current Faye, it was the start of her nightmare. Dahil magsimula ang araw na iyon ay nagsimula na rin ang kalbaryo sa buhay niya. Iyon ay dahil ang tanggapin si Kirth sa buhay niya ang pinakamalaking pagkakamali na ginawa ni Faye noong unang buhay niya. So when Faye saw this scene, and the bouquet in her hand, gusto na lang niyang maglakad papalapit sa basurahan at itapon ang bulaklak na iyon sa harap ng lahat. Unfortunately, she couldn’t move her own body according to what she wanted. Kaya naman nagpatuloy lang si "Faye" sa paglalakad papunta sa pamilyar na lugar habang may malawak at magandang ngiti sa kanyang mukha. This is sh*tty. Why of all dreams I could have, bakit itong scene pa? Kahit man lang sana sa panaginip ay mapigilan ko ang sariling maging t*nga, tss. Faye cursed in her head as she just let her old self took the bait. According to her memory, papunta siya ngayon sa field kung nasaan ginaganap ang flag ceremony every Mondays. Nabasa niya kasi ang text sa kanya ni Kirth na doon pumunta dahil may sasabihin sa kanya ang lalaki. At kahit pa nga katakataka iyon, pumunta pa rin ang dating Faye pagkatapos makapagdesisyon na kung ano mang pakulo ang gagawin ni Kirth doon ay sasagutin na niya ang lalaki. Gusto na lang natawa ni Faye kung gaano siya noon nagmukhang t*nga sa harapan ni Kirth at ni Amara. Tandang-tanda niya pa kung gaano siya na-touch sa surpresang hinanda ni Kirth para sa kanya, na kahit pa nga harapang sinira iyon ni Amara ay nagpakat*nga pa rin siyang pinatunayan sa dalawa kung gaano niya kamahal si Kirth. Without knowing that it was all an act to toy her feelings. Gritting her teeth and clenching her fist mentally, Faye finally reached the place. She roamed her eyes excitedly as she looked for Kirth. Nanginginig pa ang mga kamay niya, at inisip na lang ni Faye na hindi iyon dahil sa excitement kung ’di dahil sa bumubugsong galit. Papanoorin niya lang naman kasi kung paano siyang nagpakat*nga sa araw na iyon. Ang pamilyar na tugtugin ay bigla na lang umalingawngaw sa buong lugar. Faye spun her body at her back, and there she saw the handsome young man. Si Kirth iyon na may hawak na isang microphone. Nakasuot siya ng pulang damit na may naka-print na salitang 'FAYE'. Sa likod naman ni Kirth ay nakasunod ang mga kaibigan niya na ngiting-ngiti na nakatingin kay Faye habang nakasuot din ng parehong kulay ng shirt na suot ni Kirth. Katulad kay Kirth ay may mga salita ring nakasulat doon and Faye doesn’t need to line them up to know what would be the words mean when read in a sentence. Kahit sino namang seryosong lalaki ay papangit ang hilatsa ng mukha sa oras na magsuot ng ganoong ka-corny-ng shirt. Halos mapahagikhik si "Faye" pagkatapos ibalik ang tingin kay Kirth dahil kay Val na nakabusangot na habang hila-hila ang isang malaking Bluetooth speaker kung saan nagmumula ang malakas na tunog. "Faye" couldn’t help but laugh after seeing the serious look on Kirth’s face while walking towards her holding the mic. Sa mukha pa lang ni Kirth ay alam na ni "Faye" na nauto na naman siya ng mga kaibigan sa isang seryosong bagay na ginawang kalokohan. Pero naroon pa rin ang kilig at saya sa kanya dahil kahit na hindi gusto ni Kirth ang mga ganoong gawain ay pinilit pa ring gawin ng lalaki para sa kanya. And Faye just wanted to p**e for how foolish she was before. Now I can feel what that as*hole and his b*tch of a girl feels every time they watch me before. Kung hindi ko lang alam na sarili ko ang nakikita ko ay baka natawa na rin ako. Alam ni Faye, na ang ganoong ekspresyon ni Kirth ay hindi ang mukha ng 'Napipilitan ako, pero para sa’yo ay gagawin ko ’to'. Dahil alam ni Faye na literal na napipilitan ang mukha ni Kirth na iyon. If it wasn’t for making Amara’s plan successful, he wouldn’t even bother. And yet, ramdam na ramdam ulit ni Faye ang mga naramdaman niya noon ng panahong iyon ngayon. That happiness while staring at him, the genuine smile grazing her lips, and that familiar loud and abnormal thumping of her heart. Muli na naman niyang naramdaman ang mga iyon na mas lalong gumugulo sa nararamdaman ni Faye. She knew it herself, mahal niya pa rin si Kirth matapos ang lahat ng nangyari. Katulad nga ng palagi niyang sinasabi sa sarili, hindi niya basta-basta na lang makakalimutan ang nararamdaman niya para kay Kirth. Mabagal man ang proseso sa pagkalimot noon, pero isa lang ang sinisiguro ni Faye, at iyon ay ang pangako sa sariling hinding-hindi na mahuhulog muli sa lalaki. Pero nungkang hahayaan lang ni Faye na ganoon lang ang mangyayari. Tutal naman ay binigyan siya ng pangalawang pagkakataon para muling baguhin ang kung ano man ang dapat na mangyayari, while doing that, bakit hindi naman siya mag-enjoy kahit papaano. Since she could prevent bad things to befall on her like it did on her first life, hahayaan na lang ba niyang mamuhay din ng tahimik at maayos ang mga taong sumira sa kanya? Of course not! Malakas na tanggi niya sa sarili. Of course, she won’t let them go. Katulad sa kung paano siya hindi tinantanan sa unang buhay niya ay ganoon din ang gagawin ni Faye sa kanila. Para lang iyong pag-uulit sa kung ano man ang ginawa nila noon kay Faye, ang pagkakaiba lang ay si Faye naman ang mauuna at gagawa ng lahat ng iyon sa kanila bilang kabayaran. So, Faye coldly and unfeelingly watches and lets her past self-act like she did before in front of these actors. Dahil mahilig naman silang umakting na parang nasa loob ng isang drama, then Faye would not be a passerby or a cannon fodder like she is before. This time, she will be the director of her own movie. And everyone will be her cannon fodder. Kahit ang mga bida noon ay magiging simpleng extra na lang sa pelikula niya. Acting man ang pinaka ayaw niya, pero gagawin niya ang lahat para maging best actress sa lahat. Dahil alam niyang iyon lang ang paraan para makapaghiganti ng hindi nahuhuli. “I’m sorry for this tasteless sh*t. It was Saeji’s idea. Akala ko kasi ay maganda ang naisip niya. I wasn’t expecting this childish . . .” hindi na maituloy pa ni Kirth ang sasabihin ng mapangiwi na lang ito. “Aba naman Key! At ako pa talaga ang sinisi! Hindi na lang magpasalamat eh!” mabilis na reklamo ni Saeji sabay tingin kay Faye. “Anyway, mukhang tapos na rin naman ang parte namin, kaya aatras na muna kaming mga extra para ibigay sa inyong dalawa ang stage,” nakangising wika ni Saeji at hinila na paalis ang mga kaibigan. Hindi naman sila mas’yadong lumayo. Sapat lang ang distansya nila para hindi marinig ang kung ano mang pag-uusapan nila ni Kirth. Pasimpleng umubo si Kirth at ibinaba ang hawak na mic sa ibabaw nang naiwang Bluetooth speaker. “I was about to sing the song to serenade you, like Saeji’s plan. But you know my singing voice is not that . . . good so, ahem!” Mahinang napahagikhik si Faye at pinanood lang si Kirth, hindi nagsasalita. “So let’s just use the music as our background,” pagpapatuloy niya at tsaka napatingin na may Faye. “Did you like the flowers?” biglang tanong ni Kirth, halatang nag-iisip ng magandang topic. Nakangiti namang napatango si Faye. “They’re beautiful,” halos pabulong na sagot niya. “Well, they should be. After all, I will not give them to you if they’re not as beautiful as you are,” nakangiting pambubola ni Kirth. "Faye" could feel her cheeks warming and reddening. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso niya na at dahil sa medyo nakaramdam siya ng hiya ay napaiwas siya ng tingin kay Kirth habang nakanguso, pinipigilan ang mapangiti ng sobrang lawak dahil sa kilig. Napairap naman si Faye sa sarili. Parehong nasusura sa kasinungalingan ni Kirth at sa kat*ngahan ng sarili. “By the way, Happy Valentine’s to you, Faye. Plano ko lang sana na bigyan ka ng bulaklak at tsaka yayain kumain. But I think it was too plain for a special event like this. So I asked them to help me make it special. Hindi ko naman alam na ganito pala ang maiisipan nilang gawin,” nakakamot sa tainga na wika ni Kirth. “Maybe I should just stick to more simple way of asking you. Ibinawi ko na lang sana sa mismong date.” Napabuntonghininga na lang si Kirth sa sarili. He looks helpless about his actions, and both Faye finds it amusing, but with different opinions. For the old Faye, it is amusing because she finds this Kirth cute. And the current Faye wanted to jab her eyes because of that. Para naman sa current Faye, it was amusing because, she didn’t expect for Kirth to be that good in acting. It was so natural na kung katulad pa rin si Faye ng dati ay walang duda na paniniwalaan niya lahat ng mga iyon. Fortunately, she knew clearly that it was all just an act, too amused themselves. Mabuti na lang at hindi pa noon p*tay na p*tay ang dating Faye kay Kirth at agad itong nagseryoso. Hindi na rin naman kasi maatim pa ni Faye na panoorin ang sariling kababawan. “Daven, can I ask you a question?” seryosong tanong ni "Faye" feeling fidgety. “Ugh, sure,” agad na tango ni Kirth. “Ask away,” dagdag pa niya. At dahil sa hindi mahilig si Faye sa paligoy-ligoy ay nagtanong naman agad siya. “What do like about me?” Hindi naman agad nakasagot si Kirth at bahagya pang gulat na napatingin sa kanya. Pero agad din naman nito iyong napalitan at nakuhang magseryoso na rin. Pero hindi muna ito sumagot at napatingin lang kay Faye. “I don’t really know what to say to you right now. Pakiramdam ko ay nasabi ko na sa’yo lahat. All the reasons why I like you, then how I had fallen in love with you. Lahat iyon ay sinabi ko sa’yo. And I don’t like repeating words that you have already heard, because it will just sound like ordinary words. So maybe, I will just have to answer you based on the question, 'Bakit ikaw?'. My answers might be the same, but I want to make you feel different when you hear them this time.” Kirth stop and then walk towards Faye bridging the space between them. Tiningnan niya si "Faye" gamit ng kanyang nangungusap na mga mata. Ang mga mata na madalas ay walang pinapakitang ekspresyon ay nakatitig kay Faye na para bang sa mga tingin niya pa lang ay sinasabi na niya ang lahat kay Faye. Ang sabi nila, ang mata raw ang daan pala makilala ang isang tao. Ang mata ang makapagsasabi kung ano ang totoong nararamdaman ng isang tao. It is like a portal of someone to see one’s soul. Kaya kapag pati ang mga mata ng isang tao ay magaling magtago, that person is a dangerous individual. And seeing the very affectionate eyes of Kirth, Faye almost and once again fell for those beautiful brown irises of him. Kung hindi lang dahil sa pilit na pagkaila ni Faye sa sarili na hindi totoo ’yon, that all those emotions were just lies he wanted her to believe, baka katulad sa kung paanong naniwala agad ang dating Faye ay baka maging siya’y maniniwala ulit. “The very reason bakit ikaw, is because it’s you.” Faye snorted. Katulad nga ng naaalala niya ay iyon ang mga sinabi ni Kirth noon. Kaya hindi na siya nagtaka nang sabayan niya si Kirth sa pagsasalita ay pareho sila ng mga sinabi. “I believe that loving someone should have no reason to do so. Siguro, noong una, may rason kung bakit kita nagustuhan. I find you amusing and interesting. Everything about you is noticeable, it was hard to act like I didn’t notice them. So that’s why I tried everything to get you to notice me too. Fortunately, I did, didn’t I?” Mahinang napatawa naman si "Faye". “Papansin,” she even teased him. At ngumiti lang naman si Kirth na sa pagkakaalam ni Faye noon ay sa kanya lang nito pinapakita at siya lang ang nag-iisang dahilan. Lies. Ang tanging sambit ni Faye habang nakakunot ang noo na pinanood si Kirth na pagsinungalingan pa and dating siya. Lahat kasinungalingan. Ang mga sinabi sa kanya ni Kirth, ang mga ngiti nito, lahat ay pawang pagpapanggap just to make the real woman he loves happy. “I might be. Pero sa’yo lang ako nagpapansin ng gan’to. Not because of all the women here, it was only you who never showed any interest at first seeing me. So I became more intrigue about you. Until I realized my interest became an infatuation that soon end up liking you. You’re so different, not only your beauty is different, everything about you is different. And it’s pulling me in until I find myself gladly falling deep within. At wala akong planong itigil iyon, Faye. It was only you who made me feel those satisfying feelings, those extremely new emotions I never thought I would feel. Kaya bakit ko pakakawalan ang nag-iisang taong ’yon?” nakangiting tanong ni Kirth na hawak na ang isang kamay ni Faye. “Then don’t,” biglang sabi ni "Faye", surprising Kirth. “Don’t let go of me, Daven. Don’t let me go even if I am yours now.” Naramdaman ni Faye ang biglang panginginig ng kamay na nakahawak sa kamay niya bago iyon humigpit. “What . . . What do you mean, Faye?” Kirth hoarsely asked. “In Tagalog or Spanish?” pabirong tanong naman ni Faye. “Both?” wala sa sariling sagot naman ni Kirth kaya natawa si Faye ng bahagya. “Si. Soy tu novia ahora. Yes. Tayo na, sinasagot na kita.” Bago pa man makita ni Faye ang naging reaksyon ni Kirth ay tuluyan na siyang nagising sa bangungot na iyon. But unlike her usual stance after waking up from a nightmare, Faye only calmly opened her eyes. Tulalang napatingin siya sa bubong ng kuwarto niya habang inalala muli ang kung ano mang sunod na nangyari roon. After those words, Kirth widened his eyes in shock as he happily shouted a 'Yes' before pulling Faye in a surprise kiss. Masayang nagsipaghiyawan naman ang mga kaibigan ni Kirth na nagsimula nang maglakad papalapit sa kanila. But before that, a loud shriek echoed in the area. Ang malakas na sigaw ng 'No' naman ang narinig mula kay Amara na nanlalaki ang mga mata sa galit na naglakad papalapit sa kanila. Kirth 'hesitatingly' released Faye’s lips before facing Amara. At doon nagsimula ang panibagong scene na hinanda ng dalawa. Remembering that, napairap na lang si Faye bago tamad na napaupo sa kama. “What a way, to start my day.” to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD