HER: Bargain with the Enemy

2146 Words
Eating their breakfast silently, the family of three were sitting in front of the table eating the food on their plates. The place was so quiet and solemn, and instead of having a bright and heartwarming breakfast, the aura that spread throughout the whole dining room was dreary and morbid. Well, it wasn't that everyone was feeling dreary and morbid. It was just the feeling Faye had as she walked out of her room. She was the only one who was listless while her mother was happily and cheerfully humming while eating and her father was gentle as usual, especially tending her mother with great care. Watching her parents act like she wasn't looking uncomfortable and problematic, napabuntonghininga na lang siyang kumain nang mas mabilis para kahit papaano ay magkaroon naman siya ng lakas sa pagpasok niya ngayon. Hindi naman sa nagiging spoiled siya or was she just acting. It was just that she was really dispirited when her mother reprimanded her about talking in English. Habang kumakain kasi sila ng dinner kagabi ay biglang naalala ng mom niya ang tungkol sa pagkakabanggit ng mga pinsan niya na hindi daw siya nagsalita ng straight na tagalog sa ibang kaklase nila maliban sa kanilang dalawa. Doon ay nagsimula na siyang sermonan ng mom niya about banning her from speaking much english with the reason that, they are now in the Philippines so they should speak tagalog as what people on the Philippines speak. At doon na nga biglang nagkaroon ng isang batas sa loob ng bahay nila na bawal na ang magsalita ng purong English sa loob ng bahay. Kailangan ay kung magsasalita man ng English ay hindi buong English kundi nahaluan lang ng Tagalog. For them to get practice at speaking Tagalog fluently. Hindi lang naman kasi siya ang nakasanayan na ang salitang ingles sa tuwing nagsasalita o nakikipagusap. Maging ang kanyang ina lalo na ang kanyang ama, lahat sila ay nakasanayan na ang pagsasalita sa ingles. 'Yun na nga ata ang kanilang native language o ang kanilang first language, dahil sa iyon na ang nakalakihang wika ni Faye, dahil sa papalit-palit nila ng bansa. And it wasn't that she was not used to speaking Tagalog. Gaya nga nang sabi niya ay isang taon mahigit din siyang namuhay noon na nakasanayan na ang pagsasalita ng Tagalog. And after rebirth, she was still used to speaking Tagalog. It was just, ayaw niya lang talagang baguhin ang katotohanan bago man siya mag-rebirth, dapat talaga ay purong ingles siya kung magsalita noong bago pa lang siya sa school. Ayaw niya kasing maging iyon ay baguhin niya since it was just a small detail of the past, but still, a detail is a detail and it will have an effect when she changes it as soon as it should be. At isa pa, she really finds herself cooler when she speaks English. Lakas maka-foreigner nang datingan lalo pa nga at naroon pa rin ang American accent niya na akala niya ay nawala na. Ang kaso nga lang, ayaw naman niyang suwayin ang mom niya. So now, she has no choice but to follow what she was told. Kaya naman sa ngayon ay hindi na lang muna siya nagsasalita. Hindi pa kasi niya nakukuha ang tamang accent niya kapag nagsalita na siya in tagalog sa harap ng mga magulang. Dahil alam niya na kapag nagtagalog siya ngayon ay wala na iyong accent hindi gaya noong unang beses niyang magsalita ng straight sa Tagalog. "Bilisan mo na diyan Lunez Faye, ihahatid ka na ng Daddy mo," Napatango na lang siyang mabilis na tinapos ang pagkain bago umakyat pabalik sa kwarto niya para mabilisang magsipilyo. Pagbaba ay dala na niya ang kanyang mga gamit. Nakasalubong niya pa ang mom niya na nakaabang sa may gate kung nasaan nakaparada na ang naghihintay na kotseng gamit ng dad niya papasok sa work. "Bye Mom, ingat ka po okay? Love you!" mabilis na hinalikan niya sa pisngi ang kanyang Mom bago pumasok ng kotse. "Bye Lunez Faye, ingat sa pagmamaneho Ken," nakangiting kaway naman sa kanya ng kanyang ina. Nakangiting pinagmasdan naman ni Faye ang Dad niya nang hawakan nito ng marahan sa bewang ang Mom niya bago hinalikan sa lips. The other hand was holding her mom's still flat belly. "We'll be going. Take care and be careful here, Faith," then, with a gentle smile, Faye's dad looked down and then kissed her mom's belly. "Be good there, son, h'wag pahirapan ang mommy," Faye's dad gently warned the little fetus in his wife's tummy. Magkasabay na napangiti na lang sila Faye at ng kanyang ina sa sinabi ng Dad ni Faye. At habang bumabyahe ang sasakyan nila papuntang school, ay hindi mawala sa isip ni Faye ang tungkol sa kapatid niya na ngayon nga ay isa pa lamang fetus sa tiyan ng kanyang ina. Her mom is actually pregnant with her younger brother. Another reason why her parents decided to permanently live here in the Philippines. Her mom is an international flight attendant, while her dad is an entrepreneur at a big company. When her mom was diagnosed as pregnant, mabilis na nag-isip ang kanyang ama na patigilin na muna sa pagtatrabaho ang kanyang ina at manatili muna sila sa Pilipinas. Sakto naman na napromote ang Dad niya sa kompanyang pinagtatrabahuan kaya mas naging permanente na ang kanilang pag-stay sa bansa. Naisipan na rin kasi ng kanyang ina na hindi na siya ganoon kabata para magpatuloy sa pagiging flight attendant nito. She thought that maybe this time, it was better to be a mother to Faye and to the additional child in the family. Thinking about the additional member in their family, the smile on Faye's lips slowly turned into a grimace. Naalala niya kasi ang ginawa noong ipinanganak ang nakababatang kapatid niya na lalaki. She wasn't excited about her brother, and she couldn't care less about this sibling of hers. Although she wasn't mad about this brother of hers, she acted like she didn't like her brother. And thinking about what happened after her mother died in an accident, her father was jailed, her grandfather was critical on the hospital, her uncle was problematic about her cousins which was also hospitalized, and her younger brother was left alone. Guilt spread in her whole being. Thinking, ano kaya ang nangyari sa kapatid niya na bata pa lang ay sunod-sunod na agad ang trahedyang naranasan dahil sa kanya? Would he be mad and blame her? Of course, he will. Kahit sino naman ay ganoon ang mararamdaman. Even her, to herself, Lunez is angry about her past self. Her stupid self. Kuyom ang mga kamay, she once again oath to herself. That with the second chance given to her, she won't let her younger brother suffered the same just because of her. Not only her brother, but all the people dear to her. "We're here," anunsyo ng Dad ni Faye na nagbalik sa kanya sa wisyo. She revealed her smiling face once again, and she looked at her dad while unleashing her seatbelt. "Problem?" Bago pa man makapagsalita si Faye ay naunahan na siya ng Dad niya. Napakunot ang noo na napatingin siya sa dad niya nang hindi makuha ang tanong nito sa kanya. "I thought you had a problem. Tahimik ka habang bumabyahe tayo, and your face was crumpled. I couldn't read what you were thinking," her dad stated, answering her question. Napangiti na lang siya at napailing sa ama bago hinalikan ito sa pisngi, dala ang bag ay binuksan ang pinto ng kotse. "It's nothing Dad, just thinking things through. Anyway, I gotta go. Ingat on your work Dad!" nakangiting paalam niya at lumabas na nga ng kotse. Bago pa man niya naisara ang pinto ng kotse ay sumungaw muna ang ama sa binuksang bintana smiling at her, "Remember lady, you have to speak Tagalog from now on. Andiyan ang mga pinsan mo na spy ng Mom mo," natatawang paalala nito na nagpatawa lang kay Faye. "Yes, I will, Dad. Bye!" Kumakaway ay naglakad na siya papasok ng campus at palabas naman ng campus parking. With that, she started walking towards her classroom kung saan napag-usapan nila ng mga pinsan niya na magiging hintayan nila. Hindi naman kasi tulad ng grupo ni Kirth, ang mga ka-gang ng mga pinsan. Kung lahat mayaman sa grupo ni Kirth, sa mga pinsan naman ay hindi. Ang ilan kasi sa ka-gang ng mga pinsan ay anak lang ng mga ordinaryong mamamayan. Well, hindi naman ganoom ka-ordinaryo, kundi ordinaryo lang kung ikukumpara sa yaman ng mga ka-gang ni Kirth. Kaya naman, wala silang sariling tambayan na matata'wag sa school. Kahit nga sila pa ang pangalawang gang, sumunod sa gang ni Kirth, walang-wala pa rin sila kumpara sa mga ito. "Good morning, Insan Lunes!" masiglang bati agad sa kanya ni Kaeley pagkakitang-pagkakita sa kanya. "Morning!" she greeted back and was about to sit on her chair when she had a glance at the guy on the front seat looking at her. "Ah! Good morning din sa 'yo!" she also greeted the guy back. Kitang-kita niya naman ang mabilis na pagguhit ng gulat sa mukha ng lalaki dahil sa biglang pagbati niya na agad din namang naibalik sa dati nitong walang ekspresyon na mukha. Kahit gaano pa kabilis na palitan ng lalaki ang ekspresyon ay mabilis pa rin iyong nahuli ni Faye. Kaya naman todo ang ngiti siyang naupo sa kanyang upuan at masayang hinarap ang gulat ring mukha ng mga pinsan. "What? Ba't gan'yan kayo makatingin?" tanong niya sa mga pinsan na mas lalo na namang gulat na napatingin sa kanya. "Bakit nga? Ano ba kasi 'yun?" natatawang tanong niya pa sa dalawa. "What's that Insan? Bakit ka nag-good morning kay Kirth? Kailan pa kayo naging close na dalawa, ha?" sunod-sunod na tanong ni Kaeley na hindi na pinansin kung malakas ba ang boses niya at baka naririnig na siya ng iba. "At bakit ang galing-galing mo nang magtagalog Insan? Walang accent grabe!" Kaevyn exclaimed who was still looking at her with surprise. Hearing that, sunod-sunod na napatango naman si Kaeley agreeing to her twin. "Okay, isa-isa lang mga Insan. Mahina ang kalaban," natatawang sabi ni Faye sa mga pinsan na agad namang nakinig sa sinabi niya. Napangisi pa siya sa isip niya nang hindi lang ang pinsan ang nakikinig sa kanya kundi maging halos lahat ng tao sa room ay tumahimik para pakinggan ang sasabihin niya. Hindi man halata na nakikinig sila pero kitang-kita pa rin iyon sa lahat dahil kulang na lang ay palakihin ng mga ito ang mga tenga nila marinig lang lahat ng sasabihin niya. "First question, yes nag-good morning ako kay Kirth dahil nagkaroon kami ng deal kahapon," bago pa man niya maisunod ang susunod na sasabihin ay pinutol na siya ng mga pinsan maging ng ilang kaklase dahil sa kanya-kanyang gulat na reaksyon ng mga ito. "What deal? Kahapon? Paano kayo nag-usap? Bakit kayo nag-usap? Who approached first?" sunod-sunod na namang tanong sa kanya ni Kaeley. "Kirth, anong deal iyon? Bakit nakipag-deal sa'yo si Lunez Faye?" seryosong tanong naman ni Kaevyn deretso kay Kirth. Nanlaki naman ang mga matang napatingin si Faye sa seryosong pinsan at bago pa man makasagot si Kirth, kung may balak man itong sumagot nga ay sumingit na agad siya. "Hephep! Sa amin na lang iyon mga Insan. Anyway, hindi naman iyon ganoon kaseryoso. Just, just don't asked me or him about it," sa huling sinabi ay sinubukan niya pang mas hinaan ang boses niya, feeling a little shy about it. Pinagtaasan lang naman siya ng kilay ni Kaeley samantalang napakunot-noo naman si Kaevyn. Halatang hindi kontento sa naging sagot niya. Pero gaya ng hiniling niya ay hindi na nga nagtanong pa ang mga ito. "At tungkol naman sa pagtagalog ko, it was part of the deal. Kapalit ng hinihingi ko sa kanya, sinabihan niya ako na magsalita ng straight sa Tagalog. Sakto naman na sinabihan ako ni Mom tungkol sa pagsasalita ko ng English," dugtong niya habang nakangiwing napakamot sa gilid ng labi niya. Another gasped was heard around the room. Kanya-kanyang bulungan ang mga nandoon as Kirth's friends were deeply curious kung ano bang favor ang hinihingi ni Faye kay Kirth para mapapayag nito si Kirth kapalit lang ng pagsasalita ni Faye sa Tagalog. While Faye's cousins gasped because of horror. Like how important it was for Kirth to make their cousin speak Tagalog in straight. And it even looks like Faye did a whole night of practice for her to sound good with her Tagalog accent. For them, encouraging Faye to talk in Tagalog is really a hard task, much more pa kaya kung straight Tagalog pa. Sabay na napatingin tuloy ang kambal kay Kirth with a dubious look while Kirth's squad looks at Faye with a fishy look. While the person they are looking at were already manifested in their own world in mind. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD