Isang linggo na rin ang lumipas mula ng magsimula na sila ng kanilang mano-manong training. At isang linggo na rin ang lumipas mula nang magsimula niyang iwasan ang grupo nina Kirth lalo na si Amara. Alam ni Faye na nakakahalata na ang mga pinsan niya sa pag-iwas niya sa kampo nina Kirth at lalo namang nakakahalata na rin sina Kirth sa ginagawa niyang pag-iwas. And it won’t be a good thing if they would ask her about it in the end. Dahil hindi niya alam kung anong dahilan ang sasabihin niya. Maaaring makapagsisinungaling siya kina Kirth if ever na tanungin siya ng mga ito tungkol sa ginagawa niyang pag-iwas, pero ang mga pinsan niya na akala mo ay detective kung makapagtanong sa kanya ay imposibleng mapagsinungalingan niya pa. So before entering the school today, Faye tempered all her e

