Mukhang kahit papaano naman ay marunong namang makiramdam ni Amara dahil matapos noong nangyari sa canteen kanina ay hindi na niya muling nilapitan pa si Faye at in-approach. Pero sa mga sumunod nilang subject ay pansin na pansin niya ang panaka-nakang tingin sa kanya ng babae. Nagtataka man pero inigora na lang iyon ni Faye at mas nag-focus sa pakikinig sa lesson. At parang gustong mapahinga ng maluwag ni Faye ng hanggang sa makasakay siya sa kotse ng kanyang ama ay hindi na nga siya talaga muling nilapitan ni Amara. “You okay?” takang taong sa kanya ng ama na sinilip pa siya mula sa rear view mirror ng sasakyan. Nakangiting tinanguan naman ni Faye ang kanyang ama. “Mas marami lang pong ginawa ngayon sa school kaya medyo napagod ako.” Kenneth nodded his head as he turned the steering

