0000005
Wet
Sa ilang araw o linggo na lumipas simula nang maging kami ni CK, hindi pa rin mawala sa isip ko yung posibleng maging dahilan nang biglaang relasyong ito.
Hindi naman talaga siya biglaan dahil we’re friends… nagkaroon lang ng label at intimate relationship. Hindi pa din ako sanay na bigla-bigla niya akong hinahalikan o kaya inaakbayan – sa school, sa bahay, o kung saan man.
Hello, NBSB. I don’t know anything about relationships.
“Hey, Kryp.” Pumulupot sa bewang ko yung mga bisig niya at bumulong, “Penny for your thoughts?” Nakapatong yung ulo niya sa kanang balikat ko kaya ramdam na ramdam ko yung hininga niya. “What is it with you and your breath? Nakikiliti ako.” I shook my shoulders para umalis siya.
“What? Ayaw mo ba nun? Nararamdaman mo yung napakabango kong hininga. Ang mahal mahal niyan.” Sabay blow ng hangin sa leeg ko. “CK! Alam mo namang malakas kiliti ko sa leeg.” Nilingon ko sya. Pero wrong move, nahalikan ko sya bigla tuloy sa labi. Napabalikwas pabalik yung ulo ko sa harap.
“Alam mo, Loislane, sabihin mo lang kasi na gusto mo nang kiss ako mismo gagawa.” Bigla niya akong hinarap sa kanya. Yung katawan namin aligned sa isa’t isa. Ramdam na ramdam ko yung hardness ng katawan niya. Pati na rin yung hardness nung junior niya. “CK! Hindi naman umaga pero bakit may morning wood ka?” Napatakip ako sa bibig ko. Tinanong ko talaga sya ng ganun? Napa virtual face palm ako dahil nakalimutan kong hindi na ako pwede magjoke ng ganun sa kanya.
Shìt. Shìt. Shìt.
“Bakit? Nakakita ka na ba ng morning wood?” I looked at him mortified. “H-hindi pa ha! B-bakit naman…” I trailed off saka yumuko. Hiyang hiya ako. Narinig ko syang tumawa ng sobrang lakas. “Wag mo akong sinasabihan ng ng ganyan, Loislane. Alam mo bang lahat ng gawin mo turn on para sa akin?
Hindi ko napigilan yung sarili ko’t ibinaon ko yung mukha ko sa muscular chest niya. “Aray.” Napakapa ako sa noo ko dahil feeling ko nauntog ako sa pader. Mas lalong lumakas yung tawa ni CK. Yung tawa na kulang na lang mag-double over sya sa kinatatayuan namin at mahulog sya sa balcony ng condo unit nya na nasa 25th floor.
Bakit pa kasi ako pumayag na sumama sa kanya dito. Pwede namang sa bahay na lang kami. It’s as if I’ll die if my parents are not there. Ilang beses na akong naiiwan, besides may kasama naman talaga ako. Nandun sila Manang although uwian sila, alam ko naman hindi aabutin ng gabi sila Dad. Both my parents, Ate Gwen and Kuya Phil went out. I don’t where dahil naabutan ko na lang na wala sila after ng school ko.
“Bwisit ka, lumayas ka sa harap ko.” Tinutulak-tulak ko na sya para makaalis ako pero hindi pa rin siya matinag. “Sige, tawanan mo pa ako.” Nagpupumiglas ako sa pagkakayakap niya’t pagkakadiin sa concrete ballister pero napatigil ako bigla dahil may naramdaman akong mas lalong tumutusok sa tyan ko. “Oh ano? Pipiglas ka pa? Binibiro lang naman kita. Wag masyadong mainit ang ulo. Meron ka ba ngayon?”
“Wala! At hindi mo malalaman kung kailan ako may dalaw dahil bwisit ka. This time, mabilis na lang akong nakalagpas sa kanya dahil lumuwag yung pagkakayakap niya sa akin. “Lois, malalaman ko rin yun no.” Mahina nyang sigaw dahil nasa may kusina na ako at kumukuha ng malamig na tubig dahil ang init init dito sa loob, samantalang kanina malamig dahil ang lakas ng hangin.
Pero bakit ang pa-demure ko ngayon? Samantalang ako pa yung nagsasabing inis kaming magkakaibigan sa mga pa-demure. Really, Lois, what is happening to you?
Naalala ko tuloy yung pinag-uusapan naming magkakaibigan sa chat.
Yung mga gagawin namin pag nagkaboyfriend kami and whatnot. And yes, it includes those naughty things you can think of. Pero bakit ganito ako ngayon?
“Nakakaisang gallon ka na yata ng nagyeyelong tubig, hindi pa ba masakit lalamunan mo?” Napatalon naman ako bigla na naging dahilan ng pagtapon ng malamig na tubig sa chest ko. “Bakit bigla-bigla kang nanggugulat dyan.” Lumapit naman sya sa akin saka kumuha ng towel sa drawer para punasan yung damit ko. Imbis na malamig, mainit yung nararamdaman ko.
“Bakit nga grabe inom mo ng tubig? May sakit ka ba? May nakain ka bang ano?” nagpapanic nyang tanong, “Bigla kasing uminit. Nakakatuyo ng lalamunan.” Napatingin naman siya sa akin na parang nagtataka. “Ha? Eh centralized air condition tong condo. Gusto mo lakasan pa natin?” habang tinatanggal nya yung upper buttons ng blouse ko. Naramdaman ko yung pagtama ng mainit nyang balat against dun sa part na natapunan ng malamig na tubig Napahawak ako bigla sa kamay niya, “H-hey, bakit mo binubuksan?” Hindi siya nagpapigil hanggang sa makarating sya sa pang-apat na butones.
“You’re wet.” Namula ako sa sinabi niya. Ibang init na yata tong nararamdaman ko, kailangan ko pa ng maraming malamig na tubig. “At hindi matutuyo yung part na natapunan if I’ll dab the cloth on your blouse which is wet, too. Anong logic dun? Hindi na tayo natapos pag ganun.” Patuloy lang sya sa pagpunas at patuloy lang ako sa pagtingin sa kanya.
Here I am standing at the center of his condo’s kitchen, leaning on the marble top breakfast counter with half-opened blouse, his big hands on mine – what the fruck am I doing? Staring at him.
He’s so hot, I’m feeling hot. Oh goodness, patigilin mo na sya. “Oh ayan, you’re dry already.” Yung lalamunan ko, mala-Sahara desert na sa tuyo. “May shirt naman yatang kasya sayo dun sa closet ko –“ napatigil sya’t napatingin sa akin. Nakayuko sya sa akin, ako naman nakatingala sa kanya. Mas matangkad kasi siya sa akin. I saw his eyes get darker in shade. Naging dark chocolate na din ang mga kulay nito. Pareho kaming napatingin sa labi ng isa’t isa.
“Please stop licking your lips.” Napapikit niyang sabi sa akin. Wait, did I licked my lips? “Loislane Amya.” He’s voice got huskier. My eyes went wide. Nagbukas-sara lang yung bibig ko na parang isda dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Bumalik yung tingin ko sa mga mata niya.
“Loislane….” Bago ko pa man mapigilan, bigla na lang niya akong hinalikan. Nakahawak yung dalawang kamay niya sa leeg ko. I felt his tongue exploring the insides of my mouth. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod at hayaan sya dahil mukhang literal na natutunaw yung mga lamang loob ko.
I circled my arms around his neck and clutched onto his hair. Kailangan ko nang kakapitan dahil baka matumba ako. He deepened the kiss and I can feel myself getting out of breath.
Good thing he moved away – but not really, he planted kisses on my jaw going towards my neck. Napa-bend yung ulo ko to give him more access.
Is this it? Is this really is it, is it?
I gasped once more nang maramdaman ko yung kamay niya sa tummy ko. Shìt, nakakakiliti. Nakapasok na pala yung kamay niya sa loob ng blouse ko. Nawala na rin sa isip ko na half-opened pala ang mga ito.
Bumaba ang kamay ko sa mga braso niya. Hindi ko mapisil kaya lumipat ako sa chest nyang kasing tigas ng pader. Ang sarap tanggalin nung shirt niyang hapit sa muscles niya para ma-feel ko nang bare yung chest skin niya.
He gave my neck one last kiss before going back to my lips. This time malumanay na lang yung paggalaw niya hanggang sa magkalapat na lang yung labi namin. Inangat nya yung ulo niya at pinagdikit yung noo namin. “Loislane, we must stop. If we continue this, I know you’ll just it after.” But why do I regret stopping? Gusto kong sabihin sa kanya.
He gave my lips one last lingering peck and led mo to his room and gave me one of his shirts. “You should get dressed, hindi natuyo yung damit mo yung part lang nabasa sa chest mo yung napunasan ko.” Tinanggal niya ng buo yung blouse ko, “CK! Tumalikod ka nga! Ako na!” Itinulak ko sya patalikod pero nakita kong nakangiti sya bago niya gawin yun. “Nakita ko na kaya, it’s forever etched on my mind.”
Namula yung mukha ko. Nakaharap kasi pala kami sa salamin kaya kahit na nakatalikod sya sa akin, nakikita pa rin niya ako. Damn.
Sumimangot ako at dali-daling isinuot yung t-shirt nyang kasimbango niya.
Natawa sya saka iniabot yung kamay niya para kunin ko “Puntahan natin sila Jett at Gray. Naghihintay na yung mga yun sa shooting range.”
Can this day get any hotter? And yes, he knows how to handle guns and shoot some bullets.