00000029 Valley of light, star “Ck, kumain ka muna.” Lapit sa akin ni Mommy. Umiling lang ako at nagpatuloy na tumingin sa harapan ko. I can see people approaching the coffin every second. They were all wearing black – downcast expressions on their faces. Marami akong naririnig na nagpapaabot ng condolences nila. Pinag-uusapan din nila yung dahilan ng lahat ng ito. Pero wala akong pakialam. I’m sitting here wearing a button up white shirt. Hindi ko alam kung anong itsura ko dahil ilang gabi na akong hindi makatulog. Apat na araw na simula nung araw na yun – June 25, 10:35pm Nadala na rin sa Manila yung remains nya. Dito sya sa Manila nakaburol, at dito rin siya ililibing. Last night na ng wake ngayon dahil ayaw nang patagalin pa ng family ni Loislane. Sino ba namang may guston

