0000009 Fuck being late "Manong sa mall po tayo," sabi ko sa taxi driver pagkasakay ko. Papunta akong mall ngayon kasi gusto kong mag-gala. Wala akong magawa sa bahay. Naubos na ang pwedeng panoorin at nakakasawa naring mag-f*******: at twitter. Wala namang gusting sumama sa akin dahil pare-pareho silang tinatamad. Kung kailan ako ginanahang umalis saka ayaw nilang umalis. Mga bwisit. Nagulat ako nang may marinig akong tumutunog. Tiningnan ko yung phone ko dahil wala namang ibang tutunog na parang may tumatawa kung hindi yung phone ko, or pwede rin yung phone ni Manong, at nang makita ko yung phone ko tumatawag nga si CK. "Bakit ganito yung ringtone nito? Ang corny corny mo." Simula ko sa kanya. Walang hello-hello dito. "I love you, Kryp." Bati niya sa akin. Laging ganyan ang bunga

