00000016 Never give up on you Nakarinig ako ng ingay mula sa kung saan kaya naalimpungatan ako sa pagkakatulog ko. Napakabigat man ng mga mata ko pinilit kong dumilat kaya napansin kong kong nakabalot ako sa kulay dark blue na comforter at nakasiksik sa isang sulok nung bed. Mukha akong naka-cocoon. Teka… hindi dark blue ang comforter ko – color red yung akin! Hindi ko kaya bumangon bigla kaya dahan-dahan akong lumabas dun sa nagsilbi ko cocoon kagabi at sa pagbangon ko naramdaman ko yung sakit ng ulo ko. Dahil ba to sa nainom ko o dahil naulanan ako? Grabe lang yung pagsang-ayon ng langit sa kalagayan ko ngayon. Nakita ko yung kalagayan ng panahon sa pamamagitan nung bintana sa harap ko. Napatingin ako sa alarm clock sa tabi ko at ang sabi dun, 8:58am na. Tiningnan ko ulit yung la

