00000018 Top “Loislane? CK?” narinig kong tawag ni Mommy sa may pintuan ng kwarto ko. Dali-dali kong pinunasan yung luha ko para tingnan sya. Sabay kaming lumingon paharap kay Mommy. “Yes, 'My?” Nakita ko syang nakahawak sa dibdib nya at nangingilid yung luha sa mata. “'My? 'My, bakit?” kinabahan ako. Tumayo ako sa pagkakayakap ni CK at lumapit kay Mommy. Umiling sya sa akin at huminga ng malalim. “I’m just happy na ayos na kayo ni CK.” Niyakap niya ako at pinat yung likod ko. “Mommy! Akala ko kung bakit, yung puso ko grabe yung kabog oh.” Hinarap ko ulit si Mommy dahil akala ko talaga may nangyari ng masama. “Tawag kayo ni Daddy mo sa garden.” Sabi niya sa akin at humiwalay sa kapit ko. Naramdaman ko sa likod ko si CK at humawak sya sa bewang ko. “Sige, Tita. Susunod kami.” Sya y

