EPISODE 43 SABINA VERONICA’S POINT OF VIEW. “SIGURADO ka ba talaga na hiwalay na kayo ni Caden, Veronica?” Kumunot ang aking noo at napatingin ako sa aking pinsan na si Oceania. Dahil binigyan ako ng day-off ni Caden sa pagbantay sa anak namin na si Owen, tinawagan ko si Oceania at niyaya ko siyang gumala. Pumunta kami sa spa ng aking pinsan, punta rin kami sa salon at katatapos lang din namin manood ng palabas sa sine at ngayon ay pumunta kami sa isang Spanish restaurant upang kumain dahil nagutom kami sa aming ginawa. Nandito na rin kami sa restaurant upang mag kwentuhan na rin. Buti na lang at walang trabaho si O ngayon kaya sinamahan niya ako. “Of course, O. Nakita ko ‘yung papeles na annulled na talaga ang kasal namin ni Caden,” seryoso kong sagot sa kanyang tanong. Tinaasan niy

