EPISODE 70 GIDEON CADEN’S POINT OF VIEW. “WOW! Second baby na, ah? Inunahan mo na naman ako.” Bahagya akong natawa sa sinabi ni Aiden sa akin. Nandito kami ngayon sa bahay ng aming mga magulang upang ma celebrate namin ang pagbubuntis ng aking asawa. Masayang-masaya si Mom ng sabihin ko sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis ni Veronica. Wala pa kasi silang maaasahan kay Aiden dahil magulo pa ang relasyon niya sa kanyang asawa. Si Chantal naman ay kasalukuyang pang nagpapagaling sa hospital dahil sa kanyang paa. Sa ngayon ay ako pa lang ang nakakapagbigay ng apo kay Mom at Dad. Nginitian ko si Aiden at tinapik ko ang kanyang balikat. “Darating din ang panahon na magiging Tatay ka rin, Aiden,” seryoso kong sabi sa kanya. Bumuntong-hininga siya at tumango. “Mahirap ba maging Tatay?” se

