EPISODE 67 SABINA VERONICA’S POINT OF VIEW. KAMI ni Caden ang nag asikaso sa burol ni Stacey at sa mga kailangan pang gawin dahil wala na siyang pamilya. Pumunta ang mga kakilala ni Stacey sa kanyang burol at bahagya akong nagulat ng makita ko ang kanyang ex-husband na tinutukoy ni Aiden sa akin at ang sinabi ni Stacey na asawa niya na iniwan siya nang malaman nitong may sakit siya. “Anong ginagawa niya rito?” tanong ko habang matalim pa rin na nakatingin sa lalaking hilaw na naglalakad papunta sa kabaong ni Stacey. “He wants to see, Stacey, love. Let him see her for the last time. He deserves to suffer for what he did,” seryosong sabi ni Caden na nasa aking tabi. Hinawakan niya ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya at sumandal sa kanyang balikat. Pagkatapos ng burol ni Stacey

