EPISODE 40 SABINA VERONICA’S POINT OF VIEW. Cayden Owen Santiago Coleman… iyan ang pangalan ng anak namin ni Caden. Hindi ako makapaniwala na si Caden ang pipili ng pangalan na Owen. Matagal ko nang inisip na Owen ang gusto kong ipangalan sa anak ko—noon pa na high school pa ako nakapag-isip sa pangalan na iyon, nang maging mag jowa na kami ni Aiden. I want to name my baby boy Owen because it’s a great name and it also has a meaning. Nasa notebook ko ‘yun noon kung saan nakasulat ang mga pangalan ng magiging anak ko. “Ang cute ng apo ko! Manang-mana sa akin,” sabi ni Mommy habang buhat niya ngayon si Owen sa kanyang bisig. Kanina pa niya karga si Owen at hindi ito mabitawan ni Mommy dahil tuwang-tuwa siya. Gusto ko na nga sanang kunin dahil ipapa breastfeed ko na siya eh. Pero hindi pa

