Chapter 23 - Lux Sun Raue's Point of View Naramdaman ko ang paghapdi ng leeg ko dahil mayroong dumadampi doon. Dumilat ako at nakita ko ang Mafia Prince na inaayos ang kung ano sa leeg ko, malapit ang mukha sakin. Tumaas ang tingin niya sakin at nakita ko ang panlalaki ng mata niya nang makitang gising ako. "Lux you're awake. Damn!" Mahinang sabi niya tsaka ako niyakap ng mahigpit. Nanlaki din ang mga mata ko sa ginawa niya. Tinawag niya na naman akong Lux. "H-Hey Mafia Prince, I can't breathe!" Sabi ko kaya kumalas naman siya agad. Nakita ko ang lawak ng pagkakangiti niya. "How are you feeling?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko dahil hindi mawala ang ngiti sa labi niya. "I'm okay." Maikling sagot ko. Ginulo niya ang buhok niya. "One week kang tulog. God! I missed you." Nalaglag

