Chapter 14 - He likes her Sun Raue's Point of View Pagkatapos kong maglinis sa MPQ lumabas na agad ako baka mautusan na naman ako eh. Papunta ako ngayon sa classroom, papasok ako. Namiss kong matulog sa klase. Pagdating ko don hindi na ako kumatok, binuksan ko na agad yung pintuan. Tumahimik ang buong klase at nagtinginan sila sa'kin. "Ms. Montereal why are you here?" Tanong ng professor sa harap. "Papasok ako malamang." Sabi ko sa kanya. Dire-diretso akong naglakad papunta sa likod kung nasaan ang upuan ko. Pero nakita kong may nakaupo doon, hindi ko makita ang mukha dahil nakadukdok siya sa desk. Ang lakas naman ng loob niya para umupo sa upuan ko. "That's my seat. Get out." Sabi ko sa lalaki pero parang wala siyang narinig dahil hindi man lang siya gumalaw. Tulog ba to? Tahimik lan

