Chapter 20 - Opponents Sun Raue's Point of View Nagsisigawan na ang mga tao pagdating namin ng Arena. Nakaupo ako sa pinakataas nito, hindi ko katabi si Dawn Lewis dahil nauna ako sa kanyang ipunta dito pero katabi ko ang mga nanggaling din sa Death Jail. Nakaposas kaming lahat at nakatayo lang sa likuran namin ang mga lalaking nagdala sa amin dito. Seryoso lang akong nagmamasid sa buong arena. Sobrang laki nito na pinuno ngayon ng iba't-ibang Mafia Families na sa tingin ko ngayon ay mga nagpupustahan na kung sino ang mananalo sa nakatayong si Lumbridge at lalaking naka ninja attire na nakatayo sa gitna nitong Arena. "Si Grun pala ang unang makakalaban ni Lumbridge. Sana makayanan niya." "Kaya niya 'yan. Napatay niya nga ang anak ng isang mataas na Mafia Family, si Grun pa kaya?" Dini

