Chapter 31 - Zrach Sun Raue's Point of View I love him. Iyan lang ang nasa isip ko sa mga oras na 'yon. At wala akong pinagsisihan sa nangyari, sa ginawa namin kagabi. Masaya ako na naibigay ko sa kanya ang una ko ng buong puso at walang halong pag-aalinlangan. Mahal ko siya... Mahal na mahal ko din siya. Bumaling ako sa kanya na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Napangiti nalang ako habang inaalala ang buong nangyari. We made love! Yes, we did it. Tinitigan ko ang siya na para bang kinakabisa ko ang mga detalye ng bawat sulok ng mukha niya. His flawless face, thick eyebrows, long curvy eyelashes, pointed nose, red kissable lips, perfect jaw line, black messy hair... Those perfect features of him. I will miss it... I will miss every bit of him... I will miss everything about him.

