CHAPTER EIGHT:

2433 Words

NAPAKAPIT sa handle ng sasakyan sa upuan si Harris. "Ayaw ko pang mamatay! I still love my life. Baka maaksidente tayo o kaya ay maharang ng pulis. Hindi na ako titingin at ngingiti sa iba, huwag ka lang magselos!" natutulirong sabi nito. Natakot siguro dahil baka ibangga niya ang sasakyan. Napapreno siya ng mariin. Muntik na ngang humalik ang mukha ni Harris sa windshield ng sasakyan. "Excuse me! Hindi ako nagseselos. Kahit sampu-sampo pa ang ngitian o lapitan mo. Maninigas muna ako bago mangyari iyon. Kapal talaga ng mukha mo!" naiiritang singhal niya. Kumambyo siya at muling minaniobra ang sasakyan saka diretso ang tingin sa daang tatahakin. "Sige na, sige na. Bahala ka kung ano ba talaga ang iniisip o nararamdaman mo. Hindi na kita pipiliting mapaaming nagseselos ka." Kahit itago

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD