CHAPTER FOUR:

1704 Words
NASA tapat na nilang dalawa ang kontratang nais mangyari ni Saña, itinapat niya ang laptop rito kung nasaan ang kontrata. “I have only three rules here, Mister Harri Ortiz Alejandre. Rule number one, make me pregnant in one month. Ibig sabihin, isang buwan lang ang itatagal ng relasyon natin. Once I got pregnant, then the contract is done. At fully finished na ang kaugnayan natin sa isa't-isa." "Paano kung—" Hindi niya ito hinayaang magsalita at kaagad niyang pinutol. "Rule number two, no strings attached. Meaning, walang pakialamanan ng may buhay nang may buhay. Kung ano ang nasa kontrata, iyon lang ang dapat nating pag-usapan. I'm sure naman, you want your privacy hidden, as well as mine. Private life leave privately." Saka niya inilipat ang pagdekwatro sa kabilang hita. Nagpatuloy siya. "And the most important rule is rule number three. Don’t fall in love to each other. Because it is toxic and deadly.” Pinasadahan pa niya ito ng tingin. Habang ito naman ay prenteng nakaupo lang at nakapahinga ang dalawang brasong nakadipa sa magkabilang head rest ng sofa sa tapat niya. “What happens if I break one of your rules?” “Let’s never meet up and forget that it never happens.” "Hmm...sounds good. But that contract only pertains to you. Let's revised it and include mine. That would be fair enough, right?" Kahit napipilitan ay wala siyang magagawa. Ito ang unang beses na magre-revise siya ng bagay na nagawa na niya. Before putting everything in writing and in action, she's making sure all are planned well. No tousle, no hassle. No loop, no hole. All are arranged and organized. Because she believes that there is no room for error. That's why before sending or making a presentation, all are planned and thoroughly reviewed and studied. She doesn't want to and never wanted to repeat anything she has already done. She doesn't want to repeat herself either. Napakuyom ng palad si Saña, halata ang pagkadisgusto sa mukha niya. "Fine! May choice pa ba ako?" "Bakit parang napipilitan ka lang? Lahat ng ginawa mong rules ay para sa iyo lang." "Natural! Ako ang magbabayad sa iyo, kaya ako ang masusunod." "I only have two rules. And my name is Harris Ortiz Alejandre." "Wala akong pakialam. Pasalamat ka pa nga at maayos ko pang natatawag ang pangalan mo at isang letra lang ang kulang. Do you rather call you, p*****t, donkey, animal or jackass?" Napalunok ito sa sinabi niya. "Yeah, mas okay ngang isang letra lang ang kulang," pagpayag nito. Kung hindi ito papayag ay hindi siya magdadalawang-isip na tawagin ito sa mga nabanggit niyang nais talagang ipapangalan. Bagay na bagay ang mga ito sa bwisit na lalaking ito na ngayon pa lang ay sumisira na sa araw niya. Hindi na siya dapat magdalawang-isip pa lalo na at nasa harapan niya ang lahat. Masyado na ring malaki ang oras na masasayang kung aatras pa siya. "Bilisan mo na. Ano pa ang gusto mong ipadagdag nang matapos na tayo?" naiinip na tanong niya saka pinaikot ang eyeball ng mga mata. "Don't worry, it will only have two additional. One, if within a month, you're still not having your baby, let's extend it. And last, I will not be going to take the full payment but I want you to do one thing for me before our contract ends. If I fall in love first, I'm willing to return everything and cut the connections between us. Magpapakalayo-layo ako para sa ikatatahimik mo." Malapad ang ngiting agad na pumayag siya. "Well done. I like your suggestions. Sige, let's revised the contract and I will ask my assistant to print it for us." Hinila niya ang laptop at inabot rito. "Marunong ka naman sigurong mag-type. Kaya gawin mo na para ma-finalize at mapirmahan na natin." Saglit lang ay nai-type na nito ang nais ipadagdag sa kontrata. Nang matapos ay ibinalik na nito sa kanya ang laptop. Hinila ni Saña ang phone sa bulsa at nag-dial ng numero. Lumabas ang pangalan ng kanyang assistant coordinator, si Harlene Montelibano. "Harlene, I want you to print something for me. I will send the details in your private email then print it hiddenly and delete everything you have afterward." "Yes, ma'am." Sinulyapan muna ni Saña ang suot na Cartier watch. "After seventeenth, I will drop by today at the back of the hotel and bring me the paper." "Yes, ma'am." Pagkababa niya ng phone ay tila nang-aasar na naman ito sa kanya. "Iyang bang assistant mo ay maaasahan? I thought you wanted everything in private?" "Hindi ako nagdududa sa kakayahan niya. I retained her because she deserves it," pagtatanggol niya sa assistant. How she would want to ravage that grimace off his face after she uttered those words. If she could, she would love to. Huminto din naman ito sa pagngisi nang may marinig. "What was that?" "Alin? Wala naman akong nari—" Napahinto din siya sa sinasabi nang sa kanya nanggaling ang sinasabi nito. "Have you eat lunch?" Oo nga pala, hindi pa siya naghahapunan. At pasado alas kwatro na kaya nag-iingay ang tiyan niya. "Nevermind. Sa labas na lang ako kakain." Tumayo si Harri at hindi pinansin ang sinasabi niya. Dumiretso ito sa kusina na apat ang doble sa liit kaysa sa kusinang mayroon sila sa bahay. "Damn! Why you don't have anything here? Wala kang fridge, may stove pero walang gas at wala ka ring food supplies!" gulat na halos sigaw nito. Hindi tuloy niya malaman kung naiinis ito o sinadya nitong magalit sa kanya? "Kung gusto mo, ikaw ang bumili." "Wala ka bang balak pakainin ako, o gusto mong mamatay na lang tayong dalawa sa gutom?" nagpapakaawang sabi nito. Nilapitan niya ito at tinarayan na naman. "Kung gusto mong magpakamatay, ikaw na lang. Huwag mo na akong idamay. Kaya ko namang lumabas para kumain." "Sa anyo mo, mukhang hindi ako ang magpapakamatay kundi ikaw. Nagpapalipas ka ng gutom, you have the money and you can buy anything you want. Pero hindi mo naman ginagawa. Sayang lang ang pera sa'yo." Kung magsalita ito ay parang malaking bagay ang nawala rito at malaking perang pinanghihinayangan. "Bahala ka kung anong iisipin mo. Aalis muna ako para mananghalian at didiretso na ako para kunin ang agreement so we could sign it today. Siguraduhin mong wala kang papapasuking kahit sino sa pamamahay ko kung ayaw mong ipakulong kita, Alejandre." Narinig niya ang bulong nito. "Kanina kulang ng S ang pangalan ko, ngayon ay surname na lang ang tawag sa akin." Narinig niya iyon pero hindi na lang niya pinansin. Kaagad na kinuha ni Saña ang bag at dumiretso palabas para puntahan ang sasakyan. Ihihinto na lang muna siguro niya sa isang Restaurant malapit sa bahay na ukopado niya para kumain. SA ISANG maliit na Korean restaurant niya hinimpil ang sasakyan. She don't feel like eating in a smaller side store like carinderia. Hindi bagay ang image niya at mas lalong nakakahiya lalo pa at pinaalam na niya kay Harlene na nakabakasyon siya. Kung anuman ang mga mahahalagang bagay patungkol sa hotel ay hihingi na lang siya ng email update. Below one thousand pesos ang nabayaran niya, good enough that she wanted to keep her savings thrift as possible. Umibis na rin siya ng sasakyan at agad tumungo sa hotel nang mapansing lampas kinse minutos na mula ng sumapit ang alas sinco ng hapon. She dialed Harlene's number just to check if she already arrived. "Mabuti at nandiyan ka na. Give me another fifteen minutes to reached you." Pagkasabi ay pinatay na rin niya ang phone at nag-focus na sa pagda-drive para makarating sa lugar. Ayaw niyang may maghinala lalo pa at alam ng iba ay naka bakasyon siya sa probinsiya. Mahirap ng madawit pa ang pangalan niya at maeskandalo. Bago pa tuluyan niyang ilapit ang sasakyan ay naabot na ng tingin niya ang nakatayong assistant. Halos dalawampung dipa ang layo ni Harlene mula sa Hotel, sapat na para tuluyan niyang ilapit dito ang sasakyan nang walang nakahahalata. Nag-text siya kay Harlene na sumakay kapag nakita nito ang itim niyang sasakyan na ginawa din naman nito nang matanaw siya. "Ma'am, heto na po ang pinaprint n'yo," sabi nito sabay abot ng brown envelope. "You did making it two copies and didn't even try to read it, didn't you?" "I did what you have told, Ma'am. Burado na rin po sa email o maging sa PC ko pati sa recycling bin ang lahat ng detalye." "Good. I did making it PDF para hindi iyon mabago. It is a very important document." Binuksan niya ang envelope at sinilip iyon. All are good, everything fixed the way she wanted to be. "By the way, today is my flight for a province vacation, sinadya lang talaga kita dahil kakailanganin ko ang travel document na ito para sa flight ko," dahilan niya para hindi ito maghinala. She knew that it wasn't a nicer decision to ask someone from the Hotel to print that out especially if that is really a private thing. But she can still make it as a test for Harlene. And by that, she can easily be defined if Harlene's loyalty is with her. "Okay, ma'am enjoy your flight and vacation. I will update you by email from time to time." "If something happens, call me up or text me rather. Whatever about the Hotel, I will come quickly especially if it is urgent." "Yes ma'am, very clear po. Babalik na po ako at may kailangan lang tapusin." "By the way, don't forget to send an email weekly report of your accomplishment, and please do remind the others during line-up for their monthly accomplishment report." "Yes, ma'am. Sige po, bababa na ako ng sasakyan." "Okay." She started the engine again and turning it back to her house. Mukha namang hindi natutuwa ang hitsura ni Harlene dahil may pinagawa siya. But whatever she asks, she should obey. Especially, when she's under her supervision. And her title is assistant coordinator of a Sales and Marketing Director. Kahit pa baliktarin ang mundo, isa pa rin siya sa may katungkulang dapat lang sundin. Dahil rush hour at traffic pa, pasado alas siete na siya nakarating sa bahay niya lalo na at sa Pasay pa siya nanggaling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD