Chapter five

2130 Words
Yna's Pov "My love, labas naman tayo oh." Na ningkit ang singkit kong mata sa sinabi niya. "Nasa labas na tayo." Sagot ko, papasok na kasi kami sa School. "Hindi yan. I mean, date tayo." Naka nguso niyang saad. Pansin ko lang, nagiging hobby na niya ang pag nguso. "Aethan, I have more class to go in." At saka, kaka date lang namin ah. "Please!! Ako nang bahala sa kanila. date na tayo please!!" Ganito ba siya sa ibang naging Girlfriend niya? "Aethan, we have more time to do that. Hmmm... On saturday, sunday. That's Our Free Time, kahit buong araw pa tayong mag kasama, hindi ako aangal. Wag lang ngayon. Or maybe later? After Class?" Ngumiti ako nang napaka lapad sa kaniya. Ngumiti naman siya, at alam kong pilit yun. "Wag ka nang mag tampo, promise babawi ako sayo." Saad ko habang naka taas ang kanan kong kamay. "Fine! May utang ka sa akin ah!" Napatawa naman ako, para siyang bata! "Opo!" Sagot ko. CARLO POV Honestly, I'm not a gay. I'm just pretending to be close with Yna. I'm in love with her. And the only way that I know to be with her is to pretend to be a gay. Pero, kabaligtaran ang nangyari, dahil imblis na siya ang mahulog sa akin ako ang mas lalong nahulog sa kanya. Hindi siya mahirap mahalin. At napaka simple niyang babae. Binigay ko ang lahat. Pasimple akong dumidiskarte para hindi niya mahalata. Yung bulaklak na binigay ko sa kanya, sa akin talaga nanggaling yun. Yung mga chocolates na Hindi man niya sinasabi sa inyo, ako talaga ang nag bibigay nun at hindi ko lang pinaalam. I know, mali ang ginagawa ko, kaya ako na mismo ang naiwas. Huwag lang talaga siyang sasaktan nang mokong na yun! Dahil aagawin ko siya at Hindi na ibabalik pa. F L A S H B A C K "Usapang lalaki. Mahal mo ba si Yna?" Seryoso kong tanong kay Aethan. "Bakit ko sasagutin yan?" Aba! Mayabang pala talaga ito eh! "Because I care For her! At kung sasaktan mo lang siya! Layuan mo na siya ngayon na!" Saad ko. "Bakit hindi mo sabihin yan sa Sarili mo?" Mayabang niyang Saad. Sasapakin ko na sana nang dumating si Ella. "Ano ba! Para kayong mga bata! Tigilan niyo na nga yan!" "I warned you!" Banta ko pa. E N D O F F L A S H B A C K "Carlo! Tara! Nood tayo nang movie." Yaya ni Yna. Alam niyo naman na kami lang dalawa dito sa Apartment diba? Pero, never akong nag isip ng masama sa kaya dahil I RESPECT her. "Kukuha lang ako nang pag kain." Sagot ko. Pagkatapos kong kumuha nang pagkain, agad naman akong pumunta sa Sala. "Here!" Inabot ko sa kanya yung Pop corn. Agad naman siya tumanday sa balikat ko. Kung titignan kami ngayon, para kaming mag couple. Pero hanggang panaginip na lang yun. Alam kong mahal na rin niya si Aethan. At ang lalong masakit ay, alam ko na yun pero pinag pipilitan ko pa ang sarili ko sa kanya. "Carlo." Napalingon naman ako sa kanya kahit hindi ko nakikita ang kabuuan nang mukha niya. "Alam mo ba, nahuhulog na ang loob ko kay Aethan. Mahal ko na nga siya eh. At hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya." Sumeryoso ang kaninang naka--ngiti kong labi. "Bakit mo siya nagustuhan?" Tanong ko. Curious kasi ako, dahil sa maikling panahon na naging sila nang walang dahilan eh, mahal na niya agad. "Dahil tuwing kasama ko siya, nararamdaman ko na mahalaga ako, at importante ako. Sa kanya ko lang naramdaman ang totoong pag ma--mahal, sa bawat araw na kasama ko siya pinararamdam niya sa akin na may dahilan para mabuhay pa ako sa mundong 'to. He feel me that I deserve to be loved." Sana kung ako lang yung minahal mo, mas ipararamdam ko sayo na ikaw ang pinaka magandang tao at pinakamagandang regalo na ibinigay sa akin nang panginoon. "Ganern? O sige! I will always make your days, memorable!" Naka ngiti kong saad. "Umamin ka nga! Bakla ka ba talaga? Type mo ako no?" Nang aasar niyang saad. Kaya nangapa ako ng sasabihin. "Hindi no! Yuck!" Hindi, dahil mahal kita, hindi kita type kasi Match tayo. "So? Si Aethan talaga ang gusto mo?" Sinusundot niya pa ang tagiliran ko. "Hindi no! Yuck! Mas di hamak na gwapo ako sa kanya." Natawa naman siya. Buti na lang hindi siya nakakahalata. "Grabi ka! Gwapo kaya si Aethan! At saka! Hoy! Boyfriend ko ang sinasabihan mo! My love ko yun!" Ouch! It's hurt you know! Kailangan bang ipag diinan at I emphasized pa ang My love ko? May nasasaktan naman dito oh! "Kumain ka na nga lang." Sinubo ko sa kanya ang pop corn. Sana lagi kaming ganito, yung tipong Close kami, yung walang ilangan at higit sa lahat walang Istorbo. ------DING DONG------- And speaking of istorbo. "Ako na!" Dali dali namang pumunta si Yna sa pinto. Kitang kita ko kung sinong istorbo ang dumating. Hanggang dito ba naman aagawin niya yung moment namin! "Aethan! Anong ginagawa mo dito? Eh, anong oras na ah." Tanong ni Yna. Pagkapasok ni Aethan dito sa Apartment. "Hindi ako maka tulog eh. Tara, date tayo." Yan ba ang style niya ang laging makipag date? Eh, kung sapakin ko kaya siya para makatulog siya. Tss... Dis--oras nang gabi nang I--istorbo. "May bukas pa kayang restaurant?" Tanong ni Yna. Nakikinig lang ako sa usapan nila. Tss... Nakaka walang gana! "Akong bahala." Nakangiti nitong saad. Tsss... Pasikat. Ang sarap pumatay ng panget ngayon. "Sige, hmm... Mag bi--bihis lang ako." Mag lalakad na sana si Yna para ata mag bihis nang hawakan ni Aethan yung braso niya na ikinainis ko. "Wag na, maganda ka kahit anong isuot mo." Tss... Bolero! Akala mo talaga totoo! "Aethan! Naka pantulog po ako." Hirit ni Yna. Kaya nga! Naka pantulog na siya! Dahil matutulog na siya nang mang istorbo ka. "Hehehe, sige po my love. I'll wait you." Tss... Napatingin naman sa gawi ko si Aethan. Binigyan ko lang siya nang walang kagana ganang tingin. Ilang minuto ang lumipas nang bumaba si Yna. She's so pretty. "Let's go?" Tanong ni Aethan. Tumango naman si Yna. Pero bago siya maka alis, may sinabi pa siya sa akin. "Wag mo na akong hintayin, may dala naman akong susi." Binigyan ko na lang siya nang isang ngiti. Bakit ba pinanganak pa ang lalaking yan? Panira! Narinig ko ang tunog nang sasakyan ni Aethan. Alam kong umalis na sila. Agad naman na akong tumayo at kinuha ang susi nang Kotse ko, para sundan sila. Malay' ba natin na baka may gawing masama ang mokong na yun kay Yna. Sa ganito tumatakbo ang oras ko, ang sundan si Yna. Para masigurong ligtas siya. Huminto sila sa isang sikat at mamahaling restaurant. Kaya tumigil ako sa hindi kalayuan sa kanila para hindi rin nila ako makita. Nang makita kong bumaba sila, bumaba na rin ako sa sasakyan ko. Halatang pinag handaan niya. Dahil masyadong organisado ang bawat paligid. Hindi nga maipag kakailang sweet siya, pero hindi ko parin gusto ang existence niya. Nakikita ko ang saya sa mukha ni Yna, na alam kong hindi ko maibibigay hanggat nandiyan si Aethan. Nakita kong nag uusap sila, at kinikilig si Yna na hindi ko alam kung maiinis ba ako o ewan. Pero ang mas lalong nag pabigat sa kalooban ko ay nang halikan ni Aethan si Yna sa labi. P*tang ina! Umalis na lang ako dun, dahil baka kapag hindi ko napigil ang sarili ko ay baka makapatay ako. Bullshit! Bakit ba kasi sumunod pa ako? Eh! Alam ko namang masasaktan lang ako! Daig ko pa ang na broken hearted dahil sa nararamdaman ko ngayon. YNA's POV "Baka masanay ako nito." Saad ko kay Aethan. "Kung kinakailangan, bawat araw o sigundo gagawin ko ang mga bagay nato para pakiligin ka. Gagawin ko at mas gugustuhin kong masanay ka para lagi ko akong hanap hanapin." Ngayon palang KINIKILIG na ako ikaw ba naman, makasama mo ang isang lalaking gwapo na eh! Sweet pa. Halos perfect guy na nga kung tawagin. "Kinikilig ka lang eh." Napayuko naman ako. Nakakainis naman eh! Feeling ko tuloy na mumula ngayon yung pisngi ko. Napatingin naman ako kay Ethan na may hawak na isang red rose, ibinigay naman niya sa akin yun. Pansin ko lang, hindi ba kami pwedeng mag date na kami lang? Lagi niyang buntot yung mga kaibigan niya. Hindi na ako nag salita nang ibigay sa akin yung red rose. Sunod namang lumapit si Vincent. Tinanggap ko rin ito, ganun din yung ginawa ni John at Si besie? "Oh! Ang haba nang hair mo!" Natawa naman ako sa sinabi niya. Natawa ako kasi pinaalis ni Aethan si Besie. Bastos talaga hahaha... "Here." Inabot sa akin ni Aethan ang Limang Red Roses. "Happy five days--sarry. My love." Napangiti naman ako nang malaki. Inaya niya ako sa gitna kung saan malaki ang space. Nilagay niya ang Kamay ko sa balikat niya, at hinawakan niya ang bewang ko. Parang may kung anong lumilipad sa Tiyan ko. "Blessed Five days--Sarry!" Naka ngiti kong saad. Sumasayaw lang kami habang natugtog ang love music, hindi ko kasi alam ang title, pero maganda yun at bagay na bagay sa moment namin. "Sa five days na mag kakilala tayo at mag on, ngayon ko lang nalaman ang totoong kahulugan nang pag ibig." Saad niya. Seryoso lang akong naka tingin sa kanya, habang nag sasalita siya. Ang sarap kasi sa pakiramdam na may taong nag co--confess sayo, lalo na kapag ang taong mahal mo yun. "At sa five days na yan, natuto akong mag mahal." Akala mo ba ikaw lang? Eh! Nang dahil sayo, handa akong masaktan dahil ganun kita kamahal! "Sa five days na yan---" nag alala naman ako nang bigla siyang huminto, at pumikit. "Bakit? May problema ba?" Tanong ko. "Wa--wala. Nahilo lang ako." binigyan niya ako nang ngiting Assurance. "Umupo na nga tayo. Napapagod ka na eh! Hahaha..." umupo na naman na kami. Pag tapos naming umupo, kumain kami. Napapansin ko ngayon na parang uneasy niya. "May problema ka ba? Gusto mo bang umuwi na tayo para makapag pahinga ka?" Tanong ko. "Ah? O--okey lang ba sayo M-- Ma--" tumango na lang ako. Ewan ko, pero kinakabahan ako sa kinikilos niya. "Hatid na kita." Tumanggi naman ako, may pupuntahan pa kasi ako. Nag text kasi si Carlo, gusto niyang makipag kita. Parang kanina nga lang mag kasama kami eh. "Hindi na, may pupuntahan pa kasi ako." "Pero, anong oras na ba---" "Don't worry, I'll text you kapag naka uwi na ako sa Apartment." Nag talo pa kami, pero dahil nga ako ay isang dakilang makulit, hindi siya na--nalo. Inantay ko lang maka alis sila bago pumunta sa Sinasabing lugar ni Carlo. "Nandiyan ka lang pala, bakit ba at dito pa sa Playground gustong mong makipag kita? Dapat sa bahay na lang." Tanong ko. Uupo sana ako malapit sa kanya naka salampak kasi siya sa damo. Nang maamoy ko ang amoy alak. "Lasing ka?" Gulat kong tanong. "*Huk* I'm not, hindi ako lasing. Naka inom lang." Namumungay ang mata niya siguro dahil na rin sa kalasingan. "At ano naman problema mong bakla ka, at naisipang mong mag walwal, at hindi mo pa kami niyaya!" Nag iinarte kong saad na kunwari ay nag tatampo. "Akala mo ba talaga na bakla ako?" Seryoso niyang tanong. "Yun ang sabi mo diba?" Naguguluhan kong saad. At medyo kinakabahan na ako. The THE MOST I HATE, is a liar! "Pero hindi yan ang sinasabi ng puso ko." Nag uumpisa nang mag tatalo ang utak ko. "A--ano bang sinasabi mo? Lasing k--" "s**t! I'm not! I was pretending to be close with you! Kasi akala ko kung makakasama kita, maaaring maging tayo. Pero hindi, dahil duon ka nahulog sa Walang kwentang lalaking yun!" I slapped him harder. Hindi dahil sa sinabi niyang walang kwenta si Aethan! Sinampal ko siya dahil sa pag sisinungaling niya. Galit ako! Oo! Galit ako! Dahil nag sinungaling siya, dahil pinaniwala niya ako, dahil pinag mukha niya akong Tanga! "I did that, because that's the only way that I know to be close with you!" Tumutulo na ang luha ko dahil sa disappointment At galit! "At yan din ang dahilan para masaktan mo ako" pinunasan ko ang luha ko."At dahil sa pansarili mong intensyon nag sinungaling ka! Na una sa lahat na ayoko!" Pilit siyang lumalapit sa akin, at pilit din akong lumalayo. "Umalis ka na sa Apartment at ayoko nang makita pa ang pag mumukha mo! Sinamantala mo ang lahat! Ang sama mo! Kelangan bukas Hindi ko na makita yang pag mumukha mo dahil kung hindi ako ang aalis!" Iniwan ko siyang mag isa dun. Wala akong pake kung umiiyak siya dun! Basta galit ako! Sinungaling siya! He broken my trust!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD