ELLAINE POV
"Wait!" Sigaw ko sa labas.
Sino ba naman ang bubwisita nang ganitong dis-oras nang gabi? Kakauwi ko lang galing sa 'date' nila besie, ayoko mang pumunta pero pinilit lang ako ni John.
"Besie? A--anong nangyari sayo?" Pinapasok ko siya sa loob nang bahay.
"Bakit ka umiiyak? Nag away ba kayo ni Aethan? Sabi ko na eh, sasaktan ka lan---"
"Its Carlo." Napatigil naman ako sa sinabi niya.
"A--ano? Si Carlo?" Takang tanong ko.
"He lied." Naka tungo niyang saad.
Ang ibig bang sabihin? Tss... Yan na nga ba ang sinasabi ko!
"Besie, sorry." I hug her. Arg! Nakaka konsenya!
"Ba--bakit ka nag so-sorry?" Mas lalo ko siyang niyakap.
"Because, I know he only pretending."
"What!? You know? Why you didn't tell me?" Alam kong naiinis siya, pero mas pinili ko ang yakapin siya.
"Kasi--"
F L A S H B A C K
"Ano na naman ba ito?" Inis kong tanong kay Carlo.
Hindi naman kasi siya bakla eh!
"Sakyan mo na lang." Sinamaan ko siya nang tingin dahil sa sinabi niya. Hindi ako pabor sa plano niya. Dahil unang una! Ayaw ni Yna nang may nag si--sinungaling sa kanya. Dahil feeling niya ginagawa siyang tanga nang mga taong ito o pinag lalaruan siya.
"Sinasabi ko sayo, once na masaktan yan kaibigan ko. Wag ka nang mag papakita sa akin hanggat hindi ka niya pinatatawad!" Pinuntahan na namin si Yna.
E N D O F F L A S H B A C K
Yan ang rason kung bakit hindi ako naging closely kay Carlo sa mga dumaang araw. Dahil tuwing nakikita ko na nag si-sinungaling si Carlo. Feeling ko, nag si-sinungaling na rin ako sa besie ko.
"Binalaan ko na siya! Pero ginawa niya pa rin!" Galit kong saad.
Wag lang mag cu-cross ang landas natin Carlo dahil sigurado akong masasapak kita.
"Dito ka na lang muna matulog, wala naman sila daddy at mommy. Nag out of town sila." Saad ko pa.
Hinatid ko na lang siya sa tu-tulugan niya.
Haist! Ngayon pa lang, nasaktan na siya nang sobra. Paano pa kung malaman niya ang tungkol kay Aethan.
Naaawa ako sa besie ko, lagi na lang siyang ganyan. Lagi na lang siyang sinasaktan.
Bago ako umalis sa pinto nang kwarto niya. Narinig ko pa ang pag-iyak niya.
It's so hard for me, to see her like that.
AETHAN POV.
"Sigurado ka bang kaya mo?" Sinamaan ko naman nang tingin ang kakambal ko.
"Hindi pa naman ako lumpo, don't worry, pag tapos naming mag date. Pupunta ako kay doctor, Para malaman ang resulta." Saad ko pa.
Tinapik niya ako sa balikat.
Kinakabahan din kasi ako. Hindi siya nag text sa akin.
"Basta tumawag ka kapag nag ka problema." I unlocked the door of my Car and drove and go to My love apartment.
Pagkarating ko sa Apartment na tinutuluyan ni Yna. Parang walang tao.
"Iho, kagabi pa walang tao diyan." Napatingin ako sa matanda na nag salita. Lumapit naman ako dito.
"Sinabi ho ba kung saan pumunta?" Tanong ko.
"Hindi eh. Diba kasama mo yung babae? yung lalaki umalis pagkaalis niyo. Pero bumalik yun ng hating gabi niya, at dala dala ang ilang maleta. Parang makikipag tanan ata." Bigla akong kinabahans a sinabi ng matanda.
"Ganun po ba? Sige thank you na lang po." What is she mean?
Impossible!
I tracked the location of her.
Kaninong bahay 'to? Pag karating ko sa bahay na nasa location ni My love, tinignan ko ito ng mabuti.
Nakakita ako ng Door bell.
Pinindot ko naman yun.
"Aethan? How did you know my house?" Bahay ito ni Ella?
I see.
"Nandito ba si Yna? Kagabi kasi hindi siya nag text, at hindi rin pala siya umuwi. Nang i--tracted ko naman ang CP niya. Dito ang tinuro. Nandito ba siya?" Tumango naman siya dahilan para maka hinga ako nang maluwag. Akala ko nakipag tanan na talaga siya.
"Nandito siya. Ikaw na ang gumising sa kanya." Pinapasok naman niya ako sa loob.
Itinuro niya sa akin yung kwarto ni Yna.
"Gisingin mo lang ah!" Pag babanta niya. Tumango naman ako.
Dahan dahan ko namang binuksan ang pinto.
"My Love." Nakahiga siya habang naka talikod sa Pintuan.
Lumapit namn ako sa kanya.
I notice, her eyes are swelling.
Umiyak ba siya?
Inipit ko ang ilang hibla nang buhok sa tainga niya na humaharang sa mukha niya.
"My love?" Malambing kong tawag, para hindi magalit.
"My love, gising na." Narinig ko naman na umungot siya nang mahina.
"My love. Gising na, anong oras na." Unti unti namn itong dumilat. At ngayon ko lang na kumpirma na umiyak nga siya. Mugtong mugto ang mata niya.
Nawalan ako nang balance mula sa pag dungaw sa kanya nang yakapin niya ako.
"Haist! Na miss mo talaga ako no?" Natatawa kong saad.
"Wag kang mag si--sinungaling ah! Masasaktan talaga ako." Bigla akong nakaramdam nang panlulumo sa sinabi niya. Pero mas pinili kong ipakita ang naka ngiti kong mukha.
"May problema ba?" Nag-aalala kong tanong.
"He lied, they always lied." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
"Shhh... date na lang tayo, para sumaya ka. Ayokong nakikita kang ganyan." Saad ko.
"Hahaha... At mukha kang adik my love! Tignan mo mata mo, masyado mong pinagod, pag yan nag tampo baka layasan ka niyan." Natatawa kong saad.
Binitawan naman niya ako mula sa pag kakayakap niya at hinagis sa akin ang unan.
"Tse! Chupi! Mag aayos lang ako." Natatawa naman akong tumayo.
"Tulungan na kita?" Tanong ko. Pinandilatan naman niya ako nang mata na lalo kong ikinatawa.
"Hahaha... Damot!"
"Lumabas ka na nga!" Bago pa ako matamaan ng Unan na binato niya agad kong sinara ang pinto.
Napa ngiti na lang ako.
"Nasaan na si Yna?" Tanong ni Ella.
"Nag aayos, mag de date kami. Nga' pala bakit maga ang mata ni Yna? Sino nag pa-iyak sa kanya?" Medyo may inis sa tono ko.
"It's none of your business. Paki hatid na lang siya sa Apartment niya pag tapos niyong mag 'date'" kahit hindi ko gusto ang tono nang pananalita niya. Hindi ko na lang pinansin kasi bumaba na rin si Yna.
Nag paalam lang saglit si Yna sa kanya, saka kami umalis. Balak ko siyang Dalhin sa Amusement park.
Na ikwento kasi ni John, sinabi sa kanya ni Ella na hilig ni Yna sa mga Arcade, lalo na sa Amusement park.
Kaya I bet na magiging masaya siya kung duon ko siya dadalhin.
Pagkarating namin sa Amusement Park. Agad na nag ningning ang mga mata ni Yna sa nakikita niya.
"Wow!! Wha! Rides!!" Agad niya akong hinila pagkatapos naming i-park ang sasakyan ko.
"Saan kaya muna tayo? Hmm... Roller Coaster!" Agad niya akong hinila palapit duon.
Natawa naman ako, kasi para siyang bata.
Hahaha...
"Dalawa nga po!" Saad niya sa isang bilihan nang ticket. Pagka kuha namin nang ticket agad kaming Sumakay sa Chair nang Roller Coaster.
"Aandar na!!" Mabagal pa ang andar nang roller coaster tumitili na siya. Paano pa kaya kung mabilis na yan?
"Whaaaaaaa!!! Woahhh!!!!" Tili niya.
Hindi niya napansin na may nilagay akong Video Recorder malapit sa harapan namin, kaya kitang kita kung paano kami mag enjoy. Sinabayan ko na lang ang mga tilian nang lahat na nasakay sa Roller Coaster.
THIRD PERSON POV
Masaya ang dalawa habang naka sakay sa Roller Coaster. Para silang bumalik sa pagkabata.
"I LOVE YOU YNA MAE VINTO!!", sigaw ni Aethan, na narinig naman ni Yna na nag pangiti sa kanya.
Pati narin ang ibang naka sakay, kaya nag mistulang tampukan nang 'Ayieee' silang dalawa.
Pag pagkatapos nilang sumakay sa Roller Coaster sunod na pinuntahan nila ay ang Enchanted Rio.
Pumunta rin sila sa Couple Cave
Makikita mo ang saya sa mga mukha nila.
YNA's POV
"Sana lagi tayong ganito." Ngumiti ako nang malaki, sa sinabi ko.
"Si kupido!" Turo ko sa may nakalambitin na isang lalaking parang naka pampers lang na may hawak nang bow and arrow.
"Ako yan eh." Tinignan ko naman siya nang nag tataka.
"Eh? Paano naging ikaw yan nandito ka."
"Because I can be kupido just to be with you." Eh? Anong connect? Tinignan ko siya nang nakakaloko.
"Edi ako si Psyche?" Tanong ko.
"It is because I'm your soul and you are my mind?" Tanong niya. Anong sinasabi niya?
"Anong sinasabi mo diyan? Siyempre! Kung ikaw si Cupid, ako Si Psyche! Jowa kaya ni Cupid si Psyche! Hindi naman pwedeng maging Jowa mo si Venus!" Inis kong saad.
"Hahaha... You will never be Her." Parang kumulo naman ang dugo ko. Edi parang sinabi niya na Hindi kami bagay! Binigyan ko siya nang isang ngiti. Tama naman siya ei. Sino ba ang ma i-inlove agad sa six day niyong mag ka-kilala.
Napa bugtong hininga ako sa iniisip ko.
"You're not Psyche, because you are my love!" Naningkit ang mata ko sa sinabi niya, kahit KINIKILIG ako sa kakaibang way niya nang pagpapakita na mahal niya ang isang tao, isa lang ang masasabi ko. I really love this guy who sitting beside me.
"Thank you for ride here's the flower sir." Nag bigay sila nang bulaklak kay Aethan?
Na inabot naman niya sa akin.
"I love you my love." Binigyan ko siya nang ngiting walang halong plastic.
"Duon tayo sa Carousel" Hinila ko na siya. Baka kasi umangal pa eh!
"Hahaha... Smile!!" Ngumiti kami sabay nang pag click ko sa button ng Monopod.
Pag tapos namin mag ride, hindi pa namin na ra-ride-an ang lahat at hindi pa kami nakaka pag arcade na Sa lahat ay pinaka favorite ko!!
"Ice cream!" Bumili kami nang dirty ice cream! Yiepeee!! Ang sarap bumalik sa pag kakabata
"Ang Cute mo!" Kinurot niya nang mahina ang dulo nang Ilong ko.
"Mahal naman kita!" Nakita ko pa ang pamumula nang Pisngi niya.
Hahaha... I love it! When he is blushed!
"Ikaw ah! Gumaganyan ka na!" Natatawa niyang saad pero halata parin ang pamumula nang Pisngi niya.
"Ang sweet naman nila, na--alala ko pa noon nung ganyan tayo darling. Palagi tayong nag de date. Hihihi..." napatawa kaming dalawa sa narinig namin. Hahaha...
"Sweet daw tayo oh." Saad ni Aethan.
"Hindi kaya! Nag mamahalan lang tayo." Natatawa kong saad.
"Ai sus! Mga kabataan nga naman ngayon oh. Kung saan saan na nag lalandian." Napatingin kami kay kuya'ng nag ti--tinda ng Dirty Ice Cream.
"Kuya. Customer mo kami! At we always right!" Saad ko in a joke way.
"Hahaha... Tara na nga, masyadong bitter si Manong! Hahaha..." umalis na kami duon ni Aethan.
"Duon naman tayo!!" Turo ko sa penny arcade.
"Ayun! Kunin mo yun please!!!" Turo ko sa Stuff na Doraemon. I really love Doraemon.
"Sige antayin mo lang." Tumango naman ako, pinanonood ko lang siya habang nag lalaro. Nung una sumasablay.
Pangalawa sablay, parin
"Ma lalabas mo rin yan, fighting!" Pag pa-palakas nang loob ko sa kanya.
Pang apat sablay.
Kanina pa kami, nakaka ilang Token na si Aethan, pero wala parin siya na lalabas na stuff.
Ramdam ko na rin na Bad trip na siya. Marami na rin ang naka tingin sa amin. Kanina pa kami, nakaka ilang balik na siya sa Palitan nang token, One hour na kami dito. At nagugutom na ako.
"Aeth--"
"Malalabas ko din to. Mag antay ka lang." Ganyan siya kapag tinatangka kong kausapin. Kung kanina nakaka kilig, ngayon hindi ko na alam.
"Oh, miss. Para hindi masayang ang oras niyo, at ma enjoy niyo pa ang ibang Arcade dito." Inaabot sa akin nang isang matipunong lalaki ang Doraemon na galing din sa penny machine. Nag dadalawang isip akong kunin.
Tinignan ko si Aethan, na nakatingin na pala sa 'kin.
"Ah... Hindi na, kaya naman maka kuha niyan nang Boyfriend ko, sadyang nabitaw lang ang stuff." Nag aalinlangan kong Saad. Eh kasi! DORAEMON yun eh!! Kung hindi lang talaga magagalit si Aethan eh! Huhuhu....
"*sigh* ikaw ang bahala miss. Per---"
"Let's go. Ibibili na lang kita, yung MAS malaki diyan yung HUMAN size na Doraemon Yung kaya mong HIGAAN." Kelangan bang pag diinan yung MAS, HUMAN AT HIGAAN? Tsss... Seloso! Hihihi.
"Na HINDI naman PINAGHIRAPAN" lumingon ako sa lalaki at Nilakihan ito nang mata.
Bad Mood na nga eh, bina bad trip pa!
"I don't care, The IMPORTANT is I LOVE the girl BESIDE me." Nag hiyawan naman sa kilig ang mga tao.
Pero MAS KINILIG AKO. Ako kaya ang sinabihan.
"Hmm... Aethan." Hinila ko ang laylayan nang Damit niya. Kanina pa kasi niya ako hindi kinikibo. Baka galit siya sa akin. Eh. Ang sakit na kasi nang tiyan ko eh!
"My love." Tawag ko ulit.
Naiiyak na talaga ako.
"Aethan!!" Ngayon, hindi ko na talaga, kaya. Ang sakit na nang tiyan ko.
"What happened?"
"Arggg!!!"