ELLA POV
'Hello?'
"Hmmm..." sagot ko sa kabilang linya.
'Besie! Puntahan mo ako sabay tayong papasok.' Napatingin ako sa Orasan. Hmmm... 6:36 AM. Start nang klase ay 8 AM.
"Sige, ang aga mong mambulabog" saad ko pa.
'Hahahahaha, sorry na.' Pinatay ko na yung tawag at nag ayos na.
Pagkatapos kong gawin ang dapat gawin.tumingin ako sa wrist watch ko.
7:22 AM
Nag taxi na lang ako papunta sa Apartment na tinutuluyan niya.
"Let's go?" Maharot na Saad ni Carlo I mean 'Carla'
"Sasakyan ko na lang ang gagamitin natin." Saad pa ni Carla.
"Dapat sinundo niyo na lang ako, sayang pamasahe!" saad ko na ikinatawa nila. May nakakatuwa ba?
"Tara na nga!" Hinila niya si Yna pero yung hilang may pagka 'Gentle Man'
Chansing lang eh.
"BTW! Sabay tayong mag lunch ah!" Hirit ni Carla kay Yna.
Napataas naman ang kilay ko.
"Wala ka bang balak na isama ako sa 'lunch niyo?'" Talagang pinag diinan ko ang Lunch niyo.
"Siyempre kasali ka!" Sinamaan naman niya ako nang tingin kaya nilakihan ko siya nang mata.
"Chill lang kayo, mamaya mag rambulan na kayo diyan eh!" Natatawaang awat ni Yna.
"We're here!" Bumaba naman agad si Carla at pinag bukasan nang pinto si Yna. Gawain ba 'yan ng bakla? Tsss...
Inaantay ko naman na pag buksan niya din ako nang pinto.
Pero, Walengya!
"Ano wala kang balak buksan ito?" Inis kong saad.
"May paa ka naman at kamay, so? I think kaya mo na yan!" Mataray niyang saad. Aba! Ang baklita!
"Bubuksan mo o ibubunyag ko?" Nanghahamon kong tanong.
"Ikaw naman hindi mabiro, hala!o sige, bumaba ka na diyan." Bumaba na naman na ako pagkatapos niyang buksan ang pinto.
"Tss..." nilagpasan ko na lang siya.
"Good morning Class."
"Good morning Miss." Bati din namin sa Lec. Namin.
Discuss.
BREAK
"Sa Canteen tayo." Saad ko.
Hindi na naman siya umangal.
"Cr. Lang muna ako." Paalam niya.
"Sige, hmmm... Antayin na lang kita sa Canteen." Tumango naman siya.
Dumereteso ako sa Canteen tulad nang pinag usapan. At nag hanap na rin ako ng mauupuan.
Bumili na rin ako nang makakain para sa pag dating nila.
"Hi!" Napalingon naman ako sa babaeng bumati na nasa harapan ko.
Nginitian ko naman ito.
"Pwede ba akong maki join? Kasi wala nang space eh." Tinignan ko naman ang ibang lamesa. May Vacant pa namang isa.
"Ayun oh." Turo ko sa isang lamesa na walang naka upo.
"Hindi pwede dun, naka reserve na kasi yun sa mga anak nang may ari nang School na ito." Tumango na lang ako at pinaupo siya.
"Sino ba ang mga anak ng may-ari ng school na ito? At Napaka VIP! Napaka unfair naman ata. Pare-parehas lang naman tayong nag aaral dito." Inis kong saad.
"Hahaha... Okey lang, sanay na kami. Ganun talaga, walang nag tatangka na mag reklamo. Bakit? Simple lang dahil imbles na maging fair, mas lalong nagiging unfair. Dahil patatalsikin ka sa school na ito." Napailing naman ako. Grabi!
Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating na si Yna. At aba! Ang loka, parang nanalo sa loto dahil ngi ngiti ngiti.
"What's with your face? At bakit ang tagal mo?" Tanong ko.
"Ah, wala. May kinausap lang kasi ako." Napataas naman ang kilay ko.
"May kinausap ah, at sino?" Tanong ko.
"Si John. Yung may ari nang apartment at nakita ko rin yung tumulong sa akin na mag lipat." Bongga. Ang haba ng hair ah.
YNA POV
Pagkatapos kong mag CR, pag labas ko hindi inaasahan na may nabangga ako.
"Sorry." Tinignan ko kung sino yung naka bangga ko.
"Ui! Ikaw pala yan. Thanks pala sa pag tulong sa akin." Saad ko, siya yung tumulong sa akin na buhatin yung maleta ko. Remember?
"Dito ka nag aaral?" Tanong niya. Tumango naman na ako.
"Ang swerte ko naman, nakasama ko ang magandang babaeng katulad mo dito sa school." Nahihiya naman akong ngumiti. Ganto ba kayong mga lalaki? Ang hilig magpakilig?
"Bolero!" Saad ko.
"Hahahaha... " ang ganda nang ngipin niya, straight na straight. At ang puti pa, mahahalata mong alagang alaga.
"BTW. I'm Aethan Monterial and you are?" Nag pakilala rin naman ako.
"Yna, Yna Mae Vinto." Mag she-shakehands na sana kami nang biglang hawakan ni Carlo ang kamay ni Aethan. Saan nang galing ang baklang to?
"I'm Carlo." Gusto kong matawa, dahil naging lalaki ang boses niya. Hahaha.
"Nice meeting you bro." Saad ni Aethan.
"Sorry, we have to go na. Inaantay kasi kami ni Ella." Paalam ko.
Tumango naman siya.
"See you next time!" Sigaw pa niya nang makalayo kami. Tinignan ko siya saglit at nginitian.
"Type mo?" Tanong ni Carlo.
"Gwapo siya,pero hindi ko masasabi." Sagot ko.
"Yna?" Napatingin ako sa lalaking tumawag ng pangalan ko.
"John?" Hindi ko siguradong saad.
"Buti naman at naalala mo pa ako. Dito ka rin pala nag aaral?" Napangiti ako.
"Ikaw nga! Hahaha... Oo, eh. Ikaw ba?"
"Oo, naka uniform nga ako oh." Sinamaan ko naman siya ng tingin na ikinatawa niya.
"Hahaha, jowk lang."
"Before I forgot, this is Carlo, yung kasama ko sa Apartment. And Carlo, siya si John. Anak ng may-ari ng Apartment." Pag papakilala ko kay Carlo.
"Nice meeting you." Saad ni John.
"Nice Meeting you too."
"Una na kami ah. Inaantay na kasi kami ni ella eh." Saad ko.
"Sige, ganun din ako." Umalis na kami dun para puntahan si Ella.
Pagkapunta namin sa canteen isang babae ang nakaupo 'dun kasama si Ella.
"Hi?" Naiilang na saad nang isang babae na nakaupo sa harapan ni Ella.
"Hello!" Masayang Bati ko.
"Ako nga pala si Diana." Pag papakilala niya ng maka upo kami.
"I'm Yna. And he's Carlo." Pag papakilala ko din.
Nag kwentuhan kami ng nag kwentuhan.
"Hahaha... Talaga? Hahaha, ang shunga mo naman pala!" Nagtawanan naman kaming apat nang mag kwento si Diana. Masyado siyang Open.
"Kanina ko pa napapansin na tumitingin sayo sila Aethan." Tinignan ko naman yung sinasabi niya.
Sila Aethan at John yun ah?
Magkaibigan sila?
"Girl!! Lumalapit si Aethan!" Tama, lumalapit nga na naging dahilan para tumingin ang lahat nang studyante sa amin.
"Will you be my Girlfriend and forever mine?" Napatingin naman ako sa likuran ko kung sino ang kausap niya.
Huminto kasi siya sa harapan ko.
"Ha? Ako ba yung tinatanong mo?" Tanong ko, halos lahat nakatingin sa amin at ang iba naman tinatapunan ako nang masamang tingin at ang iba kinikilig. Halos walang nag sasalita, na para bang hinihintay ang isasagot ko.
"Uulitin ko pa ba?" Tanong niya
"Ah.. Eh! Kasi. Seryoso ka ba? Hindi ka ba nag da--drugs?" Takang tanong ko. Nakarinig pa ako nang tawanan.
"Sa mukha kong to? Mukha ba akong nag da--drugs? At saka, masisisi mo ba ang puso ko na umibig sa katulad mo?" Napalunok laway naman ako. Ang talinghaga nun ah!
"Pinag ti-tripan mo ba ako?" Seryoso kong tanong.
"Kung panti-trip ang ginagawa ko para ipakita ko na gusto kita, pwes oo."
"Ano kasi." Ano ba naman kasi!
Kapag um--oo ako anong mangyayari? At kapag humindi ako siguradong mapapahiya siya. At saka tinulungan naamn niya ako nun eh.
Tinignan ko naman ang mga kaibigan ko. Bago tumingin kay Aethan.
Bahala na!
"Yes?" Nakangiti kong sagot pero, deep inside may pag aalinlangan.
"Yooo! I love you!!" Sigaw niya.
Nagulat naman ako sa pag sigaw niya habang ngiting tagumpay naman siya.
Nag palakpakan naman yung mga studyante.
"Yun oh!!"
"Tsss..."
"They not suit"
"Slut!"
"Idol!"
Mga sinasabi ng iba. Pero hindi ko nalang pinansin.
"Sabay tayo mag lunch?" Tanong niya.
Tinignan ko naman sila Ella.
"Eh? Kasabay ko mga kaibigan ko eh, maybe next time?" Saad ko.
"Sige, hahatid na lang kita. Pupuntahan kita sa Room mo." Tumango na lang ako.
"Sa akin siya sasabay." Hirit ni Carlo. Ano bang problema niya? Ano ba Carlo!
"I'm her boyfriend, accompanied her is my Responsible. As her boyfriend I'm always right in this situation." Bakit ba ganito sila? Mag lalakad na lang ako para walang away! Kakaurat!
"You're just her boyfriend and your not own her." Saad pa ni Carlo. Ano ba kasi ang pinag lalaban mo Carlo! Gigil mo 'ko
"You're right she's not mine, but I had a right because I'm HER BOYFRIEND." Ano ba kasi ang pinag tatalunan nila!
"Titigil kayo o, titigil kayo? Ano bang pinag lalaban niyong dalawa? Parehas lang naman kayong walang karapatan sa kanya. Bakit ayaw niyo siyang papiliin?" Pinandilatan ko ng mata si Ella. Ano na naman bang katangahan 'to?
"Oh, Yna. Sino ba sasamahan mo sa kanila?" Tanong ni Ella. Pampam ba naman!
"Bahala na! Mag lalakad na lang ako!" Inis kong saad.
Nagulat ako kasi bigla akong hinalikan ni Aethan sa Noo.
"I love you Babe, baby, Darling, Hon, sweetie pie, Baby Babe, Teddy bear, mahal, only one, buhay ko, asawa ko, wife, wifey." Biglang nag tilian lahat nang studyante. Bigla akong nalula ang dami nun ah.
"Ang sweet niya!"
"OMG! Sana ako na lang siya!"
"Ang swerte ni ate gurl!"
"Quiet! Hindi siya ang maswerte." Paninimula niya.
"Ako ang maswerte dahil sinagot ako nang babaeng pinapangarap ko sa buhay." Lalo pang nag tilian ang lahat.
Pati mga kaibigan niya Nakangiti at eto namang kasama ko, aba! Nag alsa bulate na. Na parang kanina eh, kulang na lang, magka World War III.
"Ah... Sa lahat nang sinabi mo? Ano bang itatawag ko sayo dun?" Tanong ko. Napakahirap naman ata kapag Tatawagin ko siya o makikipag usap ako sa kanya.
Example.
Honney pie, Mahal, Darling, Only One, Teddy Bear, Husband, asawa ko, may gagawin pa akong project eh!
Aba! Sayang ang bawat segundo, sa mga Call sign na sasabihin ko sa kanya.
"Hahahaha! Kahit ano. As long mahal mo ako." Bigla kong naramdaman na ang init nang pisngi ko. Mahal agad? Ha! Grabi talaga!
"Hep! Hep! Hep! Bumalik ka na nga sa upuan mo! Hindi na langgam ang nangangagat sa amin! Antique na!" Natawa naman ako kay Ella.
"Sige, bumalik ka na dun. Inaantay ka na nang mga kaibigan mo." Saad ko. At nilakihan ng mata si ella.
"Oo nga, bumalik ka na dun. Storbo ka dito." Inis na saad ni Carlo, ano bang problema niya.
Nakita ko naman ang pag simangot niya.
"Tinataboy mo na ba ako my love?" Tanong niya, na halatang nag tatampo.
"Ayieee!!" Mga studyante.
"Eh, hindi naman. Eh, kasi inaantay ka na nang mga Kaibigan mo. Baka mag tampo yung mga yun." Tumawa naman ito. Habang ako dito, kinakabahan sa bawat salitang sasabihin ko.
"Okey lang, basta ikaw ang kasama ko. Tandaan mo. Ikaw ang Priority ko." Hays! Ang kulit! Makiramdam ka naman oh! Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Oo na! Pumunta ka na dun!" Pag tataboy ko. Nahihiya na kinakabahan na talaga ako.
"Hahaha... Sige na nga, basta antayin mo ako ah. Ihahatid kita sa inyo."
"Oo na!" Pag sang ayon ko para hindi na mangulit. Pumunta na naman siya sa mga kaibigan niya.
"Anong eksena yun girl? Gosh! Boyfriend mo ang isa sa anak nang may ari nang School na ito!" Kiikilig na saad ni Diane.
"Eh--" sasagutin ko pa sana siya na mag ring ang bell na nag sisimbulo na Class time na.
Kaya, pumunta na kami sa Room kasama sila Aethan.
"My love. I love you." Napangiti naman ako sa Ka-sweet-an nang 'Boyfriend ko'
Hindi na rin masama na sinagot ko siya. Ang sweet niya kaya! Ikaw kaya! Makatagpo ka nang mabait! Gwapo at higit sa lahat sweet na lalaki. Tatanggihan mo pa ba?
Yung tipong mala Kim Taehyung ang pag mumukha! Ano! Ano! Hindi ka ba maiinlove?
"Ui! Hindi mo ba ako mahal?" Tanong niya, na umakto pang nag tatampo. Para siyang bata.
"Haist! I Love you too." Nakangiti ko saad. Kahit may pag- aalinlangan. Hindi naman yun mawawala sa akin eh, siyempre. Ilang araw palang kami mag kakilala, ni hindi pa nga kami Close then kami na.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin.
"Sa room." Sagot ko. Tumigil siya sa pag lalakad, kaya tumigil din ako.
"Eto yung Room mo My love oh." Napatingin naman ako sa tinuro niya. Oo nga no! Bakit mas alam niya pa?
"Ah. Eh, sabi ko nga yan na yun. Sige. Salamat sa pag hatid papasok na ako." Anong kahihiyan to? Lamunin mo na ako lupa please!!
"Wala ba akong good bye kiss?" Tanong niya. Na nag painit ng mukha ko.
"Kasi ano--" ano bang ginagawa mo.
Nagulat naman ako sa ginawa niya.
He kiss my forehead again.
"Ge na, puntahan kita mamaya." Inantay ko lang na makaalis siya, bago ako pumasok sa loob. On shock parin ako.
"Oi! Wala ka bang balak mag kwento? Anong eksena yun besie?" Nagtumpukan naman yung mga ka klase namin sa amin. Ang ingay mo talaga besie! Sarap mong kurutin sa singit!
"Oo nga! Kayo na talaga? Ang swerte mo!" Hirit pa ng isa naming ka klase. Hindi ako makapag salita dahil sunod sunod sila kung mag tanong.
"How did you meet?"
"Ilakad mo naman ako kay Ethan!"
"Ak---"
And Finally! Dumating na ang Lec. Namin, kaya tumigil na ang mala reporter naming mga ka klase. Thanks to you Ma'am!!
"Yna Mae Vinto." Nag taas naman ako nang kamay ng tawagin ang pangalan ko.
"Oh, you're there. You're the Girlfriend of Aethan."
Pati ba naman teacher. Ganun ba sila kasikat? Naman eh!!
"Hehehe!!" I don't know how to react. Nakakaloka!
DISCUSS
TIME
"Mag titiwala ka sa lalaking yun?" Napatingin naman ako kay Carlo ng sabihin niya yan.
"Hayaan mo na! Marami namang nakakaalam na si Aethan ang kasama niya. Kapag hindi siya nakabalik nang buo edi si Aethan ang may kasalanan!" Yung totoo? Kaibigan ko ba talaga siya?
"Haist! Basta hindi ako nag kulang sayo. Sinabihan na kita. At eto oh, chocolate." Ano bang meron kay Carlo? May dalaw kaya siya? At bakit niya ako binibigyan ng chocolate?
"Para saan 'to?" Tanong ko.
"Tss... Masama bang mag bigay ng ganyan? Binigay lang sa akin yan, kaya sayo na." At iniwan niya kami.
"Problema nun?" Napabuga ako sa kawalan.
"Haist! Hayaan mo na nag se-selos lang yan. Akin na nga yang chocolate, nagugutom ako." Kinuha naman niya ang chocolate sa kamay ko. Hindi naman sinabi ni Carlo na type niya pala si Aethan.